Unang Kabanata

58 9 10
                                    

Eto na po. Sabi mo e :)

——————-

Eun's P.O.V

Gumising ako ng maaga upang maligo at kumain. Unang araw ko ngayon sa Carlos University at ito rin ang simula upang magseryoso ako sa pag-aaral dahil kung hindi ay hindi ko maisasakatuparan ang plano ko.

"Uwaaaaah! Ang daya daya twinnie! Kung hindi lang ako nalate nung entrance exam edi sana schoolmates tayo! Edi sana makikita ko ang future husband kong si Uwaaaaah!" Atungal kalabaw ni twinnie.

"Sadnu?" Pang-aasar ni Vi.

"Shsh. Don't you worry my dear twinnie. I'll take a video of Nura just hush alright?" Pag-aalo ko kay Twinnie.

"Ilan?" Tanong niya.

"Anong ilan? Punuin ko ng video at mukha niya yung phone ko? 32gb to maawa ka naman aba! Pano naman si Kyaaaah!"

"Puro kayo si uwaaah! Kyaaah! Kaaga-aga kalandian agad ang almusal?" Sabi ni Jewel. May PMS ata. Napahagikgik na lang kami ni twinnie.

"Morning guys!" sabi ni yul.

"Mag toothbrush ka man lang!" Biglang sulpot ni Jerrili sa likod namin. She's reffering to yul na ngayon ay nagmumumog.

"Naaah. Toothbrush toothbrush wag na! Dudumi din naman ang ngipin ko." sabi ni yul. We gave her a glare na siya namang balik sa lavatory upang magtoothbrush.

"Teka pansin ko lang ha? Bakit magkaparehas yata tayo ng uniform?" tanong ko kay Jerrili. E kasi naman parehas kami ng suot e!

"Goodmorning Eun! Labuyo!" Sabi ni Kari. Di ko napansin andito din pala siya.

"Slow. Jan ka na nga!" sabi ni Jerrili sakin at umalis na kasama si Kari. Shems! Ang gwapo ni Kari sa suot niyang uniform!

"Tissue oh." abot sakin ni yul ng tissue.

"Ehhh?"

"Tulo laway mo kay Kari e." sabi naman ni Vi.

"Mga loka jan na nga kayo. Una na ako." sabi ko sakanila.

"Twinnie! Uwaaaaah!" Si Twinnie nagmu-mukmok pa rin.

"Twinnie naman e! Dadalhin ko dito si Nura ng tumigil ka na kakangawa." sabi ko. Biglang nagning-ning ang mga mata ni Twinnie.

"Bye ate Eun! Take care and goodluck!" patakbong sabi ni Francour at pagkatapos ay hinalkan niya ako sa pisngi.

"How sweet of you. Thanks baby I will." sabi ko at pagkatapos ay kumaway na ako sakanila at lumabas na ako ng bahay.

Culinary Arts na lang ang kinuha ko since hindi ako magaling sa Math para maging accounting o di kaya'y sa kahit na anong subject para maging EDUC. Tanging pagluluto lamang ang alam ko.

Sampung bahay ang layo ng bahay namin sa University. Hindi ko pala nasabi, bukod sa kasama ko sa bahay ang dalawa kong kapatid ay kasama rin namin ang magkakambal na si Yul at Jewel, ang pinsan naming si Vi at ang kapatid nitong si Rein. Kwento ko sainyo nextime kung bakit andun sila.

"La la la la~" habang daan ay nagh-hum ako.

*BOOGSH!*

"Aray!" Napasigaw ako ng may taong bumangga sakin mula sa likuran. Kasalukuyan akong nakadapa at siya ay. *LUNOK* Please pigilan nyo ko at baka maging tuhod ang alak-alakan ko at tuhurin ko ang toot-toot ng kung sinuman tong nakadapa sakin.

"Tabi nga dyan!" Pagtataboy ko sakanya. Agang-aga binubwisit ako. Papa Carlos! Kung ikaw yung nakadapa sakin okay lang sana e- Ay ERASE ERASE! Bad Eun bad!

I will make you mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon