Gone Too Soon

150 13 4
                                    

"Mahal kita. Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita."

Gone Too Soon 

May 8, 2008

"I'm sorry. He's dead." Nabato ako sa sinabi ng doktor.

Hindi.

Hindi pwedeng mangyari to. Hindi pwedeng mamatay si Papa. Tumingin ako sa lalaking dahilan ng lahat ng ito. Humihingi siya ng tawad kay Mama.

Ayoko. Ayokong ilabas ang mga luha ko. Nilapitan ko ang sinasabi nilang tito ko. Second cousin lang naman siya ng Papa ko. Hindi ko siya kadugo. Ayoko sa kanya. Siya ang dahilan kung bakit muntikan ng masira ang pamilya ko. Tapos ngayon siya ang dahilan kung bakit wala na si Papa.

Siya ang laging nagsasama kay Papa sa inuman. Sa beerhouse. Kung gusto niyang maglasing, bakit kailangan niyang isama ang Papa ko? Ngayon, siya yung nabuhay. Yung Papa ko ang nawala.

Lumapit ako sa kanya. Tiningnan niya ako at nagsorry. "Masaya ka na? Siguro naman ngayon wala ng dahilan para pumunta ka pa sa bahay. Makakaalis ka na po." Sinubukan niya akong hawakan pero tinabig ko ang kamay niya at nagtatakbo ako palayo.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa rooftop ng ospital. Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Fresh na fresh. Fresh na fresh din yung sugat sa puso ko.

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Bata pa ako. Bakit iniwan niya ako agad? Bakit umalis siya kaagad? Hindi namin kaya ni Mama kung wala siya.

"Pa, bakit? Bakit ka umalis agad? Hindi ka man lang nagpaalam." Napaupo na ako sa kakaiyak. Hikbi ako ng hikbi. Hindi ko kaya. For pete's sake! Sampung taong gulang palang ako.

"Hindi naman niya alam na aalis siya agad eh." Napatigil ako sa pag-iyak at napatingin sa nagsalita. Isang batang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang din ang palapit sakin. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo. Naka hospital gown siya at dala dala niya yung parang oxygen na nakakonekta sa pulso niya.

"Ha?" Yun lang ang nasabi ko.

Tinabihan niya ako. Nakatingin siya sa mga ulap. "Hindi niya alam na aalis siya. Kung alam niya lang, magpapaalam yun sayo." Binigyan niya ako ng ngiti pero hindi yun tumalab sa akin. "Sa tingin mo ba, gusto niyang umalis?" Napaisip ako sa tanong niya.

Nahihirapan na ba samin si Papa? Hindi naman niya ginusto to diba? Mahal na mahal niya kami. "Sigurado akong hindi. Nangako siya sakin na sasamahan niya ako sa altar pero hindi na mangyayari yun." At nagbreak down na naman ako. Naalala ko yung mga masasayang biruan namin ni Papa. Pag pinagtutulungan namin si Mama. Paano kaming uuwi ngayon sa bahay? Paano namin haharapin ang bukas?

Pinanuod lang niya ako habang umiiyak. "Ilabas mo lang yan." 

Hindi na rin ako nakatiis. Kinewnto ko sa kanya ang lahat. I shared my life with a stranger. Pero okay lang. Tutal, he's a stranger lang naman. Eto na ang una at huli naming pagkikita.

"Salamat, ha? Pinagaan mo ang loob ko."

"Ilang oras na tayong magkakuwentuhan pero hindi ko pa alam ang pangalan mo." Oo. Kung ano ano na ang nalaman namin sa isa't isa pero hindi pa namin alam ang pangalan ng isa't isa.

"We're stranger friends, right?" Yun ang sabi ko sa kanya. Kasi simula ng araw na yon. magkaibigan na kami. Pero hindi kami magkakilala kaya strangers kami sa isa't isa. "Kapag sinabi ko ang pangalan ko sa'yo or malaman ko ang pangalan mo, hindi na tayo magiging stranger friends." Sabay behlat ko sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong sabihin ang pangalan ko sa kanya, ang sakin lang kasi eto na ang una at huli naming pagkikita kaya no need to know each other's names.

If Happy Ever After Did ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon