1.

64 4 0
                                    

Peeeeeeeeeep...

My chinky eyes went wide when a red car suddenly appeared in front of me. The loud horn comes from it made my drunkenness away. I almost bumped myself because of a quick brake.

"Shit! What the heck?" I cursed. As I angrily tapped my steering wheel.

Tumingin ako sa relo ko at halos maguumaga na. It's almost 2:40 in the morning. Kailangan ko nang makauwe agad. Bukod sa maaga pa ang trabaho ko mamaya, ay nahihilo na din ako.

Mabilis akong bumaba at pabagsak na sinara ang pinto ng sasakyan. Tinignan ko ang unahan kung tumama ba ako sa sasakyan nasa unahan sakin. Buti naman at may swerte pa din ako dahil muntik lang naman magkiss ang bumper ng sasakyan namin. Paglingon ko nasa labas na din ang driver neto.

"Are you blind?" Agad kong tanong sa driver ng sasakyan.

"Ako? Bulag? Baka ikaw ang bulag." Boses ng isang babae ang sumagot sakin. Hindi ko siya maaninag dahil sa malakas na ilaw na nakatutok sakin.

"You almost killed me! Di kaba marunong mag drive ha?" Napakunot ako ng noo nang sabihin niyang ako daw ang bulag.

"At ako pa ang tinanong mo? Baka ikaw ang hindi marunong. Sabihin mo sakin, baka naman ninakaw mo lang ang sasakyan na yan?"

"Ano? Ako? Magnanakaw? Nagpapatawa ka ba?"

"Ano tingin mo sakin clown?"

"Bakit hindi ba?"

Nagsisimula na akong mabwiset sa taong to. Nahihilo na nga ako dumadagdag pa siya. Mabuti nalang talaga at walang masyadong dumadaan sa lugar na to.

"Pwede bang alisin mo nalang yung sasakyan mo sa harapan ko para makauwe na ako."

"At bakit ako?"

"Obvious ba miss? You're blocking my way!" Napapalakas na ang boses ko. Bakit ba kase ang tigas ng ulo ng taong to.

"So if you don't mind, can you pull away your car into mine?"

Sasakay na sana ako ng sasakyan nang bigla niya akong sigawan.

"Ikaw ang magalis ng sasakyan mong nakaharang! Ikaw na nga ang muntik makadisgrasya ikaw pa ang malakas ang loob para gumanyan!"

"Miss, pwede ba?" Napapapikit nalang ako sa inis.

"Nakikita mo ba kung saan nakasakop ng linya ang sasakyan mo?"

Napatingin ako sa sasakyan ko at parang bigla nalang akong nakaramdam nang hiya. Sa pagkakataon eto ay parang gusto ko nalang biglang maglaho.

I was taking a wrong lane. Bakit ba di ko agad iyon napansin. Ang lakas lakas ng loob kong makipagtalo tapos makikita kong ako pala ang may mali. Bwiset talaga oh! Inom pa...

Nagsimulang lumapit sakin ang driver ng kabilang sasakyan at napapikit nalang ako ng tuluyan ko siyang makita.

She's a Policewoman

Nice, tadhana nga naman..

"Now tell me, ako ba ang nakaharang?"

I was caught off guard nang tuluyan na siyang makalapit. Nahihiya akong lumingon sa kanya. And worst baka kung ano pang gawin niya sakin.

"Oh, di kana ata nakagalaw?"

"A-ah, m-miss, este ma'am police pasensya na. Hindi ko kase napansin, Sorry po."

"Halata nga. Bait mo bigla eh."

Nakaramdam ako nang inis sa sinabe niya. Humihingi na nga ako nang sorry tapos bigla akong sasabihan nang ganon. Aba naman.

"Anong gusto mong palabasin?"

"Wala akong sinasabe."

"Sa tingin mo ba dahil sa nalaman kong pulis ka ay nagbabait baitan ako?"

"Hindi ko sinabe."

"Teka, pulis ka ba talaga ha?"

"Ano ba sa tingin mo?" Napataas ang kilay ko sa mga sagot niya sakin.

"Nag pupulis pulisan! Kanina ka pa eh. Can't you see? I'm trying to say sorry earlier pero ganyan ka."

"Bakit? Nung bumaba ako kanina para humarap sayo nang maayos, anong ginawa mo? Diba sinigawan mo ako!"

Lalong kumunot ang noo ko sa pag sigaw sakin ng babaeng kaharap ko. Pakiramdam ko yung kalasingan ko tuluyan na talagang nawala.

"Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko edi wag."

"Talagang hindi. Sa tingin mo sapat ang sorry mo? Akala mo ba di ko amoy na nakainom ka. Wag mo akong daanin sa dahilan mong di ko napansin."

"Anong gagawin mo?"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa sa mga nagmamaneho ng nakainom?"

Nagsmirk pa siya sakin. Ako naman ay biglang nagloading sa mga sinabe niya. Di nagtagal ay nahulahan ko ang ibig niyang sabihin.

Dahan dahan akong umatras para mapalapit sa sasakyan. Siya naman ay biglang kumunot ang noo.

Agad akong pumasok sa loob at pinaandar ang sasakyan. Mabilis kong inatras ang sasakyan, siya naman ay mukhang nabigla sa ginawa kong pag takbo. Hindi niya alam kung sasakay ba siya ng sasakyan o hahabulin ako.

Mabuti nalang at naiwan kong nakabukas ang pinto kanina nung sasakay na sana ako. Bago lumagpas sa kanya ay binaba ko ang bintana ng sasakyan. Kitang kita ko kung gaano siya ka frustrated sa ginawa ko.

"Huhulihin mo ako? At sino naman nagsabeng magpapahuli ako sayo?"

"Sa susunod wag kang mabagal, Bye, ma'am!"

Sigaw ko at kumaway kaway pa sa kanya. Mula sa side mirror ay kitang kita ko kung paano siya nagpapapadyak sa inis. Kala mo ha, magaling ata to.

"Hoy! Bumalik ka dito! Hoy!" Rinig kong sigaw niya ng bago ako tuluyan makalayo.

Natawa nalang ako sa naging katarantaduhan ko. Nang makarating sa bahay ay agad kong pinark ang sasakyan at mabilis na bumaba.

Dahan dahan akong pumasok sa loob at pansin kong tulog pa ang mga kasama ko. Mabilis akong umakyat ng kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Tinignan ko ang side table ko kung saan nakalagay ang orasan ko. 4:45 am na. Hays, ilang oras nalang ang itutulog ko.

Hays, nandito nanaman ako..

Kinuha ko ang phone ko at mukha niya agad ang nakita ko. Nakangiti etong nakatingin sakin. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya at di ko na malayaan unti unti na palang bumabagsak ang aking mga luha.

Lalo kong naramdaman ang pagod. Ilang taon na ba akong ganito? 1 year, 2 years?

3 years na..

Sa loob ng tatlong taon naging ganto na ang buhay ko. Papagudin sa trabaho ang sarili, uuwe nang lasing, madalas pa ngang nakikipagbasag ulo. Masisisi niyo ba ako?

Dahil sa tuwing magisa nalang ako, nasasaktan lang ako. Ang sakit sakit at ang hirap tanggapin. Hindi ko na nga alam kung hanggang kelan ba ako magiging ganito.

Kase pakiramdam ko hanggang ganto nalang ako.

Pumikit ako at di ko namalayan nakatulog na pala ako nang tuluyan. Basta ang alam ko lang pati sa panaginip ko dala dala pa din kita.





I miss you, hon. Please, umuwi kana...

You are my bucket listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon