Chapter 3

2 0 0
                                    

"Doon nalang ako sa kabila Atasha para mas mabilis tayong matapos" bago pa ako tuluyang makapasok sa isa sa mga silid ay sabi ni Rina.

"Sige walang problema at baka nga mas mabilis tayong matapos."

Agad na akong pumasok matapos umalis ni Rina at pumasok na din sa isa sa mga silid.

Hindi din naman masiyadong marumi talaga ang loob ng mansiyon baka kailangan lang talagang malinisan ng mabuti. The first room seemed like to be a guest room kasi hindi masiyadong kalakihan saka puros puti lang naman ang kulay at mapapansin ding hindi karamihan ang mga gamit sa loob.

Agad na akong nagsimula sa paglilinis dahil halata namang marami pang mga silid ang kailangang linisin. Mula sa kama ay agad na akong naglinis din sa cr pagkatapos.

Nasa pang apat na silid na ako na kasalukuyang nililinis nang mapansin na mas malaki na ito kesa sa tatlong silid na nauna kong nilinisan.

Naghahalo mula sa kulay bughaw at itim ang kulay na makikita sa malawak na silid. Malaki ang kama na kulay itim ang mga unan pati na ang makapal na kumot   ay kulay itim din.

Minsan din ay di ko maiwasang maisip kung paano kaya kung katulad ng mga Villafuente ay mayaman din kami na hindi na kailangan nila nanay na magpakahirap sa pagtatrabaho para sa aming dalawa ni Aki? Ngunit alam ko namang masama ang mainggit hindi ko alang talaga maiwasan.

Kesa sa marami pang maisip ay mas pinag-igi ko nalang ang paglilinis. Malapit na akong matapos nang may pumasok sa pinto.

"Hoy kakain na daw sabi ni nanay" bungad na sabi ni Rina matapos buksan ang pinto na tuluyan din naman agad umalis.

"Oh sige bababa na ako" sagot ko nalang dito kahit na tumalikod din naman ito agad.

Inayos ko muna ang mga gamit sa paglilinis bago itinali ang mahabang buhok na nababasa na ng pawis dahil sa paglilinis ng matagal bago bumaba na mula sa ikalawang palapag ng bahay.

Naabutan ko na ang iba na kasalukuyan nang kumakain sa malawak na kusina.

"Oh Atasha kumain ka na at baka hindi ka na matirhan" agad na sabi ni Aling Rita nang mapansin ako.

"Sige po" tulad ng sabi nito ay agad na din akong naghanap ng pinggan at kubyertos para makapagsimula nang kumain.

"Kamusta naman ang mga bulaklak ng Senyora Victoria, Lito?" tanong ni Aling Rita sa asawa na kumakain din ng tanghalian. Ito kasi kasama sina Mang Abner at Renato ang naglilinis sa malawak na hardin ng mansiyon.

"Mabuti pa naman ang lagay ng ibang mga bulaklak 'yon nga lang ay madami na ding namamatay talaga dahil sa init saka sa mga malalagong damo" sagot naman ni Mang Lito sa asawa na tumango-tango lang.

"Siguradohin mo at baka mapahiya pa tayo sa mga Villafuente pag nagkataon" sabi nito bago nagpatuloy sa pagkain.

"Kamusta namanang paglilinis niyo Rinalyn?" ngayon ay tanong naman nito kay Rina na tahimik na kumakain sa tabi ko.

"Okay naman nay" walang gana nitong sabi sa ina, siguro ay napagod sa paglilinis.

"Okay ka lang naman ba Atasha? Aba ang sabi ni Rinalyn ay inako mo daw lahat ng silid sa ikalawang palapag ah? Masiyado ka naman atang masipag e may bukas pa naman?" tanong ni Aling Rita na ikinagulat ko.

"H-ho? I-inako ko?" hindi ko naiwasang mautal dahil sa narinig mula dito. Hindi ko naman inako ang paglilinis sa ikalawang palapag ah. Napalingon ako sa katabi kong si Rina na mukhang walang naririnig sa paligid.

"Oo sabi ni Rina, bakit hindi ba?" nakakunot na ang noo ni Aling Rita kaya agad akong napatikhim.

"A-ah opo hindi naman din po masiyadong nakakapagod" pilit ang ngiti na sabi ko.

His Greatest Downfall (Villafuente Series #1)Where stories live. Discover now