Nabulabog ang tulog ni Mhara nang tumunog ang phone nito malapit sa unan. Pagod siya na galing sa libingan kaya agad siyang humiga at natulog kahit di pa siya nakapagpalit ng damit.
Madilim na ang kwarto niya at alam na nitong gabi na at halos tatlong oras na siyang nakatulog.
Kinuha niya ang phone nito at walang ganang pinindot ang answer button.
'' Hello!'' Bungad niya.
'' Fren'' sagot naman ng boses babae. Naunigan niyang si Denze ito at parang napansin niyang paos at sumisinghot ito kaya agad siyang nakadama ng kaba.
''Bakit best, may nangyari bang di maganda?'' Natatarangtang tanong nito.
Narinig niyang bumuntong hininga muna ang kausap at suminghot singhot pa ito bago sinagot ang tanong nito.
''Fren, wala na si Santa''
Para siyang nabuhusan ng tubig ng marinig ang sinabi ng kausap at di agad siya nakapagsalita at namalayan na lamang nitong nahulog ang phone nito na hawak niya na nakatapat sa tainga nito.
Narinig pa niya ang boses ng kausap nito pero di nito sinasagot hanggang binabaan siya. Naiisip niyang hindi totoo ang sinasabi ng kaibigan nitn pero isa lang ang makapagpatunay kung totoo, ang makita mismo ang bangkay nito.
Nagsuklay lamang siya nang kanyang buhok at lumabas ng kanilang bahay at pinuntahan ang bahay nina Santa.
Pagkababa niya sa tapat ng gate ng bahay nina Santa ay nakita na niya ang mga sasakyan ng mga pulis. Papasok na ito nang makasalubong niya ang stroley na may katawan ng tao na natatakpan ng puting tela. Agad siyang nakaramdam ng panlalamig nung idaan nila ang bankay sa katawan nito.
Nakatayo lamang siya dun na parang nanigas hanggang may humawak na kamay sa balikat nito nd nagpagulat sa kanya.
''Para kang nakakita ng multo ah'' komento ni Greden sa kanya na kasama nito si Denze. Tumabi na rin sila sa kinatatayuan niya sa harap ng gate habang tinitignan ang katawan ng kanilang kaibigan na namatay na ipinapasok sa ambulansya.
Sumunod sila sa ambulansya na papuntang hospital para ipa-autopsy ang bangkay.
Nang makarating sila ay naghintay na lamang sila sa labas ng room kung saan isasagawa ang autopsy. Nakaupo sila at tahimik na umiiyak na siya naman ang pagdating ni Mike na hingal na hingal.
''Guys, ano bang nangyari?'' Bungad ni Mike sa kanila.
''Di pa namin alam kasi hinihintay pa namin ang resulta ng autopsy niya'' sagot ni Mhara.
''nakita na lang namin siyang lumulutang sa pool'' wika naman ni Greden.
''kung gayon, kayo ang unang nakakita sa bangkay?'' tanong ni Mike.
Tumango naman sina Greden at Denze.
Nakiupo na rin si Mike at di na umimik pa. Nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat hanggang magsalita si Denze.
''Guys, may sasabihin ako''
Napatingin naman sa kanya ang kasamahan nito.
''Nagpakita sa akin ang isang pangitain kung paano mamatay si Santa'' deretsong pahayag ni Denze. Napansin niya ang pagkalito ng mga kaibigan.
''Hindi lang ito nangyari na may pangitain sa akin na may mamamatay dahil kung alalahanin niyo sinabi ko rin sa inyo na nakita ko ang pangitain kung paano mamamatay si Cj'' dagdag pa niya.
Biglang napaisip ang mga kasamahan nito at di agad nakaimik hanggang naunang nagkomento si Mike.
''Di kaya nagkataon ulit'' wika ng lalake.
''Oo nga'' sang-ayon naman ni Mhara.
Napaisip siya ng malalim bago nagpaliwanag siya.
''Hindi ito nagkataon at hindi ito kasinungalingan kasi kung tutuusin ay nangyayari ang mga pangitain ko at alam yan ni Greden'' asik niya.
''Kung totoo yan, paano nangyari?'' Nagtatakang tanong ni Mhara.
''nagsimula ito nung muntik tayong sasama sa field trip. Di ba bigla tayong bumaba kasi sinabi ko sa inyo na may mangyayaring aksidente base sa pangitain na nakita ko at yun nangyari nga'' sagot nito.
''nung una di ko pinaniwaalan kasi baka nagkataon lang pero nung nakita ko ang pangitain ng pagkamatay nina Cj at Santa ay dun na ako naniwala na nagkakatotoo ang mga pangitain na nakikita ko'' dagdag niyang paliwanag.
''kung ganun nakikita mo kung paano namamatay ang isang tao at kung sino ang mamamatay?'' tanong ni Mhara.
''di ko alam'' naguguluhan niyang sagot.
''ano ba yan, di ko alam kung ano ang iisipin ko sa mga sinabi mo. Naguguluhan ako'' sabi ni Mike saka nagkamot ng ulo.
''may makakasagot sa mga katanungan natin tungkol sa mga paliwanag ni Denze'' sabi naman ni Greden.Lahat sila ay napatingin sa kanya. Mga matang nakatitig sa kanya na nagtatanong sa sinabi nito.
''sino?'' Sabay nilang tanong.
Huminga muna siya ng malalim.
''kung naniniwala kayo ay magpatingin tayo sa isang albularyo'' sagot nito.
Nagkatingin sina Mhara at Mike sa sinabi nito pero titig na titig sa kanya si Denze sa mungkahi nito at napatangotango pa.
>>>>>>>>>>>>>>>>
Yey! alam kung marami ang nabitin...Tanong: Tama kaya ang mga paliwanag ni Denze?
Do comment naman sabay vote...
abangan ang mga susunod na mangyayari!
Denz47
BINABASA MO ANG
Persepsyon
Mystery / ThrillerPaano kung may kakayahan kang makita ang kasalukuyan? Ano ang gagawin mo? Anim silang magbabarkada pero unti-unti silang namamatay sa di malaman na kadahilanan. Sa kanilang barkada, may isa sa kanila ang kakayahan na makita ang paraan ng pagkamatay...