Hi guys!
-----------
Eun's P.O.V
Ang bilis ng araw, akalain mo yun? Walang palyang maaga ang pagpasok ko. Ang mga professors sa University ayun wala ng ibang ginawa kundi maglecture, nagkakakalyo na nga daliri ko e. Hindi naman ako ganito dati nung highschool palang ako. Kung hindi lang dahil kay Carlos my love hindi ako magpapakahirap ng ganito sa pag-aaral e.
Friday ngayon kung kaya't wash day kami. Suot ko? Uhm jeans, fitted longsleeve and a flat shoes. Ano akala mo dress, stiletto? Yuck! Hindi mo ako mapagsusuot nyan, in your dreams.
"Twinnie! Andito na sila Kari" sigaw sakin ng kakambal ko. Ay hindi ko pala nasabi, araw- araw na nila akong dinadaanan dito para sabay-sabay kaming pumasok. Naikwento ko din sakanila yung nangyari samin ni Carlos nung unang araw ng school e.
"Oo eto bababa na!" sigaw ko pabalik.
"Ate Eun kumain kana?" nanlaki ang mga mata ko ng marinig kong magtagalog si Francour. Hinipo ko ang noo niya at nagwika:
"Are you sick?"
"Hey ate don't talk to me in english! I wanna speak tagalog fluently e." Sagot niya. Wow! Pati accent tagalog narin? Sa U.S kasi lumaki yang si Francour kaya ganyan.
"Sabi mo e." then I winked at her.
"Oy guys!" sigaw ko kina Kari at Jerrili.
"Yo!" sabi nilang dalawa.
"Twinnie may lakad ka? Diba may pasok ka?" tanong ko sakanya, nakabihis kasi siya ng civilian e. Sa pagkakaalam ko wala silang wash day.
"Makiki sit in ako. Kyaaaaah! Darating daw si Nura ngayon e. Kyaaaah!" Sigaw niya with matching yugyog. Ako mismong napasok sa University hindi ko alam tapos siya? Grabe talaga ang pagkahumaling niya kay Nura.
"Pwede ba yun?" tanong ko kina Jerrili at Kari but they just shrugged at me.
"Francour ikaw hindi ka pa ba papasok?" tanong ko sakanya.
"Mamaya ate pa ako papasok." sabi niya. Nakakapanibago talaga tong si Francour. Nagtatagalog kahit medyo nababalentong yung pagtatagalog niya.
"Here tissue." sabi ko.
"Para san?" tanong niya.
"Your nose bleeds e. Mamaya pa ako papasok ate is the right one." sabi ko.
"Kaloka ka ate!" nanlaki nanaman ang mata ko sa expression niya. Grabe ha?
"Twinnie tara na dali! Ohmygosh Nura! Wait for me Kya- mmmmm!mmmm!" Hindi na nakairit pa si twinnie paano kasi tinakpan ni Vi yung mouth niya. Natatawa nalang ako sakanya e.
"Pasok ka na rin?" tanong ko tapos nag nod siya. Nagpaalam na kami kay Francour, tulog pa sina Rein, Jewel at Yul kaya hindi na kami nakapagpaalam sakanila.
Habang daan ay nag uusap-usap kami.
"Guys sasabihin niyo na ba sakin kung bakit dun kayo sa Carlos University pumasok?" tanong ko sakanila. Araw- araw ganito ang tinatanong ko pero araw- araw ganun rin ang sinasagot nila.
"Natural! San kami papasok? Sa palengke?" Pilosopo talaga yang dalawang yan.
"Nura!" sigaw ni Jerrili.
"Kyaaaah! Nasaan ? Nasaan?!" panic na tanong ni Twinnie. Hay nako, if I know niloloko lang siya ni Jerrili ganyan yan sakin e.
"Practice lang, hahaha- aray!." binatukan ni Twinnie si Jerrili. Loko kasi e.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa loob ng University.
"Huwoooow. Ang laki pala talaga ng Carlos University." nagnining ning ang mga mata ni Twinnie.