Waaaaah tinatamad talaga ako mag update pero ito na hahaha
Here na. Enjoy! :D
~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 3: BESTFRIENDS
Loisa's POV
Grabe lang ahh. Baliw na baliw na si Josh kay Jane eh. Lagi nalang siya yung topic. Tchh. Tango nalang ako ng tango kahit diko na naiintindihan sinasabi niya eh.
Joshua is my childhood friend. Simula grade 2 palang crush ko na yun. Shhhhh secret ahhh? Hihihi :3
Grade 2 din kami nagkakilala. Binubully ako nung mga kaklase namin na "baboy" daw ako kaya ayun, may gwapong lalaking pinagtanggol ako. And that's Joshua.
After non, lagi na kong sinasamahan ni Joshua. Di na ko umaangal noh. In fact kinikilig pa ko nyahahaha.
Di nga lang niya pwedeng malaman kasi alam kong masisira lang friendship namin. Haaayyys :(((
Tapos may gwapo pa akong nakita from Woodfords Academy, si Jerome waaaaaah. Crush ko na siya hahahaa.
Pero kay Joshua iba. Mahal ko na kasi siya eh. Pero para sakaniya, hanggang bestfriend lang kami.
**
Anyway nandito ako ngayon sa room ko. Wala kaming pasok kasi Saturday and sabay na namin tinapos ni Joshua yung mga homeworks namin kahapon.
Ang boring pala pag walang ginagawang homework noh?
Pumunta nalang ako sa pool and binabad ko paa ko.
Ano ba kasing gagawin kung nasa ganitong situation ka?
Mamahalin ko nalang ba ng patago yung bestfriend ko?
Magpapakabayani ako para sa bestfriend kong mahal ko?
Magtatapat ako sa bestfriend ko?
O ipaglalaban ko nalang nararamdaman ko sa kanya?
Yan lang palagi nasa isip ko. Ang hirap kasi eh. Ang sakit isipin na may gusto siyang iba.
Feeling ko may tutulo nang luha sa mata ko pero hindi ko na pinigilan. Siguro kailangan kong iiyak lahat ng naratamdaman ko. Sana makabawas din ang pagiyak ko sa sakit na nararamdaman ko
**
Dahil sa kakaiyak ko, di ko napansin na gabi na pala. Basang basa ng luha ang mukha ko. Dumeretso nalang ako sa kwarto. Wala akong ganang kumain.
Itutulog ko nalang para kahit papano makalimutan ko mga bagay na 'to. At sana pagkagising ko ok na ang lahat, sana wala na kong proproblemahin.
Nagtalukbong nalang ako ng kumot at pumikit na...
~~~~~ End of Chapter 3~~~~~
Guys sooorry tinatamad ako gumawa ng kwento hahaha
POV lng muna ni Loisa to
Thats all
Please vote, thanks! :D
BINABASA MO ANG
Sino Ang Pipiliin Ko? (LoiShua)
Teen Fiction(guyss lalagyan ko ng description pag natapos na yung story)