DALAWANG araw na sa Hacienda Aurora si Aura, at ang naturang mga araw ay ginugol niya sa pangangabayo at paglilibot sa hacienda.
Nararamdaman ni Aurora na may problema ang dalaga pagka't hindi basta iniiwan ni Aura ang mga trabaho sa Maynila at ipinagkakatiwala sa empleyado.
"What is wrong, hija?" tanong nito nang hindi na makatiis sa nakikitang kawalang-sigla ng dalaga.
"Nothing, Ma. I just want to rest for a few days. Nami-miss ko na ang pangangabayo at paglilibot sa hacienda."
"lyon nga kaya ang dahilan?" duda ito.
Iniiwas ni Aura ang mga mata kay Aurora.
Lumapit ito at naupo sa kaibayo niya.
"Napaka-limited na ng mga pagkakataong nakapag-uusap tayo nang ganito dahil lagi kang abala. Mabuti pa noong maliit ka — kayo nina Ismael at Krizelda — lagi ko kayong kasama. At lagi kayong humihingi sa akin ng payo. Ngayong malalaki na kayo, para bang hindi n'yo na kailangan ng isang ina. Am I not a good mother, hija?"
"You're the best mother in the world, Ma. But that doesn't mean na lahat na lang ng problema ay sasabihin ko sa inyo. This is personal."
"Heart problem?"
Ang hindi niya pagsagot ay pagkumpirma.
"Who's the lucky man? I hope hindi na tulad ng isang nabayaran ng iyong papa."
Napailing siya.
"Come on, hija... Makakaluwag sa dibdib kung isi-share mo sa akin ang problema."
Alam ni Aura na hindi siya titigilan ni Aurora kaya nagpasyang ipagtapat dito ang tungkol kay Miguel.
Lahat-lahat, maliban sa mga namagitan sa kanila.
"Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataong magpaliwanag, Aura? Baka naman nagka-kamali ka. Surely, mahihiya si Miguel na lokohin ka dahil miyembro na ng kanilang pamilya si Krizelda."
"Nagawa na niya, Mama. Hindi niya ipinag-tapat sa akin ang tungkol kay Georgia."
"Dapat sana'y magalit ako pero binibigyan kita ng pagkakataong maging maligaya. You love him, don't you?"
Tumango si Aura.
"Talk to him, hija. Magkaliwanagan kayo ni Miguel."
"Sinaktan niya ako, Ma, at ayoko na siyang makita."
"Aura..."
"Goodnight, Ma. Magpapahinga na ako."
Humalik siya sa pisngi ng ina. Papanhik na siya sa itaas nang tawagin nito.
"Tumawag nga pala kanina si Ismael at ang iyong papa. Sa isang linggo pa ang balik nila. Dadaan sila ng Switzerland."
"Kapag tumawag uli ang papa, sabihin n'yong mag-iingat sila ni Ismael."
Ngumiti si Aurora.
"You've changed, Aura, don't you realize?"
"Yes, marami na ang nagbago sa akin, Ma..." at tuloy-tuloy na niyang iniwan ang ina.
KAGAGALING niya sa pangangabayo nang salubungin siya ni Clara at sabihing may dumating na mga bisitang naghahanap sa kanya.
"Isang lalaki at isang babaing buntis," ani Clara.
Natiyak niyang sina Miguel at Georgia ang tinutukoy na bisita.
BINABASA MO ANG
Kristine Series 06: Kapirasong Papel
RomanceAnuman ang gawin ni Aura ay hindi niya mapaglabanan ang damdamin na naramdaman kay Miguel. Unti-unting nabubuwag ang moog na kinakukulungan niya. At habang inilalayo niya ang sarili'y lalo itong lumalapit, nanunukso. Ano ba talaga ang gusto sa kany...