"Atasha! Baka naman pwede kaming manghingi niyang dala mong almusal!" agad akong napalingon nang marinig ang malakas na pagtawag ng grupo ni mang Ruben habang nagtatanim ng mais.
"Naku ho at baka hindi din naman kayo makakain lahat pag nagbigay ako kaya huwag nalang po kayong kumain lahat para pantay" natatawa kong sabi dahil alam ko namang nagbibiro lang din sila.
"Oo nga at tama ka, sige na at magpatuloy ka na sa paglalakad at baka mag-iba ang isip namin at nakawin namin yang dala mo." tumatawang sabi ni Alix na anak nitong kaedaran ko din.
Sabado kasi ng umaga kaya naatasan ako nila nanay na maghatid nalang ng almusal nila at maaga silang pupunta sa sakahan namin. Kahit naman papaano ay napag-aaral din naman kaming dalawang magkapatid mula sa pagsasaka yun nga lang ay napilitan talaga akong mahinto muna at hindi na muna nakapag-aral sa dapat ay unang taon sa kolehiyo dahil na din sa kakulangan ng panggastos. Kaya nagsisikap talaga sila nanay na mag-ipon ngayong taon para makapag-aral na din ako sa susunod na taon.
Minsan nga ay hindi ko mapigilang mainggit sa ibang mga kaklase ko na ang pag-aaral na lang ang pinoproblema dahil may panggastos ang mga magulang para sa pag-aaral ng mga ito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang masayang nagtitingin sa mga bulaklak sa gilid ng daan. Living on the countryside is way far different from the city. We usually wake up at five or six in the morning to start the day, some of our co-farmers even start working earlier.It was away from polluted air and dark skies of the city. And every night clear seas of stars fills the dark skies and it was always therapeutic for me.
Ngunit hindi din talaga maikakaila na mas maraming oportunidad sa malawak na syudad kung ikukumpara dito sa probinsiya.
"Atasha hintay!" agad akong napangiti nang makita si Rina na tumatakbo para makahabol sa akin siguro katulad ko ay maghahatid din ng almusal para sa nanay at tatay nito.
"Bakit ba tumatakbo ka? Hindi mo nalang ako tinawag?" natatawa kong tanong dito.
"Naku maliit na takbo lang naman 'yon ano. Para kina aling Elena ba 'yan?" tanong nito na nakatingin sa hawak ko.
"Ah Oo, maaga kasi silang umalis" sagot ko dito.
"Teka, may gagawin ka ba sa susunod na araw?" tanong nito habang naglalakad sa tabi ko.
"Wala naman, siguro ay magluluto lang ng makakain nila nanay, bakit?" lingon ko dito.
"Hindi ba at kilala mo ang mga Villafuente?" tanong nito na ipinagtaka ko.
"Hindi bakit?" nakakunot ang noong tanong ko din dito.
"Ah Oo nga pala wala na pala ang mga Villafuente nang lumipat kayo dito" tumango-tango pa na sabi nito.
"Sila ang may-ari ng karamihan sa mga Lupa dito o mas tamang sabihin na halos sila ang may-ari ng buong Calabera" tukoy nito sa baranggay na tinitirhan namin.
"Oh talaga? Ano palang tungkol sa kanila?" tanong ko dito.
"Bali-balita kasi na sa loob ng mahabang panahon ay may uuwing Villafuente dito sa atin. Kung napapansin mo ang malaking mansiyon katapat ng baranggay hall sa kanila 'yon.
"Ah oo nga sabi nila" tumatango kong sang-ayon dito.
"Sana ay si Chandler at Reid ang umuwi ano para matanaw din natin ang pinagpala nilang mga mukha" humahagikhik na sabi nito.
"Aanhin naman natin ang mga 'yon? Maliban sa kaalamang mga anak sila ng dating mayor ay wala na akong alam tungkol sa kanila" kibit balikat ko dito.
"Take note ha, hindi lang dito mayaman ang pamilya nila kung hindi pati na din sa Maynila" sabi nito.
YOU ARE READING
His Greatest Downfall (Villafuente Series #1)
RomanceBecause of living on the countryside Arianne Tasha Oclarit have a wider understanding about things. Mas naintindihan niya ang halaga ng pagsisikap para sa mga pangarap. She was even forced to stop for a year before going to college because of lackin...