Ikatlong Kabanata

15 2 9
                                    

Abala ang mga kababaihan sa bahay nina Eun, naghahanda sila para sa gaganaping party mamaya sa bahay ng kaibigan nilang si Kari. Si Eun na kasalukuyang nagluluto ng agahan ay nag-iisip tungkol sa kanyang minamamahal. Sabi niya sa kanyang sarili 'Pag nakita ko mamaya si Carlos sa party, meant to be talaga kami!'. Umiling iling nalang siya.

"Malamang pupunta si Carlos dun, magkaibigan sila e." sabi niya sakanyang sarili. Iniisip niya ang nangyari kahapon, kung paano mag-usap ng mata sa mata sina Carlos at Kari.

"Goodmorning ate!" Masiglang bati sa kanya ng kaniyang pinsan na si Rein.

"What's for breakfast ate?" dagdag pa nito, ngunit dahil sa lutang ang isip ni Eun ay hindi niya ito napansin. Naisipan ni Rein na kumuha ng syanse at kaldero na agad naman niyang kinalamapag dahilan para magulat si Eun at magbalik sa realidad ang isip niya.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ni Eun sakanya.

"Di naman ate. Tinatanong lang kita kung anong agahan." sagot ni Rein.

"Ah. Ahhhh!" Napatili si Eun ng makitang nasusunog na ang niluluto niyang pagkain.

"Ayos! Ano yan Eun? Toasted hotdog? Pauso?" Sarkastikong sabi ni Vi sakaniya.

"Twinnie pansin ko lang ah. Kagabi ka pa ganyan, ano bang nangyayari sayo? Akina nga at ako na ang magluluto." Sabi sakaniya ni Lyn. Sumunod naman si Eun at agad na pumunta sa loob ng kaniyang kwarto, doon ay nagmuni-muni siya. Nag-isip-isip kung paano mapapasakanya si Carlos.

Mga kaganapan sa salas...

Si Jewel ay pinag-aaralan ang make-up na gagawin sa kanyang kakambal mamaya. Sina Vi, Rein at Francour naman ay naglalaro ng scribbles habang hinihintay maluto ang almusal.

"Aray ko naman Jewel! Dahan-dahanin mo naman ang paglalagay sakin ng blush on." wika ni Yul habang hinihimas ang pisngi.

"O.A much lang te? Blush on lang yan oy. Makareact kala mo naman kinakadkad ng steel wool yang pisngi mo. Tingin sa taas, lalagyan kita ng eyeliner." Sagot sakanya ni Jewel. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumunod sa kanyang kakambal. Bawas energy pa kung makikipagtalo siya dito.

"Ang daya mo Rein! Don't look at my letters! You're cheating!" wika ni Francour habang tinatakpan ang mga letters.

"Tumira ka na kasi! Ang tagal mo e." Sagot ni Rein.

"Pass na? Titira nako." wika ni Vi habang inaayos ang letters niya.

"Breakfast is ready!" sigaw ni Lyn. Kasalukuyan siyang naghahanda ng plates ng biglang mag-unahang umupo sina Francour. Napatawa na lamang siya sakanila.

"Kumain lang kayo dyan, doon nalang ako kakain kasabay ni Twinnie." wika ni Lyn sakanila at nag-nod naman sila. Kinuha na ni Lyn ang agahan nila ni Eun at nagtungo na siya sa kwarto ng kakambal.

"Twinnie! May kwento ko sayo tungkol samin ni Nura but let's eat first." Sabi ni Lyn, at nagsimula na silang kumain at ng matapos ay agad na nagkwento so Lyn.

"Wah?! Talaga?" Di makapaniwalang tanong ni Eun sa kanyang kakambal.

"Oo. Hush ka lang ha? Susunduin niya ko mamaya- Kyaaaaaah!" tili ni Lyn, halata ang kilig, tuwa at excitement sa kaniyang mga mata.

Fastforward...

"5:45 pm." Wika ni Jerrili habang nakatingin sa wall clock nina Eun. Nasa living room siya habang hinihintay niya ang kaniyang mga kaibigan. Unang lumabas sina Jewel at Yul, kasunod sina Vi, Rein at Francour. Tila ba sasabog sila sa kagandahan.

"Guys tara na!" Pag aaya ni Yul. Bakas sa mukha niya ang excitement.

"Antayin natin ang kambal. Mang-ha-hunt ka lang ng boys e." Ani Vi.

I will make you mineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon