***YOU as the GIRL
Pumunta ako sa may Chapel ng school namin at doon umiyak. Uwian naman na at sure ako na walang makakakita sa akin. Kasi naman ang crush ko ay engaged na, yas mayaman sila kaya arranged, pero ang mas masakit ay kaibigan ko pa ang fiancee niya. Wag niyo isiping walang consideration kaibigan ko, wala lang talaga nakakaalam na may crush ako.
Graduating na nga pala kami sa wakas, 12th grader na kami.
Ayokong umiyak sa bahay dahil alam nila strong ako, I don't want them to see that I'm vulnerable. Sa mga kaibigan ko, same. Okay na ang diyos ang makakita sa akin.
"Wow." Napalingon ako dun sa nagsalita, nakastraight face lang siya tas biglang nag smug look, at para akong pinagbagsakan ng galaxies at tartatus. Thanatos take me now. Kakasabi ko lang eh. Bakit sa lahat SIYA pa? Siya na pinakaayaw kong tao sa balat ni Gaia? Anak ng super nova naman oh! Siya na pinakatarantado at bully kong kaklase. Siya na lagi kong tinatapangtapangan.
Nagsasalita at nagdidisapproval head shake siya habang papunta sa kinaroroonan ko.
"Wow just wow, akalain mo? Ang pinakamatapang na babae sa school, nandito? U.MI.I.YAK." tapos tumawa siya ng ubod ng lakas. Nakakahiya, napakawalang hiya. Nagawa pang umupo sa tabi ko. Jupiter pakitira naman toh ng 88 heavens oh. Pacool talaga eh.Inaayos ko ang sarili kong mukha tapos sinuot ko salamin ko.
"Pakialam mo ba Chanyeol? Masama bang umiyak? Tao rin naman ako at may karapatan akong ilabas nararamdaman ko." Tapos nagcross arms Ako.
"Ang dami mong satsat, ang sabi ko lang naman eh umiiyak ka, wala akong sinabi na tumigil ka at na wala kang karapatan, oa mo." Oo nga noh? Tanga mo. Kainis. Umupo na lang ako ulit at yumuko. Wala akong balak makipagusap sa hayop na toh.
"Dahil ba kay Nick? Engaged na siya?" And that hit the trigger, naiyak ako ulit. Napalingon naman ako agad sa kanya. Nakita kong nakasmirk siya.
Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita, "Alam mo ba, si Nick at yung fiancee niya na kaklase din natin, matagal niya ng girlfriend? Uhm, I think last year prom pa, since parehas pa silang mayaman. Perfect diba? Ms. Peace Officer?" Tapos nginitian niya ako ng nakakaloko. Nakakabwisit siya sobra. Gusto ko siyang saksakin ng Trident, nasasaktan na nga yung tao, sasaktan pa lalo, sadista.
Pero hindi ko matanggap yung sinabi niya, isang taon na? Anong klaseng kaibigan ka Steffy? Tinago mo relasyon niyo? Ugh.
"Ayaw mo maniwala? Baka nakakalimutan mo, nasa iisang soccer team kami." Yung pananalita niya, alam mong sure win, yung ganon.
Kaya ako naman ang gaganti sa pangaasar. "May sinabi ako? Wala diba? Oa mo." Nagchuckle lang siya at parang naamaze.
Yumuko naman ako at pinagpatuloy ang pagluluksa. Mga 10mins na akong umiiyak wala pa din siyang kibo.
Inalis ko ang salamin ko at nagpunas ng mata habang nakayuko pa rin, ng bigla niya akong kiniss sa temple. Napawide eye ako bigla, pero regain composure ako agad at lumingon sa kanya. I mustered up enough courage para tanungin siya. "Why'd you do that?" Tinignan lang niya ako tapos nagshrug. Nagpagpag siya tapos tumayo.
"I felt like it." Tapos tinalikuran niya na ako at naglakad na paalis. Tinitignan ko lang ang matangkad na likod niya.
Pero isa pa rin ang na sa isip ko. WHAT JUST HAPPENED?
052715
_________
Yeney: kaway kaway sa mga exo-Ls diyan!!! :) magsilabasan kayo Lol. Hahaha so isang lang tanong ko, gusto niyo bang ituloy ko Ito o wag na? Hahaha. Ang cool niya kasi sa love me right eh. Huehue. Yun lang. Hugs and kisses bye~♥
BINABASA MO ANG
K Pop Memes/ One Shots♥
FanfictionConsists of fan - fics, teen fic, romance, humor, comedy, fantasy and , MEMES, that was created because of my imagination. Hahahahaha Hope you like it! ;)) Pero K POP ang bida xD -author diayeyeney ^_^ "Always smile, smile is the best way to hide pa...