Long Distance Relationship (One shot)

329 7 5
                                    

So hey guys! Here's the update, para naman gv tayo at hindi puro heartbreak. All the love. D

----------------------------

"Ju, I'm leaving." Ano daw?

"Where are you going?"

"Sa L.A, I swear I don't want to leave you but it's what my dad wants. Mas okay daw na doon ako mag-aral dahil mas bihasa sila doon. But Ju if you don't want I can always stay."

"What? Miggy of course not. It's for your future naman eh. Hindi kita pipigilan kung alam ko namang makakabuti 'yon para sa'yo. Atsaka babalik ka naman diba?" please say yes

Tumango siya. "Maybe 3-4 years bago kita makasama ulit. But Ju I'll be back. I'll come back for you."

"Oh yun naman pala! Edi go!" ngumiti ako

"I promise Ju, I'll be here before you know it."

"I know."

.

.

.

.

.

.

.

It has been 6 months since Miguel left, okay naman kami, minsan may mga misunderstanding pero kinakaya siyempre. Nung first 3 months talaga ang hirap mag adjust dahil na rin sa time difference pero ngayon medyo okay naman na. Everyday yata kaming magka'facetime. Minsan pag busy siya hihintayin ko ang tawag niya, pag ako naman ang busy siya ang maghihintay ng tawag ko. Minsan nga parang nagsisisi ako na pinayagan ko pa siyang umalis, mags'stay naman siya pag ayaw ko eh. Pero ayoko rin namang ipagdamot sa'kanya ang magandang future. Kahit miss na miss ko na siya, hindi ko hinahayaan 'yon na magpaapekto sa'min. Kahit na gusto ko ng hawakan ang mga kamay niya, kahit gusto ko na siyang yakapin ng sobrang higpit, kahit gusto ko na siyang halikan ulit ay titiisin ko 'yon basta para sa'kanya.

"Babe, layo na naman ng nililipad ng isip mo." sabi ni Michelle

"Iniisip ko lang kasi-" she cut me off

"Si Miguel na naman? Ikaw ah, nagseselos na ko diyan sa Miguel na 'yan! Ako ang kasama mo pero siya na naman iniisip mo." Alam ko namang nagbibiro lang siya para kahit papano eh mawala ang isip ko kay Miguel.

"Eto namang si Michifu tampo na agad hahaha, eto na nga po oh, hindi ko na po siya masyadong iisipin."

"Good! Kalimutan mo naman kasi kahit minsan 'yang boyfriend mo, nandito naman ang best friend mo eh." Tumango ako.

.

.

.

.

.

Days, weeks, and months have passed but Miguel hasn't called me yet. Ang sabi niya sa'kin he'll be busy just for a couple of days, yet it's been one month and hindi man lang siya nagpaparamdam sa'kin kahit sa text man lang, or sa chat, sa dm. Nagulat ako ng may biglang may tumawag at mas nagulat ako nang picture ni Miguel ang nag pop-up.

"Hello?" 'yan lang ang nasabi ko kasi hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Kahit na sa loob ko gusto ko siyang sigawan dahil hindi siya nagparamdam ng ilang araw.

"Julia." Julia ang itinawag niya sa'kin, hindi babe o kaya Ju.

"Miguel." 'yan nalang din ang tinawag ko sa'kanya kasi hindi ko alam kung saan ba dapat ako lulugar. Gusto kong sabihing I miss you kaso natatakot ako na baka hindi niya sasabihin ang gusto kong marinig galling sa'kanya.

Julia Morado One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon