Chapter 6

2 0 0
                                    

Agad na akong nagtungo sa kama habang binubuksan nito ang aircon ng silid para ilagay ang hawak na bata sa malawak na kama.

Nahirapan pa akong tanggalin ang pagkakapit nito sa leeg ko bago ko naramdaman ang presensiya ng lalaki na nasa likuran ko habang tumutulong din na maialis ang mga kamay ng bata na nakapulupot sa leeg ko.

Nang tuluyang mabaklas ang mga kamay ng bata ay malalim akong huminga bago tumayo ng maayos. At akmang aalis na nang biglang nagising si Kianna bago nagsimulang umiyak.

Pupungas-pungas pa itong tumayo sa kama at nang makita ako ay agad na dumamba ng yakap sa akin na muntik ko pang ikinawala ng balanse mabuti nalang ay nasa likuran ko pa din ang lalaki kaya agad nitong nasalo ang bigat ko bago ako ulit tinulungang tumayo.

"M-mommy don't go" nagsimula na naman itong umiyak habang nakapikit pa din at sumiksik ulit sa leeg ko.

Wala sa sariling napalingon ako sa lalaki sa likuran ko.

"Can you please stay...even for a while?" pahina nang pahina ang boses na tanong nito. Hindi na ako sumagot imbes ay umupo nalang sa kama habang kandong si Kianna at hinaplos haplos ulit ang likuran nito.

Walang salitang tumalikod ang lalaki bago lumabas ng silid. Siguro ay kakausapin ang mga kasama sa baba.

Inihiga ko ulit si Kianna sa malawak na kama at nang akma itong aangal ay agad na akong tumabi ng higa dito at sinimulan ulit ang paghaplos sa buhok nito. Bumalik din naman ito agad sa pagtulog at mahigpig na yumakap sa akin at sumubsob sa dibdib ko.

Napatitig nalang ako sa kisame, sino bang mag-aakala na mangyayari ang lahat ng ito sa isang araw lang? Mula sa napaagang pagdating ng mga Villafuente hanggang sa pag-iyak ng batang nakayakap sa akin. At hanggang sa pagkakahiga ko sa isa sa malalaking kama sa loob ng isa sa mga silid sa mansiyon ng mga Villafuente.

Napatingin ako sa relong pambisig at nakitang alas tres pa ng hapon kaya naging kampante ako na maaga pa habang sinusuklay ang mahabang buhok ni Kianna habang nakasubsob sa dibdib ko.

Nang masigurong mahimbing na ang tulog nito ay dahan dahan ko nang kinalas ang mga braso nito mula sa pagkakayakap sa akin.

Siguro nga ay mahimbing na talaga ang tulog nito dahil hindi man lang ito gumalaw matapos kong umalis sa tabi nito.

Tahimik ko itong pinagmasdan saglit at inayos pa ang kumot nito at inalis ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa maliit nitong mukha bago dahan dahang lumabas ng silid.

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan habang mariing nakikinig sa mga boses sa ibaba na mukhang hindi katulad kanina ay di hamak na mas kaunti na ang mga taong nasa sala base sa mga boses na naririnig ko.

Nang tuluyang makababa sa huling baitang nang hagdan ay agad na lumipat ang tatlong pares ng mga mata sa kinaroroonan ko.

"Am.. magandang hapon po" nahihiya kong bati sa mga ito at akmang tatalikod na agad nang tawagin ang pangalan ko na ikinatigil ko at ipinagtaka.

"H-ho?" nauutal ko pang tanong pagkalingon sa tatlong taong nakaupo sa malawak na sala set sa sala.

"Come here hija" may maliit na ngiti sa labi ang mommy nung lalaki kanina.

Agad akong dahan-dahan na lumapit sa gawi ng mga ito bago tumayo sa gilid ng ginang.

"Please sit down, mangangalay ka katatayo hija" iminuwestra nito ang upuan sa harap nito kaya agad naman akong umupo. Kabaliktaran sa nakangiting mukha ng ginang ang ekspresiyon ng dalawang lalaking katabi nito. Yung lalaki kanina at sa tingin ko ay ang ama nito base na din sa pagkakahawig ng mukha ng dalawa.

His Greatest Downfall (Villafuente Series #1)Where stories live. Discover now