Chapter 4

11 11 0
                                    

"MS. NOSTALGIA late ka na naman." nakapameywang si Ma'am na nakatingin sa akin

"Sorry po Ma'am, alam nyo na... Medyo traffic ang MRT." nakangisi ako ng malapad kay Ma'am

"Ms. Nostalgia, walang traffic dito... Disgrasya meron marami, nakalinya pa."

"Si Ma'am naman, totoo nga traffic talaga!"

"Nasa probinsya tayo Ms. Nostalgia, kaya walang traffic ang magaganap dito. Umupo ka na nga, kung ano- ano ang palusot na sinasabi mo."

Nang nakaupo na ako ay bigla nalang tumingin sa akin ang ka seatmate ko, alam ko naman kung ano ang sasabihin nito eh..

"Marami kang trabaho sa bahay niyo?"

"Marami, mas marami pa sa lalabahin mo!" singhal ko dito pero mahina lang

"Galit ka na niyan? Nalilito na nga ako kung scholar ka ba talaga o señorita ka lang talaga sa bahay niyo?" paninitig nito sa akin

"Reyna ako sa bahay kung nalilito ka."

"Reyna na walang laba ang sapatos?" natatawa nitong sabi habang nakaturo sa sapatos ko

"Heh, nalabhan to noh! Ipa amoy ko pa ito sayo." singhal ko dito pero mahina lang kasi meron pa si Ma'am sa harap nila

Tumahimik nalang silang dalawa dahil alam naman nila na walang mananalo sa kanila, matataas ang mga bungo nila. Mas mataas pa sa Mt. Everest.

Nakayuko lang yung ulo buong klase na nagtuturo si Ma'am Abian hindi naman ako napapansin dahil nasa may likuran ako, nilagyan ko ng earpod yung dalawa kong tainga na feel ko kasi na ang boring, nakita ko nga ang ibang klasmayt ko na may kanya-kanyang ginagawa.

Basta talaga tungkol sa arts, naboboringan ako minsan naman hindi naka depende yun kung ano ang topic.

Kung music yan ay makikinig talaga ako pero nabobored ako kapag history na ng arts daig ko pa ang nakikinig sa radyo.

Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone, time check! Umingay ang tunog ng Bell kaya nag- ingay na ang mga kaklase ko.

"Yes, tapos na!" with raise pa sa kamay

"Recess time na!"

"Gusto ko kumain ng siomai, yung niluto ng Nanny ko!"

"May gwapo na nakita ko kanina, ewan ko kung saan sya nakatira."

"Pinansin ako ni Crush kanina, wahh!"

Umikot ang dalawang mata ko dahil sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko. Bakit ba ang lalakas ng mga boses nila, bulong na nga lang malakas pa.

"O, Era, saan ka ngayon?" tanong ng kaibigan ko na si Kreeshna Caberte, pero tinatawag ko syang 'Kreesh'

"Cafeteria lang ako, gutom na kasi ako." kinuha ko ang bag ko na nasa upuan

"Hindi ka na naman kumain? Ewan ko sayo Era, tingnan na lang natin kung sino ang magkaka ulcer."

"Kumain kaya ako kanina, kaso hindi pa ako na busog pandesal lang ang nakain ko."

Lumabas na ako sa room sumunod naman si Kreesh sa akin papalabas. Bawat dinadaanan namin halos may mga grupo na nagkukwentuhan, normal lang naman ang school namin.

Sa ibang school may bully. Dito sa probinsya,  hindi naman gaano sikat ang bully dahil magkaparehas lang kami ng buhay.

Sa ibang school mayayaman halos, pero dito halos magkatulad lang kami ng estado minsan magkakapera minsan kahit piso wala.

Sa ibang school may scholar. Pero dito wala kasi hindi na ma afford na ng principal namin kahit nga si Guard hindi na gaano makakasuweldo.

Sa ibang school may mga gwapings or heartthrob kung tatawagin nila, pero dito may gwapo naman pero mabilang lang sa daliri. Gwapo nga pero mga mahahangin naman, daig pa nila ang ang hanging amihan.

"Nakita mo si Crush kanina?"

"Sinong crush ang sinasabi mo?"

"Maang- maangan ka pa jan, alam ko naman na alam mo na kung sino ang pinapahiwatig ko." tinataas- taasan pa nya ako ng kilay na para bang iniinis nya ako

"Kung tinatanong mo kung nakita ko ba ang crush ko kanina, opo nadaanan ko. Happy ka na?" sarkastikong kong pagsabi

"OA, naman nito. Tinatanong lang eh!"

"Kaya wag ka ng magtanong." umupo kami sa napili naming upuan

Napili namin na lamesa ay malapit sa bintana na makikita sa labas ang hallway.

"Anong gusto mo?"

"Cola, bamboo bread at carbonara lang akin." Binigay ko sa kanya ang pera ko tapos pumunta na sya sa cashier

Ako naman nanonood lang sa mga taong naglalakad sa hallway mag iba naman na humihinto sa garden, may iba din na humihinto lang sa gilid para makipagkuwentuhan sa iba.

Kapag tinitingnan ko ang ibang estudyante aakalain ko talaga na parang walang problema, ngi- ngiti sa mga kaibigan, makipaghabulan sa mga asungot, nagbabasa habang kumakain.

"O eto na po señorita!" nilapag nya ang mga pagkain sa lamesa

"Wala ng klase mamaya, di ba?" sinabayan ko ng pagkagat sa tinapay

"Yup, may meeting ang mga athletes para sa dadating na game nila sa ibang school kaya mag practice din kaming mga cheerleaders." habang subu- subo nya ang kanyang french fries

"So, hindi tayo magkasama uuwi mamaya?"

"Oo, sorry Era, si Leila kasi gustong- gusto nyang magpractice kami mamaya!" nginunguso nya pa  ang kanyang nguso na akala mo kung si ugly duckling

"Sige ok na, wag mo ng ipahaba pa yang nguso mo baka mapagkamalan pa kitang si Ugly duckling."

"Ang pangit mo ka bonding,Era!" sabay tapon sa akin ng isang fries

"Anong oras ang practice nyo?" paiba ko sa usapan

"Aalis ako maya- maya pagkatapos nating kumain dito."

Tumango naman ako sa kanya at nagpatuloy kumain sa inorder ko na lasagna. Nang tumunog na ang bell ay tumayo na kami ako ay pumunta na sa susunod kong klase at si Kreesh naman ay pumunta na sa practice nya.

*TING*

You got a message!

Huh? Sino na naman 'to?

Triton Sin Monstalle:
Hi Era, what are you doin' now?
Are you busy?

Me:
Ahm, may klase ako ngayon
Bakit?

Triton Sin Monstalle:
Nothin', I'm just asking.
Wala kasi akong magawa ngayon.
Start na of your class?

Me:
Hindi pa naman, papunta pa nga ako sa next class ko.
Sana ol sayo walang ginagawa

Triton Sin Monstalle:
Anong pangalan ng school mo?

Me:
Why asking? Gusto mo isearch noh!?
Jke😄

Triton Sin Monstalle:
I just want to know
It is bad if I ask?

Me:
It's not bad.
I just want to know why you want to know.
You want to pay a visit?

Triton Sin Monstalle:
If I'm not busy, I wanna go there.
Gusto kong makita ka kaya pupunta ako jan para makilala naman kita, Era.
Soon we will meet and I want to know more about you, Era!

Love Can HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon