"The way just one word from you can make me feel amazing...or like crap."
Forget About Me
Cashlyn here, may boyfriend ako.
Si Barry.
Malapit na kaming mag-one year.
Ang saya saya nga eh.. Or not?
"Cashlyn!" Tawag sakin ng best friend ko. Si Mona. Nandito kasi kami sa mall at kadadating lang niya.
"At bakit late ka?" 10 minutes din siguro akong naghintay.
"Eh sorry na. Hahaha. Akala ko kasi late kang dadating eh."
"At sa tingin mo, bakit ako magpapalate ngayon?" Ugali ko na kasi yung nagpapalate. Bakit? Trip ko lang. Para pagtripan tong best friend ko.
"Ay, oo nga pala. Ba't ka naman magpapalate eh para sayo kung bakit andito tayo ngayon sa mall."
"Tara na nga."
Bakit hindi ako nagpalate ngayon? Kasi... Bibili kami ng regalo para kay Barry. 1 year na kami bukas eh! Ang galing nga eh. Ang tagal na pala namin. Mygasshhh~ Di ako makapaniwala. Siya kaya, anong regalo niya sakin?
"Ano bang bibilin mo?" Ano nga ba?
"Ano ba magandang regalo pag anniversary?"
"Aba malay ko. Wala akong alam jan." Kahit kelan talaga bitter to. Kakabreak lang kasi nila eh. So, hindi na lang ako nagsalita at naghanap na lang kami. Ano nga ba kasi nireregalo sa lalaki pag anniversary? First boyfriend ko kasi siya eh.
Ano ba mga favorites niya? Mahilig siya sa volleyball. Favorite sport niya yun eh. Vanilla favorite flavor niya. Black naman sa colors. Ano nga kaya ireregalo ko sa kanya?
Naglakad lakad lang kami ni Mona. Patingin tingin dyan. Magtuturo siya kung pwede daw ba yon tas sasabihin ko naman hindi. Kailangan kasi special eh!
"Pinagttripan mo ba ko ha?! Kanina pa ako turo ng turo dito tas wala ka namang magustuhan! Ano ba ha!!?" Kaikili talaga ng pasensya oh. "Nagugutom na ako ah! Hmpf."
"Hahahaha. Hindi kita pinattripan. Eh wala kasi talaga eh. Sige na nga, kumain na muna tayo. Baka mamaya magwala ka pa eh."
"Heh! Hindi ako natutuwa ah? Gutom na ako." Pinakamalapit na fast food dito sa kinatatayuan namin eh Greenwich kaya dun na lang kami. Tinatamad na daw siyang maglakad eh, gutom much na kasi.
"Ano ba talagang balak mo ha?" Ang dami pa ng laman ng bibig niya pero todo salita siya.
"Nguyain mo nga muna yan. Manners, please?" Sabi ko saka ako humigop ng softdrinks.
"Alam mo namang wala ako nun, diba?" Sinabi ko na kasing wala diba? "Pero, ano nang gagawin mo? May naisip ka na ba?"
"Oo. Cliche na pero sana magustuhan niya. Galing naman sakin eh."
"Lantod neto. Kumain ka na nga lang." Ayan. Napagsabihan pa tuloy akong malantod.
After naming kumain, may sinabi siyang shop. Dun daw kasing magandang bumili ng mga ganun. Pumasok kami sa shop and, wow. Ang gaganda.
"Ano bang favorite color niya?" Ay, si Mona yung mamimili! Magaling siya pagdating sa ganito eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/4371032-288-k388632.jpg)
BINABASA MO ANG
If Happy Ever After Did Exist
KurzgeschichtenHappily ever after, does that exist? Only if happy ever after exist.. One-shot stories. :)