Chapter 12

115 2 0
                                    

[Krizza's POV]

Nagising ako dahil sa ingay at bumungad sa akin ang maputing kisame.

Bumangon ako at napahawak sa ulo ko. Masakit pa din.

Pero naalala ko yung panaginip ko.

Nasa isang skwelahan daw ako at nasa garden. May inaantay ako at nakita ang isang lalaki na papalapit sakin. Ngumiti siya sakin, pareho ng ngiti kay Silver pero ba't ganun? Hindi niya kasing height si Silver? I smiled at him. May sinabi siya sakin na di ko marinig at bigla ko nalang siya niyakap at nag 'I love you' sa kanya. At may sinabi siya sakin, 'I love you too Kri'...

"Earth to Krizza! Earth to Krizza!" napatingin ako sa gilid ko.

Si Fei lang pala. Napatingin ako sa likod niya.

"Hi Krizza!/Hi Kri!" bati ng mga kaibigan ni Kaizer sakin.

Ngumiti naman ako sa kanila. "Hi" sabi ko.

Biglang may nag flash kaya napatingin ako kay Louise. "What the hell Louise?!" sigaw ko at sinamaan siya ng tingin.

"What? Pinicturan ko lang yung mukha mong nakangiti! Ilang taon ka ng hindi naka ngiti kaya!" sabi niya.

Inirapan ko lang siya, biglang pumasok sila Tita at Tito kasama sila Ate Hershey, "Krizza anak!" bati ni Tita--este mommy sakin at niyakap ako. Niyakap ko naman din siya pabalik.

"Di mo man lang sinabi sa amin na buntis ka pala! Ano? Masarap ba? Hahahaha" sabi ni Mommy kaya namula naman ako.

Kaizer!!!! Ba't mo sinabi sa kanya na buntis ako?!!!!

Biglang pumasok si Kaizer kaya pinalibutan siya ng mga kaibigan niya at parang sinakal.

"Walangya ka dude di mo man lang sinabi na naka score ka na pala!" sabi ni Sehun

"Ako ninong ah!" sabi nilang lahat. Natawa naman ako.

Biglang tumahimik kaya napahinto ako sa pagtawa at tinignan sila. "What?" tanong ko.

"Party party!" sigaw ni Baekhyun at sumigaw naman sila. Tinulak nila si Kaizer papunta sakin at pinicture kaming dalawa.

Ba't parang pamilyar ang scene na toh? Pero iba lang yung lugar. Para bang nandun ako sa scene na yun. ((malamang Krizza kaya nga pamilyar diba?))

*sigh*

"Yehey may baby na kami." tuwang sabi ni Fiona kaya kinarga ko siya pinaupo sa lap ko.

"Pwede na pwede na talaga!" sigaw ni Ate Hershey at tumawa silang lahat.

Ang ingay namin tapos nasa hospital kami. Parang nasa bahay lang.

Biglang pumasok yung doctor kaya biglang tumahimik. Napailing naman ako habang naka ngiti.

"Mrs. Kim. Its good to be back with your husband again." sabi niya.

"Ha?" nalilito kong tanong.

"I see. So di mo pa din naalala asawa mo? Si Kaizer. Asawa mo noon palang. But anyway, you're 2 weeks pregnant and as you can see, nakita namin na gumagaling na din yung sugat mo sa ulo. May masakit ba sa ulo mo o parang kumikirot lang at may naalala ka?" tanong niya sakin.

"Ngayong araw lang ho. Kumikirot ulo ko tapos nawalan ako ng malay. Hanggang sa may napanaginipan akong pamilyar." sagot ko. Ngumiti naman si doc at may sinusulat sa kung ano yung hawak niya.

"Good! Unti-unti na atang babalik ang mga ala-ala mo Mrs. Kim." sabi niya at tinignan si Kaizer.

"Well, Mr. Kim, congratulations again. Once a week kayo pupunta dito sa hospital para ma monitor namin ang utak niya at malaman tungkol sa amnesia niya." sabi niya.

"Sige po doc. Salamat po." sabi ni Silver at umalis na yung doctor.

Tinignan ko si Silver, "Ano yung sinabi ni Doc na asawa kita noon palang? Diba yung Kri ang asawa mo?" tanong ko.

Umiwas naman siya ng tingin, "A-ano..." nauutal niyang sabi.

Tinignan ko silang lahat pero tinignan lang nila si Silver.

"*sigh* fine.." sabi niya at tinignan ako sa mga mata ko.

"Yung kinwento ko sayo kaning hapon. Ikaw yun." sabi niya at biglang kumirot yung ulo ko.

"Yes! May anak na ako!" sigaw ng katabi kong lalaki at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik at ngumiti.
"Wag muna natin sabihin sa kanila jagi para ma surprise sila." sabi ko at tumango siya. Nasa bahay kami at nasa sala.
May tumawag sa kanya kaya tumayo siya at pumunta sa kusina. Ilang minuto ay bumalik siya sakin na nakangiti. Niyakap ko siya.
5 mins later ay biglang pumasok ang mga pamilya namin at ang mga kaibigan namin. Ang ingay nila kesyo daw may apo at inaanak na sila. Pero ba't di ko makita ang mukha nitong lalaki na asawa k---

"Krizza? Krizza?" napatingin ako kay Silver.

Nasa kanya na pala si Fiona. Umiling ako.

"Gusto kong matulog" cold kong sabi at humiga patalikod sa kanila.

Awkward... Yan ang masasabi ko.

Rinig ko ang buntong hininga ni Silver at umalis sa pagkaka upo sa higaan ko.

Narinig ko ang pag bukas ng pintuan at mga yapak nila. Umalis sila.

I changed my position at tinignan ang kisame at pinikit ang mga mata ko.

Ba't masaya ako na malungkot?

Masaya kasi asawa ko nga pala si Silver? O hindi?

Malungkot dahil sa mga nangyayari? Isa na dun yung contract namin?

Nakakalito...

365 days with my Contract HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon