[Krizza's POV]
"Dahan-dahan." at inalalayan ako ni Silver bumaba sa sasakyan. Napairap ako at sinampal ang kamay niya na naka hawak sa braso ko.
"Hindi ako senior citizen." sabi ko at na una ng maglakad.
Biglang nawala yung sinag ng araw sa akin kaya napatingin ako sa gilid ko. Si Silver na pinayongan ako habang naka ngiti sakin.
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya. Ba't ba kami nandito sa sementeryo? Hindi pa naman November 1 ah. June 16 pa kaya.
Advance din nitong si Silver.
May dala pa siyang bulaklak, kandila at posposporo.
Baka may dadaanan lang siya? Baka nga.
Huminto kami sa isang lugar na may puno at isang pangalan na Kaizer Grey H. Kim
Pinsan niya ba toh? Pero magkapareho ang pangalan nila maliban nalang sa 'Grey' at yung middle initial.
"Sino yan? Pinsan mo?" tanong ko habang sinisindi niya yung kandila at pinatong sa gilid ang bulaklak na dala niya.
"Baby toh. Naalala mo siya?" tanong niya sakin habang nakatingin sa puno.
"Oo? Hindi? Ewan? Medyo familiar sa akin yung pangalan. Baka imagination ko lang yun." sabi ko.
Bumuntong hininga siya at umupo sa harapan nung pangalan.
Umupo din ako sa tabi niya at tinignan yung pangalan.
Kaizer Grey H. Kim
Born: June 16, 2012
Death: June 16, 2013~We will always love you baby Kaizer. Rest in Peace baby. -K Couple
"K Couple?" bigla kong tanong. Hinawakan niya naman yung kamay ko at inintertwine. Ewan ko pero di ako pumalag.
"K Couple *chuckles* I miss those times." bigla niyang sabi.
Tinignan ko siya pero nakatingin pa din siya sa pangalan.
"I have a wife, Kri ang pangalan niya. Tawag niya sakin, Jagi, Silver, Kaizer or Kai. Kung anu-ano ang tawag niya sakin. Kaya K Couple ang tawag samin dahil pareho kaming 'K'." kwento niya sakin at hinigpitan ang pagkahawak niya sakin.
"She loves to do weird things. Hindi siya cold o masungit. Namiss ko yung pagiging childish niya. Yung pagiging mahilig ng mga teddy bears. Kahit slow yun namiss ko din yun." nakikinig lang ako sa kanya. I dont know why. Pero biglang kumirot yung ulo ko pero binaliwala ko lang yun.
"Nung nalaman namin na buntis siya ay natuwa kami. Halos araw araw ay nasa bahay ang mga kaibigan namin at inaabangan ang paglaki ng tiyan niya. Kahit magulo ang bahay namin nun dahil sa kanila ay ok lang. Natutuwa din naman siya." umiwas siya ng tingin at pinahiran yung mukha niya. Umiiyak siya. So anak niya pala toh.
Pero asan na yung asawa niya?
"Halos araw araw ay pinipikot niya tenga ko at ng mga kaibigan ko. At halos araw araw ay hinahanap niya si Sehun o di kaya si Chanyeol hyung. Kahit pinaglilihian niya silang dalawa ok lang dahil masaya naman siya. Ganun ko siya kamahal." ba't biglang kumiror puso ko? Parang nasasaktan ako sa pagkwento niya.
"Nung nanganak siya, damn, natuwa ako ng malaman namin na baby boy yung anak namin kaya Kaizer Grey ang pinangalan namin sa kanya. Everyday and everynight halos napuno yung room niya dahil sa mga kaibigan at pamilya namin. Araw araw bumibisita sa amin para lang makita yung bata. Haha. Kahit kuha na kuha ni Grey yung tenga ni Chanyeol hyung at ilong ni Sehun ay mas natutuwa ako dahil nakuha niya ang kagwapuhan, mata at bibig ko." at tumawa siya ng mahina kaya napatawa din ako ng mahina.
Biglang humangin ng malamig yung paligid namin. At nakita kong napangiti siya.
"Happy 3rd birthday baby boy. Malaki ka na. Alagaan mo ng mabuti si mommy ah?" sabi niya at biglang humangin ng malamig ulit para bang nandiyan si Grey at sinasagot si Silver.
"Oo naman! Mahal ko mommy mo. Mahal na mahal ko siya kaya babantayan natin si mommy araw-araw." sabi niya. Natin? Huh?
"Ang saya namin araw araw habang inaalagaan si Grey. Minsan bumibisita sila Hyung sa bahay namin para makipaglaro kay Grey pero minsan hindi dahil busy din sa trabaho nila."
