"Miss? Ok ka lang?" tanong niya sa kung sino man ang nasa loob. Nawala din naman agad ang hikbi. Naghintay siya ng ilang minuto pero wala na siyang ingay na narinig. Paalis na siya ngunit nawala ang ilaw!
Patay-sindi na naman ang ilaw, pero hindi iyon nag pahinto sa kanya para hindi makarating sa main door. Ginalaw-galaw niya ang door knob, pero ayaw mabukas ng pintuan. Tuluyan ng namatay ang ilaw ngunit hindi pa rin niya nabubuksan ang pinto! Natataranta na siya, everything screams danger! Lalo na noong bumalik ang mga hikbi!
Hinarap niya ang kadiliman wala siyang naaaninag na kahit ano. Hindi niya ata kakayanin kung ano man ang makita ng kanyang mga mata, lalo na noong lumakas ang mga hikbi at narinig niya ang pagbukas ng isang cubicle.
"Kung-- kung sino ka man. Hindi 'to nakakatuwa. Ayaw ko sa j-joke mo....kaya tumigil ka n-na." lakas loob niyang sigaw sa kawalan.
"Sinong nagsabing nagbibiro ako?" napalingon siya sa kaliwa! Doon ng galing ang boses na tila bumubulong sa tenga niya.
Naramdaman niya ang isang kamay na humawak sa kanyang buhok. Bago pa siya makatili ay lumipad siya sa ere at bumagsak sa sahig! "Ouch!" ramdam niya ang pagtulo ng isang likido mula sa ulo niya. Nahihilo na rin siya.
Bago pa siya makatayo ay nakaramdam siya ng malamig at matulis na bagay sa likod niya. "P-please...wag mong gawin 'to" pagmamakaawa niya.
Kasabay ng kanyang mga sigaw ay tawa ng nilalang sa likod niya!
Sigaw siya ng sigaw ng maramdaman ang unti-unting pagkapunit ng kanyang balat sa likod. Ramdam din niya ang pagagos ng dugo mula sa sugat.
Masyadong mahapdi ang sugat dahil malalim ito, dinagdagan pang gumagalaw ito sa isang ritmo na hindi niya mawari kung ano.
"T-tama na...p-plea-se..." banggit niya kahit sumusuka na siya ng dugo. Wala na nga siyang makita sa kadiliman, pero pakiramdam niya ay umiikot ang paligid.
Nakarinig siya ng halakhak kasabay nito ang pagbagsak ng patalim sa harap niya "Diba hindi ka naman nakinig? Bakit ako makikinig sayo?" bulong niya kay Aira.
Then realization hit her. Pero imposible, ilang taon na ang nakalipas!
Wala na siyang narinig na ingay sa paligid niya. Tapos na ba? Umalis na ba siya? Iniwan na ba siya? Makaktakas na ba siya? Bubukas na ba ang pinto? Maraming tanong ang kumawala sa isip niya, gustuhin man yang kumilos pero masyadong masakit ang buong katawan niya.
Kaylangan niyang makaalis kaya hindi niya ininda ang sakit ng sinubukan niyang tumayo pero..
"Ahhhh!! Sh!t!" binuhusan ng tubig ang likod niya. Pero duda niyang ordinaryong tubig lang ito, mas lalong humapdi ang sugat niya. She reached for what was above her.
Alam niyang sink iyon, nakapatong doon ang cellphone niya. Kaylangan niya itong makuha upang humingi ng tulong. Kinapa niya ng kinapa ang sink hanggang sa nahawakan niya ang isang bagay. Whatever it was it might help her.
Sh!t no! Sigaw ng kanyang utak pero huli na ang lahat. She felt something hit her on the head and instantly she was captured by the darkness.
Ngumiti lamang siya habang pinagmasdan ang nangyari. Duguan si Aria at katabi nito ang isang kutsilyo at isang basag na flower pot. The lights turned on but the person was no where to be seen.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
O-kay. xD comment/vote :*
x☆x☆
BINABASA MO ANG
Art Of Death
RandomHinihingal na ako sa kakatakbo, kung ano-anong bagay ang humahampas at naapakan ko pero sa ngayon mas mahalaga ang buhay ko kesa sa mga sugat na'to. Marami sila, iisa lang ako. Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno, hinahabol ang hininga at pi...