Actually guys tong part na to ay kasama ng ikatlong kabanata. Hindi ko lang talaga nai-post kagabi dahil sa bagal ng net. Maikli lang po ito.
----------
Same day.
Yul's P.O.V
Andito na kami ngayon sa party nina Kari, alam kong masasaktan ng husto si Eun pero hindi ko sinabi. I feel guilty tuloy, alam naman talaga ng tropa kung bakit may party e.
"Hi Miss." bati sakin ng isang sige sabihin na nating gwapo. Gwapo siya pero mas gwapo yung mga pagkain sakaniya. Wala kong hilig sa mga lalaki kaya hindi ko nalang siya pinansin. Kumuha ko ng maraming pagkain, wapakels tomjums e.
"Kakain mo lahat yan?" tanong sakin nung gwapo.
"Obviously? Pwede kuya tulungan mo nalang akong magdala nito sa table namin? Ang bigat e." pagtatanong ko sakanya. Okay ang rude ko pero mas rude siya. Tingin niya sakin PG? Grabiti! Sumunod naman siya sakin at hinayaan ko na rin na tabihan niya ko since ang mga kasama ko e may mga kasama rin.
Si kambal ayun nag-i-instagram at baka daw mapansin ni Jungkook ang mga pictures niya kasi ni-follow siya, grabe yan e. Kala mo end of the world kung makareact nung finollow siya. Si Vi naman ayun ang daming nagpapapicture sakaniya at mukha kasing manika. Si Ericka naman, ang maki ni Eun e masayang kumakain kasama ang taong pinakamamahal niya. Si Francour at Rein kumakain lang din kasama ang mga kaibigan nila[mga pinsan nina Kari] . Sina ate arvie at ate yana naman ay masayang nagkukuwentuhan habang umiinom ng wine na kasalukuyang tinitingnan ni Kuya Tj. Si Jerrili kumakain lang ng cupcakes sa stall ng mga desserts. Si Lyn at Nura naman ay nagtititigan de nakain, ay speaking of them. Grabe ang entrance ng dalawang yan kanina.
+Flashback
"Andyan na siya."
"Kyaaaaah!"
"Oh my gosh! Sinech itey na kasama niyang girlalu?"
"Sana ako nalang yung girl!"
"Kyaaaah!"
Sari-saring expression ang maririnig mo sa mga babae sa paligid. Tila ba may artistang dumarating. Ibinaling ko ang tingin ko sa tinitingnan ng mga babae.Dahil sa gulat ay nalaglag ang apple na kakakagat ko pa lamang mula sa bibig ko.
"Oh.My." sabi ko sa sarili ko. Si Nura kasama ni Lyn?! Hindi siya nagloloko nung isang araw?!
-End of Flashback
Nahawi ang daan ng tumapat ang spotlight kay Ry. Ang babaeng pinakamamahal ni Carlos, alam na namin matagal na yun pero hindi lang namin masabi sabi kay Eun dahil sobrang mahal niya ito, nung una akala namin fleeting love lang ang nararamdaman niya pero hindi pala.
Vi's P.O.V
Grabe, halos malusaw na yung make up ko sa flash ng mga nagpapapicture sakin, mabuti na lamang at natigil ang lahat ng biglang magsalita na ang EMCEE. Hudyat ng proposal ni Carlos sa pinakamamahal niya. Nahagip ng mata ko ang kinaroroonan ni Eun, tuwang tuwa siyang nakangiti kay Carlos. Tila ba nasaktan ako sa itsura ng pinsan ko ng magsimula ng magsalita si Carlos, kitang kita mo ang sakit sa mga mata niyang lumuluha. Kung bakit ba kasi nainlove pa siya sa maling tao.
+Flashback
Tumatakbo kami ni Eun sa kadahilanang may humahabol saming tatlong kalalakihan, hindi naman ako duwag pero naduwag narin ako dahil umiiyak na si Eun. Sa katatakbo namin ay hindi na namin namalayan na may sasakyan pala sa harapan namin buti na lamang ay nakapreno agad ang nagmamaneho. Wala kaming choice kundi ang tumakbo dun sa sasakyan.
"Carlos?" gulat kong sabi nung bumaba siya sa auto niya, tumango lang siya sakin. Hinawakan niya si Eun sa braso at yumakap naman ito sakanya sa sobrang takot.
"Bo-boss?" E duwag pala tong mga humahabol samin e! Kanina kung makaasta kala mo kung sino tapos ngayon biglang tiklop. Lumayo si Carlos kay Eun at agad na pinatumba ang mga kalalakihan, hindi sila lumalaban kay Carlos siguro dahil narin si Carlos ay isang maimpluwensya at kilalang tao.
"Touch them or else I'm gonna make your lives a living hell!" sigaw niya sa mga ito at agad naman silang lumuhod.
-End of Flashback
Dahil sa kakisigan at pagiging matapang kung kaya't nahulog ang loob ni Eun sakaniya.
Ariana's P.O.V
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Eun. Ang pinagkaiba lang namin, yung taong gusto ko, gusto rin ako pero ayaw niya kong maging girlfriend. Ang gulo niya, sarap niyang batukan ng paulit- ulit hanggang sa matauhan siya.
"Ariana can we talk?" tanong sakin ni Tj ngunit inirapan ko lamang siya. Siya yung tinutukoy ko. Lumipat ako ng pwesto kung saan nakaupo si Ericka at ang boyfriend niya.
"Can I?" tanong ko sakanila.
"Oo naman ate yana! Ikaw pa!" sabi niya sakin. Kumain lang kami ng kumain, ang sweet nilang dalawa. Nagsusubuan, siguro kung nililigawan lang ako ni tj tapos naging kami na ganito rin kami kasaya, kaso ang duwag niya e. Nakakainis siya!
Rose's P.O.V
Sa wakas, engaged na ang bestfriend ko sa pinakamamahal niya. Kaso malungkot din ako para sa kaibigan kong si Eun, kahit di niya sabihin ay halata sa mga mukha niya na nasasaktan siya sa nangyayari, dagdagan pa ng mga luha niya. Bestfriend ko si Ry at alam ko ang lahat lahat sakaniya.
"Hi miss!" bati sakin ng isang gwapong lalaki.
"Hello!" Sabi ko sakaniya tapos ay ngumiti ako at nagkwentuhan na kami.
Lyn's P.O.V
Wala ako sa mood ngayon dahil narin siguro sa nararamdaman ni Eun. Malungkot ako pag malungkot siya, gusto kong damayan siya sa pag iyak. Gusto kong iparamdam na andito lang ako bilang kakambal niya pero mas kailangan niya si Kari ngayon.Pinahiran ni Nura ang mga luha sa mata ko, hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga iyon.
"Okay ka lang ba?" tanong niya sakin.
"Okay lang ako pero yung kakambal ko hindi." sabi ko sakaniya.
"Shsh." nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.Nagp-play ang sweet song at marami narin ang nagsasayaw. Mula sa aming pagkakaupo ay tumayo kami at sumabay sa saliw ng musika.
"Lyn."
"Hmm?" wika ko ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Wala-wala." sabi niya. Hindi ko na siya pinansin, nakayakap ako sakaniya habang pinapanuod uminom ang kakambal ko. Hindi naman siya sanay uminom pero dahil kay Carlos ay nagkakaganun siya. Tumulo nanaman ang luha ko at napahigpit nalang ang yakap ko kay Nura.
------------------
To be continued...
Yung ibang hindi ko nabigyan ng P.O.V sa susunod nalang po kayo. Ang sakit na ng ulo ko kasi. Babawi po ako!