"On the day of Grey's birthday. Masaya kaming papunta ni Kri kasama si Grey sa bahay nila mommy pero biglang nawala yung break ng sasakyan ko kaya pina seatbelt ko silang dalawa. Hindi ko pinaalam kay Kri na may problema sa sasakyan ko. I turned on the music para di niya mahalata ang pagtataranta ko. I sing a long with the music habang naka ngiti. Nung may truck na paparating sa amin na ang bilis ng takbo papunta sa amin ay niyakap ko ang mag ina. At dun kami nawalan ng malay."
"Pag gising ko nasa isang maputing kwarto ako at nakita si mommy na nasa sofa at natutulog. Wala akong masyadong sugat pero masakit yung bewang ko. Naalala ko yung mag ina ko kaya tinanggal ko yung dextrose at lumabas ng kwarto at tinignan yung kabilang kwarto. Dun ko nakita si Kri, may naka sabit sa kanya na mga kung anu-ano. Pinuntahan ko siya at may bandage ulo niya. I cried. Dapat nga ako ang nasa sitwasyon niya pero baliktad ata. Biglang pumasok yung nurse sa kwarto ni Kri kaya tinignan ko siya at tinanong kung nasan ang anak namin." yumuko siya. I feel sorry to him. Ang hirap pala ng pinagdadaan niya.
"Pumasok ang mga pamilya namin at mga kaibigan namin. Hinahanap ko sa kanila yung anak namin pero di nila ako simasagot. Pinagtulongan na ako ng mga nurse pero wala, hinahanap ko ang anak namin. Ng biglang nagising si Kri. I hugged her. Hinanap niya din ang anak namin pero walang sumagot. Then biglang dumating ang doktor at sinabi samin na wala na yung anak namin. Damn hurts nung sinabi niya yun samin. Para akong pinagsusuntok ng ilang beses. Pero mas masakit yung sinabi niya sakin."
"Sino ka? Ba't ka umiiyak?" paggagaya niya. Ang sakit pala ng pinagdaraanan nitong lalaking toh. Napahawak ako sa tiyan ko. Nagawa lang naman namin yun dahil sa kalasingan namin at hindi namin mahal ang isa't isa.
Pero parang kumirot yung puso ko nung naalala ko yung sinabi ko, 'Ipapalaglag ko toh' parang nararamdaman ko din yung sakit ni Silver.
"Dun ko nalaman na nabagok ulo niya ng napakalakas sa bintana kaya naapektuhan utak niya at nagkaroon ng amnesia. Ako at ang kaibigan ko lang ang di niya maalala. I just smiled at her at bumalik sa kwarto ko ng walang gana. I gave her time to recover at hindi siya pinake alam. Pero nandun ako sa burol ng anak namin. Everyday and everynight nandun ako. Pero di niya ako naalala kahit sila Kris hyung din."
"Nagpaalam ako sa kanya na umalis kaming magbarkada pero ang sinabi niya lang sa akin ay 'Mag ingat kayo dun' yun lang. Kahit masakit umalis ako. Di ko kayang saktan siya at ikwento sa kanya ang tungkol sa amin kaya umalis ako kahit masakit." sabi niya at pinahiran yung mukha niya. Ganun pala buhay niya.
Di ko akalain... Na ganun pala buhay niya.
"Bumalik ako para sa kanya pero nalaman kong may iba na pala siya kaya dun ako nagsimula na basagulero. Umiinom, fxxking other girls at palaging umiiyak pag naalala ko siya. Sounds gay. I know. Binaon niya sa limot kami ng anak niya kaya mas nasaktan ako ng husto." sabi niya at tininignan yung relo niya.
"Napahaba ata ako ng kwento. Mag aalas-kwatro na pala. Tara?" tumayo siya at tumayo din ako. Ngumiti muna siya sa puno, "Babalik din kami dito ng mommy mo balang araw. Na naalala na niya ako at kasama ang mga kapatid mo." sabi niya tapos ay nag lakad na kaya naglakad na din ako.
Ano kaya ang meron sa puno na yun?
Pinayongan ko siya at ngumiti sa kanya. All those hours habang kinukwento niya sakin ang nakaraan niya, bigla akong mas nakomportable sa tabi niya. Ngumiti naman siya sakin kaya biglang mas kumirot ulo ko at napahinto sa paglakad at napahawak sa ulo ko. Ba't parang ang pamilyar ng ngiti na yun?
"Ok ka lang Krizz---" pero nawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
365 days with my Contract Husband
Dragoste[Prologue] Si Krizza Mei Huang, isang babaeng mayaman; single (?); masungit; maldita; at hindi masyadong ngumingiti na para bang may galit siya sa mundo. Isang araw namatay ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente. Aksidente nga ba o pinata...