First day ko sa Laguna ngayon araw at dito ako mag s-stay para mag pagaling. Nakatawag na din ako sa headquarters para ipaalam ang lagay ko. Mabuti nalang at nandoon si kyla para asikasuhin ang leave ko.
Bukas naman ang start ng therapy session ko. Tanghali na kase dumating ang therapist ko kanina dahil galing pa siyang manila. Habang isinasagawa nga ang therapy ay napagusapan namin dito nalang din siya magstay. Wala naman naging problema dahil pumayag si Ms. Rhea.
Kasalukuyan akong nasa aking kwarto ngayon kasama ang dalawa kong ate. Nandito sila pareho para kulitin ako.
"Jessica, ano na? Anong sabe ng manliligaw mo?" Tanong ni ate jeka.
Sa kadaldalan kase ni ate jelai ay agad niya etong kinwento kay ate jeka. Simula nga non ay hindi niya na ako tinigilan kulitin tungkol kay louie.
Eto naman si louie mukhang kinalimutan ako. Text lang kaninang umaga ang tanging natanggap ko galing sa kanya. Kung hindi ko pa tinawagan ngayon ay mukhang hindi yata talaga magpaparamdam.
"Nagd-drive ate, inutusan daw kase ng daddy niya."
"Walang balak bumisita? Ano ba naman manliligaw yan.." sabe ni ate jeka.
"Girl, kung meron man edi sana kanina pa. Anong oras na kaya oh." Pagsusungit ni ate jelai.
Hay nako! Nagtalo pa nga. 🙄
"Baka kase may ginawa sa kanila kaya di nakapunta. Malay niyo bukas magpunta." Nakangiti kong saad.
Tinutulungan na ako nila ate na humiga sa kama ng may marinig si ate jeka.
"May naririnig ba kayo?" Tanong niya samin.
"Ano? Alam mo ikaw kung ano ano nalang naririnig mo." Kumento naman ni ate jelai.
"Hindi, meron nga. Parang gitara, makinig kase kayo.."
Sinubukan kong pakinggan ang tunog na sinasabe ni ate. Mukhang tama nga siya dahil may naririnig akong nag s-strum ng gitara.
"Meron nga." Sabay na sabe nung dalawa.
Mabilis na lumakad ang dalawa kong ate para pumunta sa bintana. Naguunahan pa nga sila para silipin eto.
"Ahhhhhhhhhh!! Haba ng hair mo, te!!"
Nagulat ako nang tumili si ate jeka. Nagtatalon pa silang dalawa ni ate jelai.
"Huh?" Takang tanong ko.
"Tignan mo dali!" Si ate jelai.
Sa tingin ba nila'y magagawa ko agad makalapit sa kanila sa kalagayan kong to? Sinubukan ko nga itiin ang paa ko kanina ngunit nasaktan lang ako sa ginawa ko eh. Kung sila kaya paupuin ko dito? 🙄
"Mga te, sa tingin niyo ba'y makakalapit ako dyan?"
"Ay oo nga!" Agad na tinulak ni ate jeka ang wheelchair palapit sa bintana.
"Ano ba kase mero-"
Kulang nalang ay mapatayo ako sa kinauupuan ko nang makita ko ang taong nasa labas ng bahay namin. Nakangiti siya samin habang may sakbit sakbit na gitara sa katawan. Halos mataranta naman ako nang kawayan ako ng mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
You are my bucket list
RomanceLibro na binubuo ng pangarap Mga bagay na nais gawin Bawat araw na lumipas-ikaw ang dalangin Paano kung sa isang iglap nagbiro bigla ang tadhana Ang akala kong ikaw ay iba pala..