Laman pa rin sa isipan ni Denze ang mga natuklasan niya. Ipinakita kasi ni Apong Iska ang tungkol sa sumpa sa kanila at kung paano rin siya nagkaroon ng ganung kapangyarihan na makita ang kamatayan ng isang tao.
"Alalahanin mo na kung ano man ang makita sa mahiwagang salamin ay magbibigay linaw sayo" sabi ng albularyo sa kanya at tinakpan ang salamin ng pulang tela saka nagbitiw ng orasyon.
Matapos gawin ng albularyo yun ay parang isang palabas sa TV ang nakikita niya ngayon sa salamin.
"Tandaan, ikaw ang napili at nasa yung kamay kung paano mo maililigtas ang inyong kasama. Kontrahin mo ang nakatakdang kamatayan nila dahil yun lang ang paraan para mahinto ang sumpa" paalala pa ng albularyo sa kanila bago lisanin ang lugar.
Napatigil lang siyang nag-isip sa ginawa nila kanina sa bahay ng mangkukulam nung inihinto ni Mike ang kotse nito sa harap ng convenience store. Kasalukuyan kasi silang nagbibyahe pabalik sa Maynila.
"Guys, bili muna tayo ng makakain diyan. Gutom na kasi ako" yaya niya.
Lumabas naman silang tatlo at pumasok sa store. Matapos ang ilang oras ay bumalik na silasa kotse.
"Wait, tignan niyo. Ang ganda naman ng building na yan" sabi ni Mike sabay turo sa isang building na nakita nito sa harap ng convenience store.
"Oo nga. Ang taas at puro gawa sa glass" sang-ayon naman ni Greden.
Siya naman ay napatingala para tignan ang taas ng building pero pagtingin niya sa taas nito ay parang may nakita siyang nahuhulog. Sinundan ng kanyang paningin nito ang nakabagsakan ng nakita nito pero wala naman. Laking gulat na lamang siya na ang makita nito ay mga utak at isang matang tumatalbog papunta sa direksyon nito.
Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan hanggang may humawak sa balikat nito kaya napasigaw at napapikit siya.
"Denze, are you okay?" Biglang yugyog ni Greden sa kanyan. Siya pala ang humawak sa balikat nito.
Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mata. Ramdam niya ang panginginig ng kanyag katawan kaya napayakap sa kanya si Greden para patahanin ito. Nang kumalma na siya ay saka lang siya nagsalita.
"Yeah, I'm okay. Napagod lang ako siguro at dala ng stress ito sa nangyari kanina sa pinuntahan natin" sagot nito. Yun kasi ang naiisip niyang rason. Kung iisipin niya na pangitain niyon ay dapat alam niya kung sino ang mamamatay at nagpaparamdam ito sa kanya pero nangyari kanina ay iba yun kaya ganun ang kanyang iniisip.
Bumalik na sila sa loob ng kotse at bago pa siya pumasok ay liningon niya ulit ang lugar kung saan nakita nito ang mga nagkalat na utak pero malinis naman ang lugar kaya napabuntong-hininga na lamang siya.
"Ano naitext niyo na ba kay Mhara ang tungkol dito?" Kunway tanong ni Mike na kasalukuyan na nagmamaneho.
"Ay di pa nga" sagot naman ni Greden.
"Wait, tatawagan ko na lang siya" dagdag pang sabi nito saka kinuha ang phone nito sa bulsa ng short nito saka nagdial.
In Mhara's Place....
Palabas na si Mhara sa conference room ng building ng kanyang daddy at plano niyang puntahan ito sa kayang office na nasa top floor ng gusali. Pasakay na siya ng elevator ng biglang nagring ang phone nito na nasa bag niya. Kinuha niya agad ito saka sinagot ang tawag.
"O Greg, napatawag ka?" Bungad niya.
"May problema ba?" Dagdag pa niyang tanong.
"Wala naman pero may kailangan malaman tungkol sa natuklasan namin" sagot naman sa kabilang linya.
"Tungkol saan? Tungkol ba sa pinuntahan ninyo?"
"Oo! Asan ka ba?"
"Nasa building company ako ni daddy" sagot niya.
"Matagal ka pa diyan?" Tanong ulit ng kausap nito.
"Di naman. Kausapin ko lang si dad saka aalis na ako at babalik na ako sa bahay" sagot naman niya.
"O sige mav-iingat ka. Bye" paalam ng kausap nito daka pinatay ang tawag nito. Sakto naman na bumukas ang elevator at nasa top floor na siya.
Dumiretso agad siya sa office ng kanyang dad pero wala doon ang kanyang daddy. Tatawagan na sana nito upang alamin kung nasaan ito pero bigla naman na napatawag si Greden ulit kaya sinagot niya ulit ito.
Napansin niyang may veranda pala ang office ng dad nito kaya minabuti niyang pumunta doon at kausapin ang kaibigan nito.
"O bat napatawag ka ulit?" Sagot niya sabay tingin niya sa baba. Napasinghap siya dahil ang taas pala ang kinaroroonan niya.
"Sis, umalis ka na diyan" biglang sagot ng kausap nito na parang nagpapanic.
"Hah? Denze ikaw ba to?" Takang tanong niya kasi naguluhan siya sa sinai nito.
"Ako nga. Basta umalis ka diyan kung nasaan ka man" nagpapanic pa rin niyang sagot.
Magsasalita pa sana siya ng may mapansin niyang anino sa loob ng office kaya naisipan niyang bumalik sa lob pero nakalock na ang pinto.
Pinagpag niya ang glass door pero wala siyang nakikitang tao sa lob at nagtataka tuloy siya kung paano naglock yung door.
"Sis, andyan ka pa ba?" Rinig niyang tanong ni Denze.
"Oo pero nalock ako dito sa veranda ng office ni dad" sabi niya sa natatakot na boses kasi kanina pa siya nagknoknock pero parang walang tao sa loob.
"Okay, huminahon ka. Diyan ka lang at pupunta kami diyan. Tutulungan ka namin" sabi naman ng kausap nito saka nag-end ng tawag.
Siya naman ay napasandal sa glass door at umaasang bumalik na ang dad nito para pagbuksan siya.
Nagulantang siya bigla at napatayo ng may narinig siyang nabasag sa loob. Pagsilip niya ay nabigla siya sa nakita nito kaya napaatras siya at sakto naman na napasandal ang kanyang likod sa barikada ng veranda at na-out balance siya na dahilan na mahulog ito.
"Ahhhhhhh" sigaw na lamang niya at nakita pa nito ang nakangising imahe ng tao na may itim na talukbong na nakahawak ng kahoy na kumpay sa taas ng veranda. Ito rin kasi ang nakita niya sa loob ng opisina kanina.
>>>>>>>>>>>
R.I.P Mhara....Three more to go...tatlo na lamang silang natira...sino kaya ang susunod na mamamatay?
Kaya ba nilang pigilan ang sumpa sa kanila?
Abangan ang mga susunod na mangyayari....
Salamat! Vote and Comment na rin.
BINABASA MO ANG
Persepsyon
Mystery / ThrillerPaano kung may kakayahan kang makita ang kasalukuyan? Ano ang gagawin mo? Anim silang magbabarkada pero unti-unti silang namamatay sa di malaman na kadahilanan. Sa kanilang barkada, may isa sa kanila ang kakayahan na makita ang paraan ng pagkamatay...