ISANG LINGGO na hindi na ako nag oopen ng aking cellphone dahil nahulog sa tubig na nilalabhan ko kaya nasira pero hindi naman talaga nasira literally, inilagay ko lang sya sa lalagyan ng bigas namin para makuha ang tubig sa loob ng cellphone ko.
Isang linggo na din akong hindi nag oonline kaya hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa acc ko. Minsan nag oonline ako sa cellphone ni Mama pero palagi hina ang signal kaya hindi na ako nanghihiram ng cellphone.
Bukas may pasok pa ako kaya ngayon tinatapos ko na lahat ng trabaho ko dito sa bahay para tapos agad, yung homework ko naman mamaya ko pa tatapusin dalawang subject lang naman yun.
Nang matapos ko ang pagsasampay ng damit ay dumiretso ako sa kusina para tingnan kung may ulam o kanin na ba. Pero ang malas ko dahil nalimutan kong sabihan si Papa na wala ng kahoy tapos wala pa sya ngayon dahil may meeting ang barangay namin.
Uling nalang ang gagamitin ko para madali kong maluto ang kanin tapos susunod ang ulam. Tapos na rin naman ako maghugas ng plato kaya pagkatapos kong magsaing, naghintay nalang ako sa labas ng sala umupo ako sa bangko.
Ang boring kapag walang cellphone. Titingnan ko nga yung cellphone ko baka mabuksan na yun isang, linggo na rin naman. Dali dali akong pumunta sa may lalagyan ng bigas namin.
Tinary kong buksan kinakabahan ako, baka kasi hindi na ito magagamit. Huwag naman. Lord, wala na po kaming pera para pangbili ng cellphone sana maayos po itong cellphone ko.
Nang bigla ito umilaw at namarka ang brand ng cellphone ko halos madinig ng kapitbahay ang tili ko.
Naku, naku naman! Dumiretso agad ako sa facebook app pero ini on ko muna ang data ko tapos bigla nalang tumunog yung facebook ko. Hindi na ako makapindot sa message ko dahil sa notifications ko. Naku naman. Isang linggo lang naman ako na absent sa social media bakit ganito kadami ang notif ko. Ini on ko ang Wifi baka may masagap na hotspot sa paligid. Hehe.
Biglang nag pop up ang ang hotspot na Trisin Monstalle
Buhay pa pala itong hotspot na to?
Tumunog yung messenger ko, tiningnan ko ito at isa palang GC namin. May important announcement na chinat sa gc.
Senior High sent a message
Ms.President:
Sino gustong sumali sa Tennis?Mr.Lodi:
Ms, ako pwede🖐️Ms.President:
Hindi pwede ang mahangin, baka liliparin ka lang doonMr.Lodi:
Si Ms naman, sadista😢! Nakaka hurt ka ng feelings!P.I.O:
Pwede si Era jan, pres?Sexyretary:
Oo si Era nga, pero pwede din ako😁🖐️Ms.President:
Hindi pa online si Era, tatanungin ko nalang sya mamaya.Sexyretary:
Ako nga pwede eh!Mr.Pokemon:
Saan lalaruin ang Tennis?Mr.President:
Kung mananalo sa napiling kalaban sa ibang barangay ay syang ilalaban sa cebu. Hanggang InternationalEscort:
Wow, pwede ako na lang!Vice President:
Haha, wala kang amag jan Es!😁
BINABASA MO ANG
Love Can Hurt
De TodoDahil nga mahirap makakita ngayon ng pera tapos palagi nalang scroll sa Facebook wala pang load, nakakaboring talaga Pero may tinatawag tayo na hotspot pwede na tayo maki-connect sa ibang phone, lagyan lang ng password. Hindi naman mahirap ang passw...