"Uy espasol, thank you, jessica!"
Niyakap ako ni kyla na tuwang tuwa sa mga dala kong pasalubong.
"Uuwe ka pala ng laguna hindi mo man lang sinabe sakin. Edi sana nakasabay ako sayo." May halong pagtatampo ni kyla.
"Biglaan uwe lang kase ako eh, kung hindi dahil kay louie ay hindi talaga ako makakauwe."
Tinignan ako ni kyla na mukhang nagtataka.
"Ano meron kay louie?"
"Siya naghatid sakin. Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang address ko sa Laguna eh."
Napasinghap si kyla. Nanlaki din ang mata niya sa sinabe ko.
"Bakit?"
"Hinatid ka niya sa inyo? Kaya ba tumawag siya sakin at hiningi ang address niyo?"
Kumunot ang noo ko sa sinabe niya.
"Kelan siya tumawag?"
"Nung nakaraan, tinanong ko kung bakit pero ayaw sabihin ang dahilan. Bilin pa nga niyang wag ko daw sabihin sayo na nagtanong siya eh."
Kaya naman pala eh.
"Ikaw pala nagsabe, kaya naman pala ganon nalang kalakas ang loob kahit hindi nagtatanong sakin."
"Bakit?"
"Nakatulog kase ako sa byahe. Hindi ko namalayan, pag gising ko nasa tapat na kame ng bahay namin."
Nagulat ako nang tumaas ang boses ni kyla.
"Jusko ka jessica! Makikidnap ka ni louie ng wala ka man lang kaalam alam."
"Kinidnap ka nung louie na yon?!"
Napalingon kame ni kyla nang biglang sumulpot si joshua. Galit etong nakatingin sakin.
"Sabihin mo sakin anong ginawa niya sayo?!"
"Joshua, mali ka ata ng pagkaintindi." Si kyla.
"Shut up, kyla!"
Nainis ako sa tinuran ni joshua. Wala siyang karapatan sigawan si kyla ng ganon.
"Joshua, bakit kailangan mo manigaw?!"
"Paanong hindi ako magagalit, eh kinidnap ka nang louie na yon!"
"Pwede bang huminahon ka at makinig muna?!"
"Paano nga ako hihinahon sa nalaman ko ha?!"
Jusko ang OA, sarap kutusan 😣
"Walang kidnap, hindi ako kinidnap nung tao!"
"Pero sabe ni kyla.."
"Yun lang naman kase ang narinig mo eh, tapos makareact ka grabe."
"Hindi mo ako masisisi, iyon ang salitang narinig ko eh."
"Kaya nga, dapat sa susunod hindi ka basta basta nagagalit. Sana inalam mo muna ang totoo. Tsaka bakit ka ba nakikinig sa pinaguusapan namin ni kyla?"
"Sorry, jessica, hindi ko sinasadyang marinig kayo."
"Ok."
Hinatak ko na si kyla ngunit hinawakan ako ni joshua sa braso para pigilin.
"Jessica, sorry na. Kyla, sorry din. Hindi ko gustong sumigaw kanina." Pag hingi ng sorry ni joshua samin.
"Ok na, pwede mo na ako bitiwan. May gagawin pa kame ni kyla."
BINABASA MO ANG
You are my bucket list
RomanceLibro na binubuo ng pangarap Mga bagay na nais gawin Bawat araw na lumipas-ikaw ang dalangin Paano kung sa isang iglap nagbiro bigla ang tadhana Ang akala kong ikaw ay iba pala..