Chapter 5: Akala (part 2)

281 17 1
                                    

(Photo credits to owner ^^^)

[Walang kinalaman yung pics sa story ah]

Eto na haha. Sorry kung nalate haha ✌

~~~~~~~~~~~

CHAPTER 5: AKALA (PART 2)

(Continuation....)

Ilang minuto pa ulit ang lumipas at naramdaman ko nang huminto yung kotse

May naramdaman ako humawak sa kamay ko at hinila ako palabas ng kotse.

Pero nawala ang excitement ko dahil akala ko kaming dalawa lang ni Joshua. Tsk. Bat ba kasi ako nagaassume na date to eh :c

Tinanggal na ni Josh ang blind fold ko at bumungad sakin ng isang maliit na karinderya na puro tao

"Ano ba naman Josh! Akala ko naman kung anong surprise to!" Sabi ko sabay irap

Napakamot naman siya ng ulo

"Masyado yata akong naexcite eh. Sarado pa yung resto na kakainan natin ehh. Dito muna tayo. Masarap dito pramis!" Sabi niya sabay tinaas-baba-taas-baba ang kilay niya.

At ayun. Pinaghila nalang niya ko ng upuan at umupo naman ako.

Mukhang masarap naman nga yung mga pagkain dahil naamoy ko na yung mga niluluto

Nagorder naman si Josh ng pang breakfast namin. Tapsilog at bacon ang inorder niya tapos fresh orange juice. May libre ding soup

Sinerve samin yung pagkain namin at kumain nalang kami

"Pasensiya na Loisa ahh. Mukhang hindi na tayo makakakain ng lunch kaya mag mall nalang muna tayo at lilibre kita sa merienda" sabi niya sabay ngiti

"Oo basta siguraduhin mong hindi na sa karinderya yan ahh" sabi ko na may halong pang-aasar

Pagtapos namin kumain, sumakay na kami sa sasakyan at sinabi ni Josh sa driver dalhin kami sa pinakamalapit na mall.

Sa Mall of Asia kami dinala ni manong driver.

Naglibot libot lang kami ni Joshua.

Habang nagiikot kami ay biglang napahinto si Josh at nakatulala sa may entrance ng Forever 21 kaya napatingin din ako.

Nakita ko doon si Jane...

Hindi ko napansin na naiwan na akong nakatayo dito at papunta na si Josh sakaniya.

Susunod pa sana ako kaso nakita ko na silang naguusap at naglakad papalayo.

Tumakbo na ko papalabas ng mall at sumakay ng taxi bago pa ko makita ng mga tao na umiiyak.

Nang makauwi ako sa bahay nakatanggap ako ng text galing kay Josh.

"Pasensya na bespren ah. I dont have enough money na eh... Niyaya ko kasi si Jane kumain. Sorry ahh? Next time nalang talaga promise :)"

PROMISE...

Sana di nalang naimbento ang salitang yon...

Hindi ko na siya nireply-an at dumiretso ako sa kusina para mag merienda.

Pagtapos ko kumain ay pumunta na ko sa kwarto ko at humiga sa kama

Bakit Josh? Bakit kailangan mo ko pahirapan ng ganito?

Pinikit ko ang mga mata ko para kahit papaano ay makalimutan ko mga problemang 'to kahit sandali lang.

-----END OF FLASHBACK-----

Akala ko nabalik na sakin ang atensyon niya...

Akala ko babalik na kami sa dati...

Akala ko magiging ok na...

Akala ko magiging masaya na uli kami kasamaang isa't isa.

AKALA lang pala ang lahat.

*kriiiiiiiiing kriiiiiiiing*

Nagbell na

Lumabas na ako ng library at dumiretso sa classroom.

-----End of Chapter 5-----

Guyss pasensiya na talaga di ko kayang habaan ahuhuhu

Di na ko magsasabi kung kailan ako maguupdate kasi di ko naman natutupad hahaha. Basta surprise na lang

Tanggalin ko muna yung description ahh. Pag natapos ko na saka ko lalagyan

Yun lang.

Please vote and comment. Thanks!

Sino Ang Pipiliin Ko? (LoiShua)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon