Guys bat ba ang gwapo ng ikon?!!!!!!! BTW JUNHOE/ GOO JUNHWE AT KIM HANBIN/ B.I. BIASED AKO KAYA PILI NA LANG KAYO NG IBA HAHAHAHA.
............
*note: you as Diana
Isa kang sikat na babae sa school niyo at p.e niyo ngayon, magaling ka din atleta. Kaya naman lahat pinagbubulungan ka na magaling ka daw ang ganda mo daw at matalino, at bilang likas na malaki ang ego napangiti ka na lang sa sarili mo.
Wala ka pang minahal na lalaki, kasi mas mahal mo ang ego mo at sarili mo, masyado kang narcissist. Wala ka ding natitipuhan dahil masyado mo nga mahal sarili mo.
" Diana! Ikaw ng tatakbo!" Lumapit ka naman sa coach niyo. " Okay coach." Tapos pumila ka na doon sa starting line. Kung tutuusin mukha kang perfect dahil lahat na sayo, pero dun sila mali dahil wala kang nagmamahal sayo dahil wala kang kaibigan, at katulong kasama mo sa bahay at wala ka ding jowa.
" Prrrtttt!" Pumito na ang teacher niyo na siya ding coach ng varsity niyo. Agad ka namang tumakbo, buong oval kasi ang tatakbuhin niyo ngayon.
Saktong pagkaalis mo ay nagkaroon ng gulo, hindi mo na lang pinansin dahil masyado kang kampante na mananalo ka. Pero ng nasa may kalahati ka na naaninag mo ang nangyayari, may mga lalaking dumating na hindi nakap.e ibig sabihin taga ibang klase, napataas ka naman ng kilay dahil nagtaka bat nandun yung mga yun.
Pero mas nagtaka ka nung nakita mong parang nagwawala at may hinahanap yung isang lalaki, at dahil nawala ka sa focus bumagal ka at malapit ka ng abutan ng mga kasabay mo, at binilisan mo na ulit, saktong 100m na lang layo mo sa finish napatingin ka ulit sa mga tao duon, at nakita mo yung nagwawala, nagkatinginan kayo tapos parang nagslow mo ang lahat, nakita mong gwapo ito, first time mo din magwapuhan sa isang lalaki dahil ang totoo lahat ng mga kaklase mo mukhang tsonggo, dahil nga section 1 kayo nakahiwalay building niyo sa iba mo pang kabatch kaya di mo nakikita. Nang nakita ka nung lalaki mgumiti siya ng matamis at tinawag pangalan mo, "Go DIANAAAAAA KAYA MO YAANNN!!!" At dahil sa bilis ng takbo mo, nawala ka bigla sa focus mo at nawala ka sa balance, natalisod ka at nadapa, dahil nga may impact at gravity, gumulong ka ng sobrang bilis at lakas papuntang finish line, at sht short na hanggang tuhod lang pe niyo at tshirt.
Umabot kang finish line na gumugulong, pero ikaw ang first. First ka yun ang mahalaga, kaso dahil nga gumulong ka, sugatan ka at nasprain pa ang paa mo.
Nilapitan ka agad ng mga kaklase mo, nag aalala sayo, kahit wala kang kaibigan nandiyan lang mga kaklase mo para tulungan ka, naiintimidate lang naman sila sayo kaya ayaw ka nilang lapitan, tapos anti social ka pa.
Agad ding lumapit ang mga lalaki sayo, "Diana! Okay ka lang?!" Dahil napikon ka dahil siya ang may dahilan kaya naout of balance ka di mo napigilan sarili mo. Kahit masakit katawan mo pati paa, pinilit mong tumayo.
" SINO BA KAYO AT ANO KAILANGAN NIYO?!! NAKAKINIS HA LALO KA NA!!!" Sabay suntok sa pisngi dun sa sumigaw kanina.
" Diana are you okay? Kanina pa namin pinipigilan gumawa ng eksena ang mga lalaking ito kaso ayaw papigil." Sabi ni coach na take note babae pa.
" Does it look like im okay? Coach I sprained an ankle and got bruises all over! Because of them!" Naiiyak ka na kasi nagalusan ka na sa katawan at sa pisngi malapait sa mata at baka di ka din makapaglaro sa nalalapit na kompetisyon. Masakit sayo dahil ikaw ang star player.
" What? You sprained an ankle?! Mr. Goo and company! Meet me at the principal's office later! Go back to your classes bago pa ako magpatawag ng guard at dalihin kayo sa pod!"
" Lagot ka pre, geh alis na tayo." Sabi nung nakasleeveless na uniform na may sumbrero. (Sa isip mo gaano ba kagago toh at sleeveless ang uniform)
" Hindi boss, dito na ako, kayo na bumalik, baka madamay ko pa kayo eh."
BINABASA MO ANG
K Pop Memes/ One Shots♥
FanfictionConsists of fan - fics, teen fic, romance, humor, comedy, fantasy and , MEMES, that was created because of my imagination. Hahahahaha Hope you like it! ;)) Pero K POP ang bida xD -author diayeyeney ^_^ "Always smile, smile is the best way to hide pa...