Chapter 3

12 11 0
                                    

*TING*

Bakit ang aga ng alarm ko, anong oras na ba? It's 3:00 am in the morning, bakit ang aga ng alarm clock ko? Naalala ko 5:00 am tutunog yung alarm ko.

Tiningnan ko yung cellphone ko na umiilaw.
Hala, nakalimutan ko palang i- off yung data ko tapos yung wifi pa na naka on din. Naku naman! Ubos yung percent ko.

Kanina na full pa yung percent ko kasi bago ko lang natanggal sa pag charge, tapos ngayon 56 percent na lang. Natulugan ka pala yung message ni Sin sa akin. Nag-chat kasi sya kahapon ng 12:08 am, nakatulog ako parang 2:06 am.

Hindi pa ako nakatulog ng maayos tapos nakalimutan ko pa i- off yung data kaya ang resulta wala akong tulog.

Yung tunog kanina hindi naman yun alarm ko, sa messenger ko pala nanggaling yun.Pero sinong poncio pilato ang nag mensahe sa akin ng madaling araw?

Pinindot ko yung messenger ko tapos ang naka bold na pangalan ay kay Triton Sin Monstalle! Ano bang iniisip ng taong to na madaling araw na nanggigising, wala ba syang ka chat na iba at ako talaga ang iniistorbo nya?!

Alam naman nyang iba ang oras dito at sa lugar nya?!

Triton Sin Monstalle:
Sorry to disturb you, but are you sleeping na?
Hapon pa kasi dito sa amin.

Letche flan na taong to! Hindi nya ba alam ang oras dito sa pilipinas, akala ko ba nakatira na sya dito?

Me:
Ala akong pake kung hapon ba jan o hindi, alam mo bang dis oras ng gabi na ako nakatulog tapos ginigising mo pa ako?! DAig mo pa mama ko magpagising, alam mo ba yun!?

Alam naman nyang masamang gisingin ang ang kulang sa tulog.


Triton Sin Monstalle:
I'm sorry, na disturbo pala kita sa pagtulog mo.
You have no class for today?

Me:
Oo, naistorbo mo yung tulog ko.
May klase ako pero mamaya pang 7:30, four pa ngayon hindi ako nagpapaaga sa school dahil baka ako lang tao dun.

Triton Sin Monstalle:
Aww, good luck to your class!
Sleep ka na ulit.
Hindi na kita iistorbohin sa pagtulog mo.
Good night!

Nag react nalang ako sa chat dahil gusto ng pumikit yung dalawang mata ko, hindi ko na ma keri ang magtype. Natulog ako ulit.

"Nak!"

Bakit sa panaginip ko nadidinig ko ang boses ni Mama?

"Nak, gising na!"

Nadidinig ko talaga boses ni Mama eh, pati ba sa panaginip meron din si Mama!

"HOY ASTERIN HAERA KAILAN KA BA GIGISING KUNG HINDI KA NA MAKAPASOK SA GATE NG SCHOOL MO!"

Bigla nalang ako nahulog sa higaan ko dahil bigla akong bumakod, nauntog pa yung nuo ko sa gilid ng kama ko.

"Mama naman eh, bakit sumisigaw ka!?"

"Aba, ikaw bata ka kung hindi kita sisigawan hindi ka pa gising ngayon. Nalimutan mo na ata na may klase ka ngayon." Napameywang itong nagsasalita sa akin

Hala! Nalimutan ko na may klase pa ako ngayong seven sa contemporary namin.

Patay ako neto kay Ma'am Abian!

"O hindi ka na gagalaw jan? Sige wag ka nalang mag-aral para wala na rin kaming iisipin na gastusin..." nagpatuloy lang si Mama sa kalilitanya nya at ako naman ay umalis pumasok sa banyo ko

Love Can HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon