Fall

422 31 26
                                    

"Masisira na ba ang friendship namin dahil inamin ko na ang tunay kong nararamdaman?"

Fall

Ako si Alden.

In love ako sa best friend ko.

"Best!" Patakbong punta sakin ni Eira. "Nakipagbreak sakin si Patrick. Ano bang mali sakin? Minahal ko naman siya diba? Kulang ba yung pagmamahal na binigay ko?" Hinagod ko lang yung likod niya. 2nd heartbreak niya. Kung ako na lang sana kasi eh.

"Best, okay ka na? Kwento mo na sakin. Upakan ko na ba?"

"Wag na! Di mo siya kaya noh.."

"Anong tingin mo sakin ha?" Paghahamon ko sa kanya.

"Wala. Haha." Fake laugh. "Saka, ayoko siyang masaktan." That hit me. Siya, ayos lang masaktan pero pag yung Patrick na yun hindi?

"Hahaha." Fake laugh na lang din. "Ano ba kasing nangyari? Ba't siya nakipagbreak?"

"Third party. Other woman. Third wheel. At!" Gulat naman ako. "Pinagsalitaan pa ako nung girl na yun na di ko alam ung name! Ang sabi niya, ehem ehem." Best actress tong best friend ko. Magaling na ngang gumaya ng mga napapanuod niya, kayang kaya pang magfake smile. Pero hindi niya ko maloloko pagdating don. 3 years na kaming magbest friend eh. "You can call me a slut, a bitch, other woman but I will never be a pathetic bowwring girlfriend. Omg diba? Kakainis talaga yung girl na yon! Feeling naman niya. Hamak ganda ko kaya sa kanya. Hmp. Hahahaha."

"Ewan ko sayo. Alam ko pagod ka, magpahinga ka na." Sa isang bahay lang kami ngayon. Vacation kumbaga.

"Ayaw mo lang atang makinig eh?" Kunwari energetic pa din siya. "Sabihin mo kung ayaw mong makinig. Okay lang naman sakin eh."

"Hindi sa ganun. Kilala kita, Eira. Sige na. Ipahinga mo na yang puso mo." Hinatid ko siya sa kwarto niya. Pagkapatay ko ng ilaw, sabay pagtulo ng luha niya. Kitang kita ko yun. Di ba kasi pwedeng ako na lang? Hindi kita sasaktan, Eira.

Lagi naman siyang ganyan pag nasasaktan siya. Magkwekwento siya sakin pero di niya ipapakita yung luha niya. Pag matutulog na saka lang yun lalabas. Hindi ko nga alam kung pano niya napipigilan eh.

--

The name's Eira.

Binreak ako ng boyfriend ko.

Sa pangalawang pagkakataon, nakaramdam ako ng sakit.

Buti na lang andyan ang best friend ko.

Salamat Alden. Mahal na mahal talaga kita.

--

"Good morning Best!" Kagagaling lang niya sa heartbreak kaya kahit na duty niya yung pagluluto eh ako na. "Ba't ikaw nagluto? May natutunan pa naman akong bagong recipe eh."

"Alam ko namang maga pa yang mata mo kaya ako na." Hinanda ko na yung plato. Siya naman nakaupo lang.

"Anong maga? Tingin mo sakin, iiyakan ko yun? Hindi ah! Nevah!"

"Wooh. Ewan ko sayo Best. Kain na nga lang tayo."

"Mukha ka talagang itlog. Itlog na naman? Dapat talaga ako na lang nagluto eh." Nanglait pa to.

If Happy Ever After Did ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon