18.

7 0 0
                                    

Pagpasok sa loob ng bahay ni jessica ay agad niya akong pinaupo. Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan bahay. Malinis at maayos ang mga gamit niya. Malawak ang salas at kusina. Meron din dalawang pinto, siguro ay kwarto.

Dumiretso si jessica sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang tray na may laman pitchel ng juice at slice ng cake.

"Pasensya kana sa bahay ko ha, tsaka sa dala ko. Yan lang nakita ko sa ref eh." Nilapag ni jessica ang tray sa coffee table tsaka umupo sa katapat kong upuan.

"Okay lang, ano ka ba. Medyo busog pa naman ako eh. Dame kong nakain na butchi. Hahaha" Natawa si jessica sa sinabe ko.

Hindi ko alam kung bakit naisipan kong sumama dito, basta lang siya lumabas kanina sa bibig ko. Mabuti nalang at pumayag si jessica. Malamang kung umuwe ako ay nabobored na ko. Wala din naman kase akong gagawin samin.

"Jessica, bakit ikaw lang dito? Hindi ka ba natatakot?"

"Hindi naman, Yung family ko ay nasa Laguna. Doon talaga kame nakatira. Nagtuturo sila lahat sa eskwelahan samin. Ako lang ang naiba."

Wow, Family of Teachers pala sila. Eh bakit siya nagpulis?

"Bakit di ka din nag teacher?"

"Kase pagpupulis talaga ang gusto ko. Bata palang ako pangarap ko na talaga to."

"Ang galing mo naman."

"Ikaw din nga dyan, Engineer."

Nagkwentuhan lang kame ni jessica, maya maya naman ay nakakaramdam ako ng antok. Tinignan ko ang suot kong relo at 3:30 palang ng hapon. Nakakaantok naman kase ang pakiramdam dito, itutok ba naman sakin ni jessica ang electricfan eh.

"Ok ka lang?"

Biglang tanong ni jessica. Sakto naman na humihikab ako nang tignan niya ako.

"Inaantok ka ba? Gusto mo matulog muna?" Alok niya. Gustuhin ko man kaso nakakahiya kung tutulugan ko siya.

"Naku, wag na. Nakakahiya naman sayo."

"Ok lang, gamitin mo muna ang kwarto ko. Lalabhan ko nalang muna ang uniform ko habang natutulog ka." Nakangiting saad niya.

"Hmm, wag na sa kwarto. Nakakahiya naman kung papasok ako don."

"Eh san mo balak matulog?"

"Dito, dito nalang sa sofa." Tinapik tapik ko pa ang kinauupuan ko.

"Nako, ang laki laki mo. Mahihirapan ka lang pag dyan ka natulog. Sa kwarto nalang."

Umiling lang ako bilang sagot. Sinimulan kong hubarin ang sapatos ko at tsaka dahan dahan humiga sa sofa. Pinapanuod lang ako ni jessica sa ginagawa ko.

"Ok na ko dito, sanay ako kahit saan. Ako kaya yung taong masandal lang tulog. Kahit nga siguro patayuin mo ako dyan sa pader basta nakasandal makakaidlip ako eh." Nginitian ko si jessica. Natawa naman siya sa sinabe ko.

"Sige na nga, basta sabi mo yan ha."

Nagthumbs-up ako sa kanya. Pumasok siya ng kwarto at kumuha ng unan. Inabot niya to sakin.

You are my bucket listTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon