Chapter Two

2.2K 56 5
                                    


MALALIM na ang gabi ngunit hindi pa rin makatulog si Aura. Muli na naman siyang binabagabag ng mga alalahanin, at tuwing ipipikit niya ang mga mata'y nagbabalik sa kanyang alaala ang araw na natuklasan niya ang lihim na bumabalot sa kanyang pagkatao, at ang unang paghaharap nila ni Leon Fortalejo.

Tulad ng dati'y namalayan na lamang niyang nahilam ng luha ang kanyang mga mata.

Pinahid niya iyon. Kung bakit hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha gayong isinumpa na niya sa sariling hindi na muling iiyak.

"You're very stiff, Aura. At bihira ka na kung ngumiti. Malapit ka nang magmukhang buhay na estatwa," minsa'y biro sa kanya ng may-edad na sekretaryang si Inez, na itinuturing na rin niyang kaibigan.

Nagkibit-balikat lamarig siya.

Somehow, totoo ang sinabi nito. Gusto niyang magmukhang buhay na estatwa. Hindi nasasaktan sapagka't walang damdamin.

Kahit sino'y hindi tatangging makipagpalit ng puwesto sa kanya, at pumayag na maging anak ni Don Rafael Fortalejo sapagka't walang hindi maiinggit sa kariwasaang tinatamasa niya.

Pero hindi lamang sa salapi nabubuhay ang tao. At ang kaligayahan ay hindi isang item na mabibili mo sa department store.

But love? Minsan na niyang napatunayan na nabibili ng salapi ang pag-ibig. It happened five years ago.

Clark used to be one of their executives. Guwapo, matalino, at akala niya'y totoong disente.

Nakilala niya ito nang makasama niyang dumalo sa isang business conference sa Japan. Si Clark ang ipinadala ng kompanya sapagka't ito ang pinakamasipag at pinaka-capable sa lahat ng nakababatang executives.

Naging masaya siya sa company nito, hanggang sa mamalayan niya ang sariling umiibig sa binata.

Pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon sapagka't nang matuklasan ni Rafael ang tungkol dito'y gumawa ito ng paraan upang paglayuin silang dalawa. Gusto ni Rafael na ang lalaking mapapangasawa niya'y nasa katulad na estado.

Binayaran ni Rafael si Clark. At hindi siya makapaniwalang ipinagpalit siya ng huli sa limang milyong pisong kung tutuusin ay barya lamang sa kayamanan ng mga Fortalejo.

Damn you, Clark! Ipinagpalit mo ang isang Aura Fortalejo sa limang milyong piso lamang? himutok niyang sa loob ng limang taon ay hindi nawawala.

Mula noo'y nawalan na siya ng interes sa mga lalaki. Manloloko, oportunista ang tingin niya sa lahat ng nagtangkang manligaw. Hanggang sa naging bato na yata ang puso niya.

Kung minsan ay naiinggit siya sa kapatid na si Krizelda, lalo na ngayong nakatagpo na ito ng kaligayahan sa piling ng napangasawang si Gabriel.

She may be stiff and cold-hearted sa tingin ng ibang tao, pero deep inside, gusto rin niyang makatagpo ng lalaking magmamahal sa kanya nang totoo at hindi lamang dahil sa siya'y isang Fortalejo.

Nakatulugan niya ang pag-iisip at mataas na ang sikat ng araw nang magising kinabukasan. Nag-aalmusal sa garden si Margarita nang bumaba siya.

"Come and join me, Aura," anito nang makita ang dalaga.

"Buenos dias, Margarita," bati niya nang maupo sa kaibayo ng babae.

"Buenos dias. Did you sleep well?"

Tumango siya. Nagpasalamat nang salinan ni Margarita ng kape ang kanyang tasa.

"Me parece muy bien que te tomes vacaciones," / think it's very nice that you're taking a vacation, ibig sabihin ni Margarita.

Kristine Series 06: Kapirasong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon