CHAPTER ONE

7.6K 145 18
                                    

BAGAMAN hindi naman nagmamadali ay isinisingit ni Joe ang pagkakape habang nagbibihis. May meeting siya sa mga big boss ng istasyon at hindi niya gustong mahuli. Sinulyapan niya ang alarm clock sa ibabaw ng
side table habang tinutuyo ng tuwalya ang katawan.

Kinse minutos makalipas ang alas-siyete.
Alas-diyes y media ang meeting niya. Maaga pa naman pero hindi niya gustong magbaka-sakali sa traffic sa EDSA.

Muli niyang dinampot ang mug niya ng kape at humigop nang maulinigan niya ang pagbukas ng pinto niya sa ibaba kasabay ng pagtawag sa pangalan niya mula sa isang pamilyar na tinig.

Hindi niya kailangang hulaan kung sino ang
dumating. Una, iisa lang ang pinagbigyan niya ng susi ng townhouse niya; pangalawa, iisang tao rin lang ang nagpapasikdo sa dibdib niya sa tuwing naririnig niya ang tinig o kahit may bumanggit man lang sa pangalan nito he still had to find out why it was so.

Though he attributed it to tension.
Dahil baka problema na naman ang dala nito na siyang lagi nitong ginagawa; pangatlo, ito rin lang ang talaga namang kayang pukawin ang lahat ng emosyon niya; tuwa, galit, simpatya, at pag-aalala.

At mula noong magkaisip siya ay sinisikap na niyang unawain kung bakit tanging ito lamang ang pumupukaw ng mga ganoong uri ng damdamin mula sa kanya. Subalit hindi pa rin niya mahanap ang kasagutan hanggang sa panahong ito.

Si Guadalupe.

He sighed and groaned at the same time. Both from excitement and exasperation.

Excitement, dahil aminin man niya o hindi ay
pinanabikan niyang makita si Guada. Isang linggo itong nanatili sa probinsiya nila sa San Ignacio. At bago iyon, isang buwan silang hindi nagkita dahil, sa totoo lang, abala siyang masyado sa bago niyang directorial job sa TV station. And then there was also his girlfriend Elliana.

Gumitaw ang anyo ng girlfriend sa isip niya. Tall and statuesque; composed; poised; matured; stable. Iisang istasyon ang pinapasukan nila pero hindi sila personal na magkakilala. Isa rin si Elliana sa mga kilalang mapuwersang personalidad sa istasyon.

Bukod sa anak ito ng isang kilala subalit retiradong producer sa pelikula ay hindi mapapasubalian na isa itong mahusay na character actress sa telebisyon. Ang mga award nito mula sa iba't ibang award-giving body na pang-telebisyon ang siyang patunay.

And Elliana didn't refuse any role. Maging iyon
man ay ina ng isang batang actress bagaman sa totoong buhay ay treinta y dos lamang ito; maging bida man o kontrabida; action man o drama. She was so versatile that the viewers adored her. May dalawang pelikula na rin ito, which were produced by the television station itself. At bagaman hindi naman ganoon ka-blockbuster ay hindi rin naman nalugi.

Hanggang sa magkaroon siya ng break sa directorial job mula sa pagiging scriptwriter. Naging artista niya si Elliana. Naging simula iyon upang magkaroon sila ng mutual understanding at tuluyang madagdag sa
kaabalahan niya ang relasyon nilang dalawa.

Though he could always squeeze Guadalupe in his schedule no matter how busy he was, Guada herself had been so busy with her new boyfriend of a few months.

Naturalmente, hindi siya pagkakaabalahang padalhan man lang ng kahit maikling text message. Nakatanggap lang siya ng tawag mula rito nang umuwi ito sa probinsiya. Nasa daan na ito at sakay na ng bus nang marahil ay maalalang tawagan siya. Pinauuwi raw ito ng mommy nito. And that she had been worried that her mother's illness had gotten worst.

Tinawagan niya kaagad ang nakatatandang pinsan ng mommy ni Guada at inalam ang kalagayan nito. Kapag nagkataon ay mapipilitan siyang umuwi rin sa San Ignacio bilang pagsuporta sa kaibigan at kababata.
Besides, hindi na iba sa kanila ang mommy ni Guada dahil magkaibigan ang pamilya nila. Laking pasasalamat niya nang sabihin sa kanya ni Tiyo Fidel na mabuti naman ang kalagayan ng mommy ni Guada.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon