Chapter 2

2 0 0
                                    

"Ben nakita mo ba si Aki?" tanong ko sa kaibigan ni Aki nang hindi ko ito maabutan pagdating ko galing kila nanay.

"Ate parang sumama po kanina kina Amboy para maglaro ng basketball" sagot nito.

"Ah ganon ba, kapag nakita mo pakisuyo naman at sabihin mong pinapauwi ko" suyo ko dito na agad naman nitong tinanguan.

"Sige po ate, mauuna na po ako" paalam nito bago agad na tumakbo sa kung saan.

Dumiretso naman ako sa tindahan ni Mang Berting para bumili ng asukal.

Ilang sandali pa akong nag-antay dahil madami din ang kasabay kong bumili kaya hindi sinasadyang narinig ko ang pinag-uusapan nila Aling Lilet na  nakaupo sa upuan sa harap ng tindahan.

"Sa tagal ng ilang taon, mabuti naman at naisipan ng mga Villafuente na umuwi pa dito ano? Siguro din at dahil mas nakikilala na ang probinsiya natin ng maraming turista" boses iyon ni aling Lilet.

"Ikaw ba naman ang may-ari ng malawak na mga lupa dito sa buong Calabera hindi ka din ba mag-iisip na bumalik?" sagot naman ng kasama nito.

"Balita ko nga at purong mga binata pa ang tatlong anak ng mga Villafuente kaya yung anak kong si Liana eh sinabihan ko na agad na magpaganda at baka naman ano" sabi ni Aling Lilet na hinampas pa ang katabi bago malakas na tumawa.

"Mang Berting pabili pong asukal" sabi ko kay Mang Berting nang makatapat na sa harap ng tindahan nito. Patuloy pa din sa paghahampasan sila Aling Lilet at sobrang lakas pa din ng mga boses.

"Oh eto Atasha" ibinigay nito sa akin ang binili at ibinigay ko naman dito ang buong bayad bago tuluyang nang bumalik sa bahay.

Mukhang malaking balita talaga ang pagbabalik ng pinag-uusapan ng lahat na mga Villafuente. Sa pitong taon namin dito ay may naririnig din naman ako patungkol sa mga Villafuente ngunit wala na kasi sila ng dumating kami at ilang buwan na daw simula nang lumuwas ng Maynila kaya hindi ko talaga sila gaano kilala.

"Ate pinapauwi mo daw ako sabi ni Ben" napalingon ako sa pinto nang pumasok doon si Aki na puno ng pawis.

"Mabuti naman at alam mo pa pala ang daan pauwi Arkanghel" nakapamewang ko itong hinarap.

"Ate naman" kumakamot pa sa batok na ani nito.

"Anong ate naman? Pagkagaling sa skwela sana man lang pumunta ka doon kila nanay nang makatulong ka naman kahit papaano hindi yung inuuna mo ang paglalaro" pangaral ko dito.

"Ate naman huwag kang magalit" sabi nito at alanganing ngumiti sa akin.

"Hindi ako galit Aki, pinagsasabihan lang kita at magkaiba 'yon" pagpapaintindi ko dito.

"Sorry ate" ngayon ay nakayuko na ito.

"Sige na magbihis ka na nang hindi ka matuyoan ng pawis at baka magkasakit ka pa niyan" utos ko dito bago bumalik na ulit sa paghimay ng malunggay.

Ilang sandali pa ay lumabas na ulit ito sa kwarto nito na nakasuot na ng bagong jersey shorts at sando na puti. Kahit labing lima pa ito ay halos magkasingtangkad na kaming dalawa kahit labing siyam na ako.

"Ate tulungan na kita" sabi nito bago umupo sa tabi ko at tumulong din sa paghimay ng malunggay.

"Ate tanong pala nung kuya ni Amboy pwede ba daw pong manligaw sayo?" biglang sabi nito ilang sandali pa.

"Oh eh ano namang sagot mo?" imbes na sumagot ay tinanong ko ito.

"Syempre sabi ko hindi ka nagpapaligaw" nakataas pa ang noong sagot nito.

"Mabuti naman" tumango-tango ako sa kaniya.

"Iba ka talaga ate, nung nakaraan din tinanong din ako nung kuya ni Ben eh ganon din ang sagot ko." sabi pa nito.

His Greatest Downfall (Villafuente Series #1)Where stories live. Discover now