CHAPTER SIX

3.3K 93 12
                                    

ALAS-DOSE pasado na nang makabalik siya sa unit niya. Pagod siya mula sa iilang oras na shooting at tatlong oras na biyahe mula sa San Rafael, Bulacan, kung saan kinunan ang shoot. Hindi siya makapag-concentrate sa mga ginagawa. Kahit ang mga artista niya sa telebisyon ay napuna iyon kaya minabuti niyang tapusin ang shooting.

Akma niyang ipapasok ang susi niya sa keyhole
nang bumukas iyon. "Inaasahan kong bukas pa ng umaga ang uwi mo," nakangiting salubong sa kanya ni Guada. "Sabi mo'y may shooting kayo sa San Rafael."

He groaned aloud. Gusto niyang iumpog ang ulo sa hamba ng pinto. He was too tired for another argument. All he wanted to do was to hit his bed and sleep till doomsday.

Humakbang papasok sa loob ng unit niya si
Guada, pabagsak niyang isinara ang pinto at ini-lock. Pagkatapos ay humakbang pasunod dito. "Why are you still here?" he asked coldly.

"Have you eaten?" tanong nito na parang hindi narinig ang tanong niya. "Iinitin ko ang sinigang na spareribs."

"Sinigang?" he sneered.

He was actually hungry. Wala siyang hapunan.
Hindi siya kumain sa set. Pagkabanggit sa pagkain ay naramdaman niya ang pagkulo ng sikmura. Subalit natakpan ng pananayo ng balahibo niya ang gutom.

Guada was the worst cook ever.

"Tikman mo muna bago ka magreklamo."

Lumakad ito patungo sa kusina. Sinindihan ang kalan at isinalang ang Corning ware. Pagkatapos ay nginitian siya. "Inimporta ko iyong matanda sa kabilang bahay, si Mrs. de Leon. Kilala mo siya, hindi ba? She is your greatest fan. Mas bagay ka raw artista kaysa direktor."

"Pati kapitbahay inistorbo mo?"

Nagkibit ito ng mga balikat. Ang ngiti sa mga labi ay nakaplaster na at kumikilos na tila asawa. Asawa? Oh, god! Hindi ba ang bagay na iyon ang iniwan niyang problema kaninang umaga?

"Tinulungan ko kasi siyang ipanhik sa terrace niya sa likod ang mga bagong bili niyang halaman mula sa Manila Seedling Bank. She invited me to have lunch with her. Mapilit kaya pinagbigyan ko." Sinulyapan siya nito.
"Ang sarap ng sinigang niya at nagpaturo ako,"
nagpatuloy ito. "Sabi ko'y mahilig ka sa sinigang. She was bored and was too willing to tell me her secret. Durugin daw ang gabi at maraming kamatis at siling berde at huwag daw damihan ang sabaw para lumasa nang husto ang karne."

Kumuha ito ng place mat mula sa drawer at inilatag sa mesa. Then she smiled at him sheepishly. "Oh, well, siya talaga ang nagluto. Pero pinanood ko. Next time, marunong na ako."

"Guada, ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya sa pormal na tono, ignoring her talk of the sinigang na spareribs. Inihagis niya ang duffel bag at briefcase sa sofa. Naupo at hinubad ang rubber shoes.

"Ano ba namang klaseng tanong iyan, Joe? Para namang ngayon lang kita hinintay sa pag-uwi mo."

"Actually, yes. At kung ang intensiyon mo
ay dugtungan ang usapan natin kaninang umaga, nagkakamali ka. Pagod ako, Guada. Gusto kong matulog." Humakbang siya patungo sa hagdan ng loft.

"Joe, ano ka ba naman?" sigaw nito. He could
detect panic in her voice. Good for her. Ma-rattle naman itong paminsan-minsan sa mga kalokohang pinaggagawa. "Talaga bang hindi mo ako tutulungan sa problema ko?"

"Bahala kang solusyunang mag-isa ang problemang nilikha mo." Tuloy-tuloy siya sa hagdan. "Nagawa mong ikasal tayo. Then gawin mong i-annul tayo."

At bago pa siya makahakbang papanhik ay naroon na si Guada at hinawakan siya sa braso. He almost jerked. Hindi niya imahinasyon lang ang init na nagmumula sa kamay nito na parang daloy ng kuryente sa braso niya. Napaungol siya nang lihim. He hadn't really felt it. Just his imaginations running wild. He had just read that in one of the scripts submitted by his co-scriptwriters. Romance ang bago niyang idinedereheng telenobela. That must be it.

SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon