Chapter 8

2 0 0
                                    

"Damn!"

Agad akong napalayo kay Seigfred nang matantong halos mapakandong ako dito dahil sa biglaang pagpasok sa loob ng sasakyan.

"N-naku pasensiya na" agad na paghingi ko ng pasensiya at tatayo na sana agad nang tumama ang ulo ko sa bubong ng sasakyan kaya agad ulit akong napaupo sa kandungan nito.

"Shit" mariing bulong nito na rinig na rinig ko naman dahil sa lapit ng bibig niya sa tenga ko.

Sa hiya ay agad ulit akong tumayo bago agad na umayos ng upo sa tabi ni Kianna. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng dalawang pisngi dahil sa nangyari. Halos marinig ko  na ang malakas na pagkabog ng dibdib ko dahil sa hiya.

"Daddy are you okay?" agad na lumapit si Kianna kay Seigfred para tingnan kung ayos lang ito.

"Sit down princess, I'm fine" sabi nito sa anak matapos haplusin ang buhok nito. Nang lumipat ang tingin nito sa gawi ko ay naramdaman ko ang mas lalong pag-iinit ng mga pisngi.

"P-pasensiya na talaga" sabi ko dito matapos salubungin ang walang ekspresiyon nitong tingin. Hindi ito nagbitaw ng tingin o kumurap man lang kaya ako na ang agad na nag-iwas ng tingin.

"Sir aalis na po ba tayo?" naagaw ang atensiyon ni Seigfred nang magsalita ang driver ng sasakyan.

"Let's go" sagot nito sa driver bago kinuha ang cellphone sa tabi nito at dito na itinutok ang buong atensiyon.

Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone na hawak nito na agad naman nitong sinagot.

"Yes?" sabi nito sa kabilang linya at ilang saglit pang natahimik dahil tila pinakikinggan ang sinasabi ng taong kausap.

"We are coming you idiot." nagbibiro ang tono ng pagkakasabi nito ngunit nang tingnan ko naman ang ekspresiyon ng mukha nito ay blanko pa din.

Wala sa sariling napalingon ako sa likuran ng sasakyan at nagulat nang makitang may tatlong motorsiklo pala na nakasunod sa amin. At dahil sa bandang gawi ng daan papasok sa lugar namin ay hindi pa sementado, hindi talaga maiwasan ang grabeng alikabok kapag dindaanan ito ng mga sasakyan tulad ng sasakyang kinalalagyan namin ngayon.

Nang lumingon ulit ako sa likuran namin ay nakita ko ang pilit na pagtatakip ng mga nakasakay sa motorsiklo ng mga ilong at bibig ng mga ito dahil sa kapal ng alikabok dahil sa mainit na panahon at tuyong kalasada.

Lumingon ako saglit kay Seigfred na abala pa din sa kausap at kay Kianna na hawak naman ang Ipad nito. Nang masigurong wala sa akin ang atensiyon ng mga ito ay mahina kong tinawag ang driver ng sasakyan.

"Ma'am?" nagtataka nitong tanong habang tinitignan ako gamit ang rearview mirror.

"Pwede po bang paunahin nalang muna natin ang mga motorsiklo sa likod? Sobrang alikabok kasi ng nadadaanan natin at hindi sarado ang sasakyan nila at sa atin naman ay sarado kaya baka naman kung pwede eh paunahin nalang po muna natin sila. Kung pwede lang naman po" nahihiyang pakiusap ko dito.

"Sige po ma'am wala hong problema, pasensiya na po di ko man lang napansin" sabi nito na agad kong inilingan.

Saglit nitong inihinto ang sasakyan sa gilid at inilabas ang kamay bago iminuwestrang mauna na ang mga ito sa amin na agad agad na sinunod naman ng mga ito.

Matapos ay agad na isinara ni manong ang bintana ng sasakyan para siguraduhing walang makakapasok na alikabok sa loob ng sasakyan bago nito ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Bumalik naman ako sa pagkakaupo bago tinignan ang ginagawa ni Kianna na nahuhuli kong pipikit-pikit na ang mga mata marahil sa antok ngunit pilit pa din itong naglalaro sa Ipad na hawak.

His Greatest Downfall (Villafuente Series #1)Where stories live. Discover now