Chapter 14

120 1 0
                                    

[Krizza's POV]

"Umalis ka na." at tinutulak siya ng malakas.

"Please Mei, pakinggan mo muna ako." at akmang yayakapin ako pero tinulak ko siya.

Ayoko na Harley. Ilang beses ko na bang sabihin sayo na ayoko na at tigilan mo na kami.

"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na umalis ka na at wag mo na kaming guluhin pa!" sigaw ko at akmang isasara ang gate ng hinarang niya ang braso niya.

"I still love you Mei. Please bumalik ka sakin." sabi niya pero umiling ako.

"Tama na Harley. Ayoko na." at tinulak ulit siya at sinara ang gate.

Sinisigaw niya pa din ang pangalan ko pero binawela ko lang siya.

Pumasok na ako sa bahay namin at umupo sa sofa.

Ilang araw na din akong binubulabog ni Harley dito mismo sa bahay namin. Pag wala si Kai ay nagpapakita siya pero minsan ay tumatawag o mag text siya sakin na ibang number.

Nakakabanas. Nakakainis.

**

"Dahan dahan." at inalalayan ako ni Kai habang naka hawak naman ako sa hawakanan ng stairs namin.

Ang bilis ng panahon..

8 months. 8 months ko din dinadala ang bata namin.

Nung sinabi ko na ipalaglag ang bata, nawala yun dahil dun sa kwento ni Kai sakin tungkol kay Grey.

Napapangiti nalang ako habang tinitignan si Silver.

Pinaupo niya ako sa sofa at tumabi sakin at hinihimas ang tiyan ko.

"Aray!" sigaw ko at napahawak sa tiyan ko.

"May masakit ba?" pagaalala niya sakin.

Umiling ako at ngumiti, "Sumipa lang si baby." sabi ko at hinihimas ang tiyan ko.

Napangiti naman siya at nilapit ang tenga niya sa tiyan ko habang hinihimas din, "Baby, wag mong saktan masyado si mommy ah." sabi niya.

"Tsaka, lumabas ka na para makita ka na namin ng mommy mo." sabi niya at hinalikan ang tiyan ko.

Napangiti ako. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sayo Silver.

[Kaizer's POV]

Malapit na manganganak si Krizza. Within next week daw sabi ni Doctor Gutierez. Nandito naman silang lahat para mabantayan si Krizza daw. Trip din ng mga toh.

Nasa garden silang lahat habang si Krizza naman ay nasa sala at nanunuod ng Pororo.

Pinuntahan ko siya at tinabihan habang nakangiti. Kumakain na naman siya ng Ice Cream. Pfft. Ang cute talaga ng asawa ko.

"May gusto ka bang kai--"

"Aray!! Ahhh!! Tngna!! KAIZER!!!!!!" sigaw niya kaya natataranta ako at nabigla.

Bigla naman pumasok sila mommy at natataranta din.

"Akala ko ba next week ka pa manganganak?" tanong ko.

"Takte ka Kai!!! Nahihirapan n---ahhhh!!! Manganganak na ako!!!!" sigaw niya at pinipikot ang tenga ko.

"Aray! Aray! Eto na eto na!" sigaw ko at binuhat siya. Hinahampas naman niya likod ko.

Ganito ka din nung araw na pinanganak mo si Grey. Nanghahampas at pinipikot ang tenga ko.

Agad naman ni-ready ni Dad ang sasakyan.

365 days with my Contract HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon