CHAPTER THIRTEEN

3.4K 93 13
                                    

GUADA was wearing a blood red teddy; na wala namang tinakpan at dekorasyon lang yata sa katawan.

She hid a smile. May ilang beses niyang nakitang kumurap si Joe habang sinusundan siya ng tingin.  Kipkip niya ang smaller version ng bolster pillow na inilatag niya sa gitna ng kama.

"What... are you wearing?" He was stunned.

Sinusundan nito ng tingin ang pag-imbay ng mga balakang niya habang lumalakad siya patungo sa kama. If she didn't know better, nakukuha na niya ang atensiyon nito sexually at least.

My goodness, he had really given her the sweetest shock of her life when he kissed her. She almost melted like ice cream in the sun. Idagdag pang pinigilan nito ang pagtatapat niya sa ina. Nagkapag-asa siya.

If Joe was attracted to her in a physical sense,
ipakikita niya ritong hindi siya pahuhuli kay Elliana!

"Ano iyang suot mo?" pag-ulit nito. "Nasisiraan ka na ba ng bait?"

"Aba, eh, kung lahat ng nagsusuot nito, eh, sira ang bait, di sana'y hindi na imina-market ito. This is Mark & Spencer, ha. Mahal pagkakabili ko rito."

"Guada, hindi ka nagsusuot ng ganyan! You are
trying to seduce me!"

Umangat ang mga kilay niya at itinago ang
amusement. "Seduce you?" She widened her eyes innocently. "When did you know me seducing you, Joselito? Besides, hindi ko nadala mula sa apartment ko ang mga pajamas ko." A taunting smile hovered
on her lips.

"Besides, ano na lang ang sasabihin ni Mommy
bukas kung hindi sinasadyang makita niya akong naka-shorts at tee shirt sa pagtulog. That's very unlike me. Huwag nang sabihin pang hindi naman shorts at T-shirt ang isinusuot ng mga bagong mag-asawa."

"Guada..." Hindi nito malaman kung paano kikilos. "Inaasahan mo ba akong basta na lang mahihiga dito sa kama ko at katabi kang ganyan?"

"Why, Joe, we're friends, aren't we? Hindi ba
kita mapagkakatiwalaang tumabi sa akin na hindi ka mabibighaning hagkan akong muli?" Then a sly smile appeared on her lips. "In fairness, Joe, you don't kiss bad. Tama ang tsismis ng mga girls sa college na naging girlfriend mo noong araw." She wrinkled her
nose. "Something like you're the best kisser of the millennium."

Nagdilim ang mukha nito at puno ng iritasyon
ang tinig nang magsalita. "Habang tumatagal, Guada, ay dumarami ang natutuklasan ko sa iyo. Hindi ko akalaing kaya mong magbilad ng katawan nang ganyan..."

"Pareho tayo, kung ganoon..." She smiled at him sweetly. "Hindi ko rin naman inaasahang hahagkan mo ako, Joe. Lalo namang hindi ko inaasahang iparamdam mo sa akin... iyan." Muli nitong tiningnan ang pagitan ng mga binti niya at bago pa siya makapagkomento ay sinundan nito ang sinabi. "Pero hindi nga ba at ganoon naman ang mag-asawa? Habang tumatagal ay marami kayong natutuklasan sa isa't isa?"

"Hindi tayo mag-asawa, Guada!"

A perfect brow rose. "Ano na nga iyong sinabi mo kay Mommy kanina? Asawa. Dalawang beses mong sinabi."

He muttered under his breath.

Guada smiled inwardly. Then she yawned
delicately. "Bahala ka kung saan mo gustong matulog. basta ba hindi tayo mahuhuli ni Mommy. Kung gusto mong tumayo magdamag diyan, suit yourself. Ako, inaantok na. Alas-diyes na, Joe, kung nalilimutan mo. Tumagilid ito yakap ang maliit na bolster pillow
at pumikit. Sadya niyang inilantad dito ang kahubdan ng mga hita at binti.

"Bakit hindi mo gamitin ang kumot?" anito sa tinig na sa pandinig ni Guada ay nasu-suffocate.

"Naiinitan ako," sagot niya nang hindi lumilingon.

"Naiinitan ka?" he uttered in disbelief. Nilinga nito ang air conditioner na kanina pa nakabukas at nasa coolest naman yata.

Again, he muttered an oath. Kapagkuwa'y tinungo ang walk-in closet para maghubad. Pagkatapos ay nagtungo ito sa banyo at nag-shower. Pilit niyang inaalis sa isip ang magandang katawan ni Guada.
Subalit lalo pa yatang lumilinaw sa balintataw niya iyon na dinagdagan pa ng pagnamnam niya sa ginawa niyang halik dito.
Her lips were soft and tasted like honey.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon