Chapter 5: Akala (part 1)

264 15 0
                                    

(Kahit anong gawin kong rotate tabingi padin yung pic kaya pag pasensiyahan niyo na hahahaha)

~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 5: AKALA (part 1)

Joshua's POV

Monday ngayon at exam namin hanggang Wednesday. After ng exam long weekend dahil wala nang masyadong gagawin. Next next week start ng practice for graduation.

Nandito ako sa hall ngayon kasama si Tyler, close friend ko na parang bestfriend na rin. Hinahanap namin si Loisa. Paano ba naman kasi, ang agang pumunta sa school.

Sabi niya magpapahatid na siya. Tch.

"Uyy nagugutom na ko! Kasi naman di pa nga ko nakakapag almusal pinapunta mo na ko dito ang aga aga pa. Tss" sabi ni Tyler

"Shut up at tulungan mo nalang akong hanapin si Loisa!" Sabi ko. Nakakairita kasi eh. Tch >.>

At ayun nagsimula na kaming libutan yung building dahil 30 min pa naman bago tumunog yung bell

~~~~~~~~~~~~

Loisa's POV

Nandito ako ngayon sa library nagaaral. Inagahan ko talaga ang alis ko sa bahay at sa dito na sa school magpalipas dahil masasaktan lng ako pag nakita ko si Josh ngayon. Maaalala ko lang yung mga nangyari kahapon

-----FLASHBACK-----

*knock* *knock*

Nagising ako sa katok ng pinto sa kwarto ko.

Ayoko sanang tumayo agad kaso walang tigil yung pagkatok eh

Tinignan ko yung orasan ko

7:15 AM?!!!

Sino bang bibisita sakin ng ganito kaaga? Tsk

Bumangon nlng ako, di pa nagtootoothbrush o nagaayos ng buhok at binuksan ko yung pinto.

Pagbukas ko, isang gwapong lalaki ang bumungad sakin.

"LOISA MAGAYOS KA NA DALI MAY PUPUNTAHAN TAYO" ang aga aga ang lakas makapag salita eh -.-

"Ano bang meron? Ang aga aga eh."

"Sabi ko babawi ako diba? Meron na kong schedule after ng exam so ngayon nalang" sabi niya sabay ngiti

Naexcite naman ako bigla kaya sabi ko "oh sige sige! Maliligo lng ako, bibilisan ko promise!" At dali dali akong pumunta sa banyo.

Naligo na ko ng mabilisan at nagtoothbrush. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, nag shirt at jeans nalang ako. Inayos ko din ang buhok ko ng mabilisan at bumaba na. Nakita ko s Josh na nakaupo sa sofa.

"Akala ko ba bibilisan mo >.>" sabi niya pagkakita niya sakin

"Bakit? Di pa ba mabilis yun?"

"Mahigit kalahating oras na kong nakaupo dito oh!"

"Ang sabihin mo, hindi ka makapaghintay!" Sabi ko sabay irap

Dumiretso naman ako sa kusina at naghanap ng makakain.

"Hep hep! Dun na tayo kakain sa pupuntahan natin" sabi niya sabay hila sakin palabas

"Tita alis na po kami ni Loisa" sabi niya kay mommy at nagmadaling lumabas hila-hila ang kamay ko.

Dumeretso kami sa kotse nila.

"Manong alam mo na po kung saan tayo ahh" sabi niya sa driver at tumango naman si manong

Hindi ko namalayan na may nakalagay na sa mata ko kakaisip kung saan ako dadalhin nitong si Josh.

"Huy Josh ano to?!"

"Hahahha kanina ka pa nakablindfild diyan ngayon ka lang nagreact? Hahahahahaa nilagyan kita niyan para surprise"

At ayun hinayaan ko nalang din

Ilang minuto ang nakalipas at narinig ko si Josh na nag "tsk tsk tsk" at may binubulong dun sa driver

Ilang minuto pa ulit ang lumipas at naramdaman ko nang huminto yung kotse

(To be continued sa next chapter)

~~~~~~~~~~~~

Guyyss sorry naka 500 + words na naman ako eh haha

Tinatamad na kong magtype siguro 2 days ulit (i guess) bago ko mapublish part 2 nito.

Basta yun. Para lang may update hehe

Ok yung lang please vote thanks :D


Sino Ang Pipiliin Ko? (LoiShua)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon