Prologue

232 5 0
                                    

"She is really a good friend. Sobrang bait, matalino, mapagkumbaba at maaasahan. Kung nasaan ka man ngayon sana'y maging masaya ka na."

Pagtatapos niya sa kanyang eulogy speech, 'tsaka bumalik sa kung saan man siya nakaupo kani-kanina lang. Tahimik ang buong memorial chapel, sa katahimikan nito maririnig mo ng klarong-klaro ang mga pagdadalamhati ng mga nakiluksa.

Isang babae na naman ang pumunta sa harap habang pinaglalaruan ng dalawang kamay ang kanyang basang panyo. Tumingin ang dalaga sa saradong kabaong, punong-puno ng emosyon ang mga mata at di katagalan ay namamasa-masa na naman ang nagmumugtong mga mata.

"El...I...I'm s-sorry..."

Pagsisimula niya; di pa rin inaalis ang paningin sa puting kabaong.

"H-hindi.... hindi mo 'yun ka-salanan ha. W-wala kang kasalanan. Wala kang g-ginawang masama."

Naiintindihan ng mga nakikinig ang ibig ipahiwatig ng dalaga, sapagkat nagkaroon sila ng konting alitan ilang araw ang nakakaraan bago nangyari ang nasabing aksidente. Ngunit 'yun ba talaga ang dahilan?

"Pa-patawarin mo... a-ako... Sorry. S-sorry. Sorry. S-sorry. Sorry. K-kasi wala...w-wala..."

Hindi magawang tapusin ng dalaga ang paghingi ng tawad, tuluyan na kasi siyang humagulgol. Wala siyang pakealam sa mga taong nanonood sa kanya. Ano bang alam nila sa nararamdam niya? May makakaintindi ba sa kanya?

Ang iyak nito ang nagingibabaw sa loob at iyon ang nadatnan ng isang babaeng makikiluksa. Pinanood niya kung paano ito umiyak sa harap ng mga tao. Kung paano sunod-sunod bumagsak ang mga luha nito. Kung paano niya hinawakan ng mahigpit ang lamesa upang manatiling nakatayo.

Naramdaman niyang may tumabi sa kanya, kahit hindi niya ito tignan alam na niya kung sino. Patuloy pa rin siyang nanonood; may isang lalakeng---di lalayo sa edad niya at ng babae---lumapit sa babeng nagsasalita at inalalayan itong bumalik sa upuan nito.

"Aren't you coming?"

Walang kaemo-emosyon siyang tumigin sa katabi niya kahit natatakpan naman ng itim na sunglasses ang mga mata nito. Kumawala siya ng isang malalim na buntong hininga. "You go first---" Kahit ano man ang problema nilang mag-ama dapat niya pa rin itong respetuhin. "-Pa."

Tumango na lamang ang kanyang ama atsaka pumasok magisa. Nasa mid-30's na ito at labis ang paghihinayang sa mga oras na nasayang. Hindi niya magawang amuhin ang anak. Asan ba si mommy? Bakit hindi niya kasama si papa? Tanong niya sa kanyang sarili. Napailing na lang siya mahirap pala talagang alisin ang bagay na nakasanayan mo na.

Pinatakbo niya pababa ang slider ng zipper hanggang sa bottom stop at hinubad ang itim na jacket nakasuot naman siya ng puting tee shirt. First time niya dito sa Pilipinas---the country possess its own beauty she's in awe, but she misses home. Her mommy was right, mainit ang klima dito, masyadong mainit kumpara sa kinalakihan at nakasanayan niya.

Funny. The main reason why they went here was to attend the burial, but she don't want to go inside.

Napalingon siya sa gawing kanan dahil sa mga hikbing umabot sa kanyang pandinig, kaagad umarko ang kilay niya. Babaeng nakaitim mula ulo hanggang paa, magisa at umiiyak.

Before her mind could process she is walking straight to the girl's direction and sat beside her. Hmm... pretty smart, ain't you? Makikita mo naman pala lahat ng nangyayari sa loob ng chapel mula sa kinaroroonan niya. Wise, you could weep all you want in this place without people noticing you THAT much. Pagpapatuloy niya sa pagpuri sa babae sa kanyang isip.

"You need it more than I do." Atsaka ibinigay ang isang puting panyo. Ngumiti naman ang dalaga at tinanggap ito. "T-thanks..."

"Bakit hindi ka pumasok?" Malumanay ngunit may bahid ng pagtataka ang boses niya. Tumingin ang babae sa loob mula sa bintana at pinagmasadan ang babaeng may edad na nasa harap at nagsasalita. "Nahihiya kasi ako sa kanya." Tumango na lamang siya.

"At nahihiya din ako kay El, anong klaseng kaibigan ba ako?"

Tanong nito pero tila mas tinatanong nito ang sarili. "Ano bang pangalan mo?" hindi niya mapigilan ang sarili, gusto niyang makilala ang babae.

Lumingon naman ang dalaga sa kanya tila pilit hinahagilap ang mga mata nitong natatakpan ng sunglasses. Ilang segundo din at sumuko ito, ngumiti ng pilit at nagsalita. "Ella."

Hindi siya sumagot sa halip ay tumayo at nagsimulang maglakad--- Knowing her is a bad idea; I'm not here to make "friends" along the way. ---Habang pinapagalitan niya ang sarili.

"T-teka! Ano bang pangalan mo?" pahabol na tanong ni Ella.

Should I tell her my name? Hmm.. guess not.

And she left.

□□□□□□□□□□□□

huehue :3 'kay comments and votes are appreciated. ♡

□□xoxo□□

Art Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon