"Some things are not going to be back the way it was before.
Some things are not meant to be."
Heart Attack
"Bebe?" Tanong ko dun sa babaeng nakatalikod sakin.
Humarap siya sakin at sinabing, "Oo, bakit?"
"Wala lang. Kasi, bebe yung tawag mo dun?" May kausap siya kasi kanina at nagulat ako sa pagtawag niya ng 'bebe' dun.
"Yes. Bakit, may problema ka ba dun? O sinasabi mong jeje ako?" Hala, mukhang mataray. Pero, hindi naman yun ang ibig kong sabihin.
"Hindi, ang cool nga eh! Hindi lang pala ako ang tumatawag ng bebe." Madami kasing nag-iisip na baduy daw yung bebe. Na ang jejemon daw. Katulad na lang dun sa palabas ni Sarah at John Lloyd. Nandidiri sila sa tawagan nila pero cute kaya ng bebe.
"Totoo? Wow! I'm Iri, by the way." Sabay abot ng kamay niya para makipagshake hands.
Inabot ko naman yung kamay niya. "Sierra. Friends?" Tanong ko.
"Bebe friends!" Natuwa naman ako sa tawag niya. Ang cute~
Dun nagsimula ang pagkakaibigan namin.
Ako nga pala si Sierra.
Hindi ako jejemon. Jejebuster ako. Pero, nacu-cute-an lang talaga ako sa bebe kaya mahilig tumawag ng ganun. Nakakatuwa lang kasi may nakilala akong kapareho kong tumatawag din ng bebe.
Naging mas close pa kami ni Iri. Masyado kaming natutuwa sa isa't isa eh. Marami na akong nalaman sa kanya at ganun din siya sakin. Minsan, nagkaaway kami nung best friend ko. Siya ang dahilan kung bakit nagkabati kami. Kaya sobrang pasasalamant kong andyan siya. Syempre, nabuo na ang pagtitiwala ko sa kanya. Sa tingin ko, ganun din naman siya sakin.
Ngayon, may boyfriend siya. Ipapakilala nga niya ako eh. Ako, wala. Wala akong natitipuhang lalaki sa ngayon.
Yun oh! Small world nga naman. Kilala ko pala yung boyfriend niya. Nameet ko na dati yun sa mall. Pinakilala ko ng friend ko sa kanya. Marami kaming nagmeet-up nun eh. Natandaan naman ako nung boyfriend niya. Jacob yung name. Natutuwa nga ako kay Jacob. Ang kulit niya lang kasi.
Isang araw, nagkakalabuan na silang dalawa. Ito kasing si Iri nagiging hindi understanding, oa at saka sobra na yung pagseselos niya. Selosa kasi siya talaga. Dumating na nga sa point na, sakin na sila humihingi ng advice. Ang gulo na kasi ng relationship nila eh. Syempre, tumutulong naman ako.
Hanggang sa nararamdaman ko ang nafefeel ni Jacob. Nahihirapan na talaga siya kay Iri. Ayun, dinamayan ko siya.
8 months na nila. Ganun pa rin sila. Ang complicated lang ng relationship nila. Madalas silang mag-away. Kung dati, lagi akong tumutulong, ngayon madalang na. Tingin na kasi sakin ni Iri, pakialamera. Nagkakaroon na nga rin ng gap ang pagiging bebe friends namin eh.
Hanggang sa sinukuan na siya ni Jacob. Kase si Iri, mura dito, mura doon. Ang hard lang niya. Yung tipong parang lahat ng pwedeng gawin para ipamukha kay Jacob na ang tanga tanga niya eh gagawin niya. Sakin naglabas ng sama ng loob si Jacob. Friends kami eh. Awang-awa ako kay Jacob na hindi ko maintindihan.
Months passed. I decided to be his rebound. Sandali lang to. Sobrang nagmamakaawa kasi siya sakin eh. Nung una, m.u. muna. Nalaman ni Iri at nagalit siya sakin. Given naman na yun. Inaway niya ako ng bonggang-bongga. Minura mura niya ako at sobrang damang-dama ko yun. Ang sakit lang. Dun ko narealize na, ahh. Alam ko na ang dahilan kung bakit ka iniwan ni Jacob. Iiwan ka talaga ng boyfriend mo kung ganyan ang ugali mo.'
