CHAPTER EIGHT

3.2K 82 6
                                    

"I HATE you, Joselito Masangcay!" sigaw niya na nagpangyaring mahinto ito sa pagpihit sa doorknob at lingunin siya. "Sa sandaling malutas ko ang problemang ito ay hindi mo na ako makikita pa!" That was childish but she couldn't help it. She was running out of options to convince him to help her.

Tila na-freeze ito sa pintuan. Matagal na sandaling bumagsak ang tingin nito sa knob, kapagkuwa'y nilingon siya. She could have sworn regret flashed momentarily in his eyes. Nagbigay iyon ng gahiblang pag-asa sa dibdib niya.

"Ever!" idinugtong pa niya.

Tumuwid ito ng tayo at tiningnan siya nang deretso sa mga mata. "Iyan ang makabubuting gawin mo, sweetheart," kaswal na sabi nito.
"Siguro'y panahon na upang matuto kang mabuhay na hindi ako laging nakaalalay sa tabi mo."

Napanganga siya sa narinig niya.

Hinding-hindi niya inaasahan ang ganoong salita mula rito. Bigla ay tila gusto niyang mag-iiiyak. Magsisisigaw. O pareho.

But she held herself. Hindi niya maaaring pagmukhaing kawawa ang sarili nang tuluyan. Nakipagkatwiranan na siya. Humingi na siya ng paumanhin. Nakiusap. Pero manhid ang lalaking ito.

Tinapunan niya ito ng malamig na tingin.
"Kailanman ay hindi na ako hihiling ng anuman sa iyo hanggang sa huling hininga ko, Joe. Tandaan mo iyan!"

His face hardened. "Fine."

"Hindi ko makakalimutan ang lahat ng ito."
Naramdaman niyang nag-buckle ang tinig niya. "I had no idea that you were such a jerk. Lumabas din ang totoong kulay mo! And to think na pinaniwala mo akong mahal mo ako noon, na mananatili kang nariyan lang!"

The cruelest little smile pulled at his mouth. "Tama ka, Guada. Noon. Past tense. At hindi lumalabas ang totoong kulay ko dahil magkaibigan naman tayo nang kulang dalawampung taon at wala kang maipipintas.
Maybe just got sick and tired of your selfishness and immaturity!"

She gasped. Naramdaman niyang nag-iinit na ang sulok ng mga mata niya. "Oh, how I hate you!" sigaw niya na tila bata, mas pinatunayan ang akusasyon nito. "Sige, umalis ka na! Doon ka na sa Elliana mo! Pakasalan mo siya! Pero tatandaan mo ito: sisirain ko ang araw ng kasal ninyo! Kakabitan ko ng bomba ang bridal car niya! Reregaluhan ko kayo ng maraming dinamita! Kakalbuhin ko siya, Joe! Kakalbuhin ko siya!" Gigil na gigil at hinihingal at mamaos-maos siya sa galit.

Isang malakas at malademonyong tawa ang
kumawala mula kay Joe sa pagkabigla niya. There was an honest amusement in his eyes when he stared at her.

"Guada, Guada," wika nito sa tono na ginagamit lamang para sa isang bata. Nakangiti ito at umiling-iling. "You are so funny and really so childish. Other times, I'd humour all these. My advice? Stop being a
brat and grow up. Be responsible."

Naglalaro pa rin ang malademonyong ngiti sa
mga labi ni Joe nang buksan nitong tuluyan ang pinto at lumabas. Kung mababasag lang ang mga ngipin niya sa matinding panggigigil ay wala sa panahong magpapadentista siyang tiyak.

My god, she'd done everything. Mula sa pakikipag-usap sa seryosong paraan hanggang sa pag-aasal-spoiled brat na siyang pagkakakilala nito sa kanya. Pero lahat ng iyon ay walang silbi. Paano na ngayon? Ano ang sasabihin niya sa mommy niya? Paano kung lumala ang sakit nito at maging dahilan ng bagong atake nito at ikamatay? Hindi niya
mapapatawad ang sarili niya kung siya ang magiging dahilan ng kamatayan ng ina.
Oh, god! She didn't want her only parent to die.

"I hate you, Joe..." usal niya, parehong nakadama ng inis dito at pag-aalala sa ina at galit para sa dahilan kung bakit ayaw siya nitong tulungan si Elliana.

Did Elliana turn him against her?

Pero may sariling isip si Joe. Hindi ito basta-basta nagpapatangay sa mga udyok. He must have loved Elliana so much if she had been able to sway his mind. He must be so in love with her. Tuluyan na siyang napahikbi. She was losing him and she could feel the world closing in around her, inaalisan siya niyon ng
karapatang huminga.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon