Ikawalong Persepsyon

49 0 0
                                    

"Hindi ako makasama sa inyo" wika ni Mhara sa kanyang mga kaibigan na pupunta sa isang albularyo na kakilala ni Greden.

"Bakit?" Tanong ni Denze.

"Isasama kasi ako ni Daddy mamaya sa office niya" sagot nito.

"Oh sige basta ipaalam na lang namin sayo kung ano ang resulta ng pupuntahan namin" wika naman ni Denze.

Napatango na lang si Mhara.

Kahit gusto niya kasing sumama ay ayaw siyang payagan ng kayang dad at pinagalitan pa nga siya na nababaliw na silang magkakaibigan sa mga pinaggagawa nila kung ganun. Sabi ng kanyang dad na mas mainam daw na sasama na lang siya sa opisina nito para magkaroon ng knowledge in running a business if in case na siya na ang papalit sa pwesto nito. Kaya ngayon, samahan na niya ang kanyang daddy dahil iba ito pag siya ang magtampo.

Sa kabilang dako...

"Ilang oras ba ang byahe papunta sa probinsya ng lola mo Gred?" Tanong ni Mike.

"Tatlong oras brad" sagot naman ni Greden.

"okay! Tara na baka abutan pa tayo ng dilim kung tatagal pa tayo dito" singit naman ni Denze.

sumakay na ang tatlong magkakaibigan sa kotse ni Mike. May sarili na itong sasakyan at mas minabuti pa dun sila sasakay para mas madali ang kanilang byahe.

Matapos ang tatlong oras na byahe ay nakarating na ang magkakaibigan sa kanilang pupuntahan. Dumeretso sila sa bahay ng lola ni Greden para magpatulong sa isang kakilalang albularyo doon. Agad naman na sinabi ng lola ni Greden kung saan ang bahay ng albularyo.

"Tao po!" Sabay na wika ng mga magkakaibigan sa tapat ng bahay ng albularyo. May kalumaan ang istilo ng bahay na gawa sa kawayan at dahon ng anahaw.

"Anong kailangan niyo?" Biglang tanong ng isang matabang babae na lumapit sa kanila.

Napatingin naman sila sa babae.

"Ito po ba ang bahay ni Apong Iska?" Magalang na tanong ni Greden.

"Ito nga at anong kailangan niyo kay lola?" Sabi naman ng babae.

"Magpapatulong sana kami" sagot naman ni Denze.

"Sige pumasok kayo sa loob" yaya ng babae.

Sumunod naman sila. Pagkapasok pa lang nila sa loob ay tumambad sa kanila ang isang matandang babae na nakaupo sa isang silya na gawa sa kawayan. Sa harap nito ay may lamesa na gawa rin sa kawayan. Sa ibabaw ng lamesa ay may palanggana, kandila at itlog.

"Halika kayo dito. Kanina ko pa kayo hinihintay" sabi ng matanda.

Nagkatinginan naman silang tatlo saka lumapit sa harapan ng matanda at umupo dun.

"Alam ko ang sadya niyo dito. May kakaiba kang nararamdaman" sabi ng matanda sabay turo kay Denze.

Nagulat nama siya sa sinabi ng albularyo.

"Anong ibig niyong sabihin apong?" Tanong ni Greden.

Hindi agad umimik ang matanda. Kinuha niya ang kandila saka ipinatak sa palanggana na may tubig. Nang matapos niyang gawin niyon ay agad tumingin sa kanila saka napailing pa na parang natatakot.

"May kakaiba kang kapangyarihan babae" sabi niya.

Naguluhan naman silang tatlo sa sinabi ng albularyo.

"Nakikita mo ang pangitain kung paano mamamatay ang isang tao" dagdag pang wika ng albularyo.

Hindi agad nakapagsalita ang magkakaibigan.

"Paano niyo nalaman?" Nagtatakang tanong ni Denze.

"Isa akong albularyo at hindi lamang yan..manghuhula rin ako"  sagot ng matanda.

Tumango tango na lang si Denze.

"Kung ganun po, ano pong ibig sabihin yun na may kapangyarihan ako na ganun?" Tanong pa rin ni Denze.

Hindi agad sinagit ng matada ang tanong nito bagkus ay kinuha ang itlog saka binasag ito sa tapat ng palanggana. Tinignan na lamang nila ang nangyari sa pula ng itlog. Naging itim ang kulay nito pagtapat sa tubig. Hindi na lang sila umumik sa nakita nila. Hinintay nilang ipaliwanag ang ibig sabihin nun.

"Ikaw ang naitakda. Nasa kamay mo kung paano iligtas ang mga taong mamatay. Nasa iyong kamay ang kaplaran ng buhay nila" sabot ng matanda.

"Ano po?" naguguluhan na tanong ni Mike.

"Nasa kamay ng iyong kaibigan kung paano niya pigilan ang kamatayan ng bawat isa sa inyo" sagot ng albularyo.

Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan.

"Pero paano po na mapigilan ang kamatayan eh walang makakaligtas dun kung oras na niya?" Tanong naman  ni Denze.

"Tama ka. Hindi natin mapipigilan ang kamatayan dahil lahat tayo ay hahantong don pero sa kapalaran niyo ay hindi pa ito ang mga panahon na nakatakda kayong mamatay" sagot naman ng matanda.

"huh?" Sabay nilang reaksyon sa sinabi ng matanda.

"Ang nangyayari sa inyong magkakaibigan ay hindi nagkataon na mamamatay kayo isa-isa kundi kayo ay naisumpa" sagot ng matanda.

"Ikaw babae, kaya ka nabigyan ng kapangyarihan na makita ang pangitain ng kamatayan ng iyong kaibigan ay dahil nasakamay mo kung paano mo pigilan ang kamatayan nila" dagdag pang sabi ng matanda.

"Pero paano?" Tanong ni Greden.

"kailangan niyang bigyan ng babala ang taong nagpakita sa kanyang pangitan bago pa ito mangyari at kung mangyari man yun na pigilan niyo ang pangitain ay makontra niyo ito" sagot ng matanda.

"Paano ku g hindi niya magawa?" Tanong ni Mike.

"Mamamatay kayong lahat" direktang sagot ng matanda.

Hindi agad sila nakaimik.

"Sabi niyo kanina na sumpa ang sanhi nito pero paano nangyari niyon?" Tanong ni Denze.

Tumingin lang matanda sa kanya saka napabuntong-hininga.

"Gusto mo bang malaman kung pano nagsimula ang lahat?" Tanong ng matanda.

Hindi siya agad nakaimik. Hindi niya alam kung ano ang isasagot nito pero napatango na lang siya bilang pagsang-ayon.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Ano kaya ang matutuklasan ni Denze?

Abangan ang susunod na mangyayari...

Salamat sa mga readers ko rito.

PersepsyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon