Ikatlong Persepsyon

28 0 0
                                    

Pinaharurot agad ni Greden ang kanyang motor. Halos paliparin pa nga niya para makarating sila agad sa kanilang pupuntahan.

Todo kapit naman sa likuran niya si Denze na magkakahalo ang kanyang nararamdaman.

Malapit na sila sa lugar na kanilang pupuntahan nang malagpasan nila ang isang kanto na maraming tao. Parang nagkakagulo sila.

"Wait lang. Ihinto mo muna" sabi ni Denze.

"Bakit?" Nagtatakang tanong naman ni Greden.

"Basta" tugon naman ng kasama nito. Pakiramdam kasi ni Denze na parang may nagsasabi sa kanya nang tignan ang pinagkakaguluhan ng tao.

Maya-maya napatigil silang dalawa na nag-uusap ng umihip ng malakas at malamig na hangin. Nagkatinginan pa silang dalawa.

Kahit di sinasabi ni Denze na nanginig siya dahil sa pag-ihip ng hangin ay ramdam ito ni Greden dahil nakita niya na nagsitayuan ang bahalahibo nito.

"Tara tignan natin" biglang yaya ni Denze.

"Saan?" Taka naman na tanong ni Greden.

"Diyan sa pinagkakaguluhan ng tao" sagot ni Denze.

"Bakit anong gagawin natin diyan?" Dagdag na tanong nito.

"Kung ayaw mong sumama, hintayin mo na lang ako dito" sagot naman ni Denze sabay lakad.

Wala namang nagawa ni Greden kundi sumunod siya.

"Ale, ano bang nangyari diyan?" Tanong ni Denze sa isang matandang babae na nakasalubong.

"May nakita nilang patay. Karumal dumal nga ang pagkapatay niya" sagot naman ng babae saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nakipagsiksikan naman silang dalawa sa mga tao na nandun. Nakita nilang napaligiran na ng yellow tape ang crime scene kaya di sila makalapit pero nakita nila ang nagkalat na dugo.

Maya-maya nakita nilang may binuhat ang mga pulis na katawan at inilagay sa stroller saka idinaan sa kanilang harapan.

Halos dh makagalaw silang dalawa dahil namukhaan nila agad ang biktima. Ang kanilang kaibigan na si Cj ang biktima.

Totoo nga ang sinabi ng matangdang babae sa kanila. Wala ang dalawa nitong mata, wakwak ang tiyan at kita na nakabuka ang bunganga nito pero wala ang dila.

Muntik nang mapaduwal si Denze sa nakita pero pinigilan niya. Nginig na nginig naman siya habang si Greden naman ay halos di makagalaw sa kanyang kinatatayuan.

"D, okey ka lang?" Tanong niya kay Denze.

Tumingin lang si Denze sa kanya na may luha sa kanyang mata at kitang kita na nanginginig ito. Yinakap na lamang niya ang kaibigan upang pakalmahin.

"Tara sundan natin ang ambulansya" yaya niya sa kaibigan. Di na lang umimik si Denze at sumunod na lang siya kay Greden.

Pagkarating nila sa Morge ay dali dali nilang pinuntahan ang bangkay ni Cj.

"Anong ginagawa niyo dito?" Biglang tanmg ng isang pulis sa kanilang likuran. Napalingon naman silang dalawa.

"Gusto lang naman po tignan yun patay na kapapasok lang dito" sagot naman ni Greden.

"Di pwede muna ngayon kailangan kasi na ma-autopsy muna" sabi ng pulis.

"Sige po" sagot naman ni Greden saka nilisan ang lugar na iyon.

Pabalik na sila sa kanilang subdibisyon pero walang imik pa rin ni Denze. Di pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa kanyang kaibigan.

Biglang inihinto naman ni Greden ang motor sa isang mini-store sa subdivibisyon nila.

"Tara, kain muna tayo" yaya niya sa kasama nito na kanina pa di nagsasalita. Ramdam kasi niya na pinipigilan niya lang emosyon nito.

Agad silang pumasok at bumili naman ng mga junkfoods si Greden at softdrinks at dumiretso sa table na kinauupuan ni Denze.

"D, kain na na" pinapasigla niya ang kanyang boses dahil ayaw niyang dagdagan ang nararamdaman ng kaibigan.

Aaminin niya na pati siya ay naapektuhan sa biglaang pagkamatay ng kanilang kaibigan pero kailangan niyang magpakatatag dahil alam niyang kapalaran na siguro ng kanilang kaibigan yun.

"uy, okey ka lang?" Sita niya ulit sa kaibigan. Tumingin naman sa kanya si Denze at bigla na lang itong humikbi.

"D, alam ko masakit yun nangyari kay cj pero kailangan natin tanggapin yun" pagpapatahan ni Greden saka tinapik tapik ang balikat ng kasama.

"Alam mo kasi, di ko maipaliwanag ang nangyayari sa akin" sagot ni Denze na patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka naman na tanong ni Greden.

"Kanina bago kita tawagan may nakita ako. Di ko alam kung totoo o guni-guni lang yun pero kitang kita ko sa aking isipan" sagot naman ni Denze. Nakatingin naman ng deretso si Greden sa kanya at pinapakinggan lahat ng sinasabi nito.

Kaya isinalaysay lahat ni Denze ang mga naalala niya bago nila nakita ang pangyayari. Naguguluhan man si Greden ay pilit inuunawa ang sinasabi ng kaibigan.

"Baka nagkataon lang" yun lang ang sinabi niya.

"Yun nga ang iniisip ko pero parang sinasabi ng isip ko na hindi" depensa naman ni Denze.

"Okay! Wag mo naman isipan yan. Ubusin na lang natin ang mga pinamili ko at uuwi na lang tayo. Mas lalo ka pang ma-stress kung iisipin mo pa yan" sabi ni Gredem.

"Baka masira pa ang ganda mo" dagdag niyang sabi sabay ngiti sa kaharap pero wala pa ring expression ang maipinta sa mukha.

#######
Ayan...updated na...

Do comment and vote naman...

Thank you...

PersepsyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon