Ikalawang Persepsyon

32 0 0
                                    


Lahat sila ay nakadamit ng kulay itim. Matapos ang aksidente, sa bilang nang pasahero na sumakay kasama ang driver at konduktor na 80, 60 ang patay at 20 ang naghihingalo at itinakbo sa hospital.

Sa compound ng eskwelahan idinaos ang pagmisa sa mga patay. Ito ang isang karumal dumal na pangyayari sa eskwelahan ng anim na magbabarkada na naroon din sa misa. In fact magkakatabi pa sila. Sila lamang ang nakaiwas ptqa krimen.

Balot ng hinagpis at nakakabinging iyak ang maririnig sa loob ng eskwelahan. Isa-isa ang nagpahatid ng mensahe bago inilibing ang mga patay.

"Denze?" Patanong na tawag ni Mike sa kaibigan niya. Nagpaiwan pala sila sa eskwelahan at di na sila sumama sa paglilibing. Nabagot kasi sila misang naganap.

"Bakit?" Tanong naman ni Denze sa kaibigan niya.

"Naalala ko lang yung sinabi mo kahapon. Di ba sabi mo may aksidenteng mangyayari kaya napababa tayo" sagot ni Mike.

Nabigla siya sa sinabi ng kaibigan at yung iba nilang kasamahan ay napatingin sa kanya.

"Oo nga!" Sang-ayon pa ng kanyang mga kaibigan.

"Pero guni-guni lang yun" sagot niya. Totoo naman yun.

"Pero panoo?" Taka pa rin na tanong ni Mhara.

"Di ko alam" yan lang ang sagot niya. Pati nga siya, kagabi pa niya iniisip yun.

"Baka nagkataon lang naman" singit naman ni Greden.

Ayan. Nagnod lang ang kasamahan nila pero siya...di pa rin niya maiwasan isipin kung ano ba talaga ang kaugnayan yun. Baka tama nga ang kaibigan niya nagkataon lang siguro.

"Sige mauna na kami ah" paalam ng apat nilang kaibigan. Naiwan sila Denze at Greden dun total sila naman ang nagkakasama.

"O ano uuwi na rin tayo?" Yaya ni Greden.
"Ikaw ah" sagot naman ni Denze.

"Tara na nga"

Pinuntahan naman yung dalawa yung motorbike ni Greden.

"Wow! Bago ah" puri niya.

"Aba syempre. Regalo daw ni papa sa akin" pagmamayabang naman ni Greden.

"O ano? Ayaw mo bang sasakay?" Dagdag nitong sabi.

"Hah? Marunong ka na bang magnaneho? "

"Ako pa?"

Di na lang ito sumagot bagkus ay sumakay na ito at isinuot ang helmet. Pinaharurot agad ni Greden ang motorbike na dahilan para mapatili ito.

"Dahan dahan naman" bulyaw niya. Tinawanan lamang niya ito.

"Kung ayaw mong mahulog diyan sa likod kumapit ka ng mabuti" sigaw naman ni Greden.

Wala naman nagawa ni Denze kaya napayakap na lang siya. Wala pang kinse minutos ay nakarating na sila sa kanilang subdivision.

"Wow! Pwede ka nang makipag karera ng motorbike" biro niya kay Greden.

Ngumiti lamang ito sa kanya.

"Bilib ka no?" Yabang naman ng lalake.
She just rolled her eyes at iniwan na niya ito.

Pumasok agad siya sa kanilang bahay. Wala siyang kasamahan dun kasi nasa trabaho ang magulang nito. Binabad na lamang niya ang kanyang sarili sa panonood at pag-iinternet.

Pagsapit ng gabi agad siyang tumungo sa kanyang kwarto. Kahit ginugol niya ang kanyang oras sa panonood di pa rin niya maiwasan isipin ang sinapit ng buong klase. Naisipan niya ulit mag-open ng email niya.

PersepsyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon