"what do you think?" sambit ni Menze sabay bukas ng pinto
"hala ang laki" sagot ni delyn at una nang pumasok sa kanilang bagong dorm. sumunod naman ang iba at isa isang inayos ang kanilang mga gamit at nagpahinga.
Menze, Delyn, Biya, Angelin, Airah, Yhan, Gabriane, Charoline, Rian, Kathy, Wendi, Marge, at Alysson. All in 2nd year college sa kursong Muitimedia. Kakalipat lang nila sa bagong dorm since ang nakaraang dorm nila ay medyo malayo sa kanilang uiversity.
madaling lumipas ang araw at gumabi. "ba't parang ang tahimik sa lugar na to? tapos wala pang mga poste sa labas, ang dilim" tanong ni alysson habang inaayos ang higaan upang makatulog.
nagsasama ang lahat sa isang malaking kwarto pero kanyang kanya ng higaan.
"ewan ko, basta ito nalang yung bakanteng dorm na malapit sa university. yung ibang dorm di rin naman masyadong malayo dito, hayaan niyo na, magpapaayos ako ng poste" sagot ni charoline, ang parang mommy sa barkada.
'oh, magsitulog na kayo, magpapa enroll pa tayo bukas" sambit ni Menze and parang second mommy namin sa barkada
pinatay na ni menze ang ilaw at tumahimik ang buong kwarto
ilang minuto ang lumipas at biglang naramdaman ni rian na may humihila ng kumot niya. "ano ba shannen!" sigaw niya sa katabi niya ng kama na si shannen. ngunit walang sumagot, inangat ulit ni rian ang kumot at akmang matutulog ulit ng mas napalakas pa ang paghila ng kumot niya na nalaglag na ito sa kanyang higaan at narinig niya ang tawa ni shannen
"ano ba shannen! natututulog na ako!!!" sigaw niya sabay unlock ng phone upang makabigay ito ng kaunting ilaw sa kanilang napakadilim na kwarto.
pagtapat niya ng phone niya sa dereksyon ni shannen ay nakita niya itong mahimbing na natutulog.
"ayan, patulog tulog ka agad, hmp yari ka sakin bukas" sambit ni rian at tinapat ang phone niya sa sahig upang makuha niya ang kanyang kumot
sa paghawak ni rian sa kumot ay kitang kita niya ang isang kamay na humila sakanyang kamay mula sa ilalim ng kanyang higaan kaya't napasigaw ito "ah!" sigaw niya.
bigla namang bumukas ang ilaw sa buong kwart. "rian?" tanong ni charoline habang kinakamot ang mata sa antok. "w-wala.. matutulog na ako" sagot ni rian.
KINABUKASAN
naglakad patungong ref si shannen upang kumuha ng tubig at sa paglingon niya ay nakita niya si rian na tinataasan siya ng kilay. sinamaan naman siya ng tingin ni shannen
"tinatakot mo pa ako kagabi. d nakakatuwa yun ha" sambit ni rian
"hala, anong pinagsasabi mo" sambit ni shannen sabay inom sa kanyang sofia the first na water bottle.
"sus deny ka pa. huwag mo na gagawin yun!" sigaw ni rian at naglakad na papalayo.
naiwan namang blanko ang ekspresyon sa mukha ni shannen, di niya naiintindihan ang pinagsasabi ni rian dahil alam niyang wala siyang ginawa kagabi.
"handa na ba kayo? aalis na tayo" sambit ni charoline
"kukunin ko lang camera ko sa itaas!" sigaw ni alysson at umakyat sa kwarto nila
paspasok ni alysson ng kwarto ay agad niyang hinalungkat ang bag niya upang kunin yung camera nya, pag lingon niya sa gilid ay nakita niya si delyn na nakaupo sa kama nito.
"hoy delyn bat andyan ka pa, aalis na tayo" ngunit di ito sumagot
nang makuha na ni aly ang kanyang camera ay tumayo na sya
"hoy delyn halika na!" sigaw ni aly ngunit d parin ito sumagot, oh kahit lumingon man lang.
"sumunod ka ha!" sigaw ni aly at lumabas na ng kwarto.
bumaba na si alysson at sinundan sina charoline palabas ng dorm
"uy teka! nasa itaas pa si delyn!" sigaw ni aly at lumabas na rin ng dorm
"ha? anong pinagsasabi mo? andito si delyn oh" sambit ni biya sabay turo kay delyn na nasa gilid kausap si Angelin.
"p-pero nasa taas siya! si delyn yun! ang haba kasi ng buhok" pagpapaliwanag ni alysson
"sus, guni guni mo lang yun! tara na" sambit ni biya at naglakad na papalabas kaya't sumunod na si aly
si marge ang nahuli kaya't siya na ang nagsara ng gate, isasara na sana nya ng may narinig siyang sitsit.
napalinogon naman sya sa iba't ibang direksyon ngunit wala syang nakita
isasara na talaga sana nya ang gate ngunit patuloy parin ang pag sisitsit. tapos napatingin si marge sa bintana ng dorm sa second floor at nakita nya ang isang babaeng nakatitig sa ibabang floor. "huh?" nagtatakang tanong nya sa sarili. papasok ulit sana sya sa dorm ng may naramdaman siyang kamay sa balikat niya. gulat naman siyang lumingon at-
_________
vote/comment :)

BINABASA MO ANG
Remember Me [Book 1]
Misterio / SuspensoDon't mess with anyone's feelings. This might just lead you to your worst nightmare.