Hindi ako lumaban sa kanya. Tinanggap ko lahat ng masasakit na salitang sinabi niya. Wala siyang narinig mula sakin. Hindi naman ako papayag na maging rebound kung di pa sila break eh. Tapos na sila, hindi ba niya magets yon?
Pinalabas niyang nanulot daw ako. Shota ng may shota, inagaw ko. Hoy, kung alam mo lang. Ex mo ang nagparebound. Hindi ako ang namilit sa kanya. Iba kasi talaga ang ugali ni Iri, parang Hot 'n Cold. She's making everything complicated, even a simple thing. Wala na nga sila, ipinagsisiksikan pa rin niya sarili niya.
After that, Iri said sorry to me. Galit lang naman daw siya nung mga panahon na yon kaya niya nasabi yun. Pinatawad ko siya. Tinanggap ko ang sorry niya.
Tapos, umamin sakin si Jacob. Gusto na daw niya ako. Anong ginawa ko? Umiwas ako. Pilit akong umiiwas. Ayoko kasi ng gulo. Alam ko naman sa sarili ko na ex to ng friend ko. Malay ko ba naman kaseng mahuhulog siya sakin. Kaya ang nangyari, si Jacob iniiwasan si Iri sakin pumupunta. Si Iri naman naghahabol kay Jacob. Pangit pakinggan yung term pero sa tingin ko yun ang tamang description. Tapos, ako? Hindi ko alam kung saan ako lulugar.
Then, Iri hates me again. Pakshet daw sabi niya. Nainis ako dun. Kinausap ko si Jacob at sinabi kong layuan na niya ako. Pinamukha ko talaga sa kanya hindi kami bagay dahil sila ni Iri ang bagay.
Huli na nang marealize kong mahal ko na pala si Jacob. Kaya pala ang sakit. Tapos inaaway ako ni Iri about kay Jacob pero second option lang naman ako. Ang galing lang. Nagmamahal ako pero pigil na pigil. Ang hirap kaya.
Nagpaubaya na muna ako. Hindi ko kasi magets si Jacob. I think it's time to move on. Move on na sa katangahang ginawa ko.
Kahit naman break na sila, di pa rin mababalik yung friendship. Nasira na eh. Mahirap ng ayusin muli. Yung mga normal na bagay? Nagiging awkward na. Kapal ng mukha niyang sabihan akong 'i love you' eh mahal pa naman niya si Iri. Mukha lang akong tanga. Ginawa lang akong second option.
Pinapatamaan pa ako ni Iri sa twitter. Patama dito, patama doon. Tapos si Jacob naman, argh! Hindi ko maintindihan! Pero, mahal ko pa rin si Jacob. Masyado akong nahulog sa kanya. Pinipigilan ko, limit lang. Masyado na ba akong nagpapakatanga? Wala eh, ganun talaga. Nagmahal lang.
Hindi ko naman sinulot o nilandi si Jacob eh. Kinomport lang sila. Masyado naman kasing selosa si Iri eh. Ang alam ko kase break na sila, yun pala di niya alam ang word na break, cool off lang pala. Hanggang ngayon tuloy, ganon kami.
Naiinggit ako kay Iri. Ang swerte niya kay Jacob pero ang malas ni Jacob sa kanya.
Ending, naging friends naman ulit kami. Kaya lang nung nalaman ni Iri na may connection pa kami ni Jacob, nagalit ulit siya. Pinablock ako sa twitter at facebook. Pinabura rin niya number namin sa isa't isa. Sinunod ko naman. Ayoko ng gulo eh.
Nananahimik ako pero todo parinig pa rin si Iri. Si Jacob? Come to think of it. Natiis niya ako. Naalala ko, second option nga lang pala ako. Pain reliever lang ang tingin niya sakin. Bakit ba kasi nahulog ako sa kanya? Hindi naman tama yun eh. Ang tanga tanga ko lang.
Ayun, naging sila ulit. Ako? Eto, tinatawag pa rin ni Iri na manunulot or slut in english.
Wala na ang frienship namin. Bebe friends is over.
Ako nga pala ulit si Sierra.
My story is about friendship and love.
Some things are just really connected, you know.
Some things are not going to be back the way it was before.
Some things are not meant to be.
And there are some things that you need to accept to have a better life. Even if it hurts.

BINABASA MO ANG
If Happy Ever After Did Exist
Short StoryHappily ever after, does that exist? Only if happy ever after exist.. One-shot stories. :)