••••Nakakabagot naman dito sa bahay!Walang kuryente tapos lowbat pa yung cellphone ko.
"Ma, kailan babalik ang kuryente?"tanong ko kay mama na nakaupo sa paborito nyang upuan
"Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang nagmamay-ari ng meralco?"
"Mama naman eh! Nagtatanong ako."
"Malay ko ba sa meralco.Bakit ba ako ang tinatanong mo?"
Nakabusangot lang yung mukha ko habang nakatunganga sa harap ng malaking bintana namin. Kailan ba babalik yung kuryente.. Napakaboring na dito sa bahay, kahit na may kuryente boring pa rin naman pero at least may maababalahan.
"Lalabas mo na ako Ma, punta mo na ako ilang tiya.Babalik rin naman ako kaagad."sabi ko kay mama
"Sige huwag magpagabi ha!"
"Opo."
Pupunta mo na ako ilang Tiya, uutang ako ulit dahil wala akong pera ngayon pati nga si Mama.Uutang ako ng load para mamaya sa PR ko may Research pa kasi ako na hindi pa tapos.
Malapit lang naman ang bahay nilang Tiya sa amin pero dadaan pa ako ng ilang anim na bahay para makarating sa kanila.Sakto lang yung laki ng kanilang bahay, sementado lahat pero wala pang saktong bintana dahil hindi pa nagpapadala ang anak niya galing bansa. Hayy naku, tunog chismosa ako dun ah!
" Tao po,Tiya?" kumakatok ako sa kanilang pinto
"Tao po!"
Saan ba ang tao dito?Naku saan na naman nakiki chismiss yang si Tiya!?
"Ter apo, ikaw ba yan?"
Wait lang kaboses yun ni Lola Aster, ah!Lumingon naman ako.
"Ikaw po pala Lola Aster!" lumapit ako sa kanya sabay mano
"Ano bang kailangan mo sa Tiya mo at sumisigaw ka pa riyan?"
"Lola Aster may kailangan lang talaga ako kay Tiya para sa Research ko. Ikaw po bakit ka po nandito at bihis na bihis po kayo ah?"
"Eto naglalakad, maya-maya na eh aalis na kami pupuntang maynila susunduin lang ako ng aking apo doon!"
"Sino po ba ang kasama niyong aalis?Sobrang tagal niyo na nakatira dito ngayon pa po kayo aalis dito." nakakalungkot isipin na aalis na pala si Lola dito sa probinsya
Kung iisipin naman walang gaanong hanapbuhay dito yung makikitaan ng malaki na sahod.May trabaho naman dito yung panglalabada, magtinda sa merkado at sideline sa tindahan.100 sa isang araw, pwede na sa bulsa makakabili na ng pandesal sa bakery.
"Yung anak ko na nakatira sa maynila kasama yung manugang ko."
"Aba eh, sino pong maiiwan sa bahay niyo po?"
Malaki laki yung bahay ni Lola Aster na kapitbahay lang din ng aking Tiya.
"Isasarado ko muna yung bahay ko, ipapabantay ko na lang sa mga kapitbahay ang bahay.Babalik rin naman ako pero matagalan siguro ako sa maynila."
"Ganun po ba.Ano pong oras kayo aalis?"tanong ko
"Hindi ko alam kung anong oras, sila lang yung hinihintay ko."
"Sige po La, alis na po ako mamaya nalang ako pupunta kay Tiya kung meron na siya.Sige La."
Baka kasi bumalik na yung kuryente icha-charge ko pa yung cellphone ko.
"Sige apo!"
Umalis na ako doon at umuwi na sa bahay.Baka satsatin na ako ni Mama, sabi pa naman nun na hindi ako magpagabi tapos hapon na nung umalis ako.
BINABASA MO ANG
Love Can Hurt
De TodoDahil nga mahirap makakita ngayon ng pera tapos palagi nalang scroll sa Facebook wala pang load, nakakaboring talaga Pero may tinatawag tayo na hotspot pwede na tayo maki-connect sa ibang phone, lagyan lang ng password. Hindi naman mahirap ang passw...