Umalingawngaw ang tunog ng pagkabasag ng isang baso at kumalat ang tubig at ice na laman nito. Leanne cursed silently, why was she so clumsy? Namumula ang pisngi niya sa kahihiyan marami kasi ang lumingon sa direksyon niya, but Ella assured her that is okay. Babayaran ang dapat bayaran. Malapit na silang matapos sa kanilang kinakain ngunit walang Aria na bumalik.
"What's taking her so long?" Ella starts to fidget on her sit. Meron siyang pakiramdam na may masamang nangyari sa kaibigan pero imposible naman ito. Anong disgrasya ba ang maibibigay ng cr? At kung meron nga bang nangyari sa kaibigan will she care? If anything happened to her she deserves it. Bulong ng utak niya ng mayroon siyang naalala. As if on cue lumingon siya kay Misha.
Nagaalalang tinignan ni Misha ang kaibigan. Naramdam nito ang pagtitig sa kanya at binigyan siya nito ng isang tingin na matagal na niyang nakita sa kaibigan. Ano na naman kaya ang naalala ng dalaga upang tignan siya ng ganyan? Damn! Bakit pa ba niya tinatanong? Alam na alam niya ang dahilan.
Isang tili ang narinig ng lahat sa lugar na iyon dahilan upang magkagulo ang lahat. Maraming tao ang nagkumpulan malapit sa cr tila lahat may tinatanaw sa loob. Napatayo sila Zarah ng may sumigaw na tumawag ng pulis at ambulansya. Napatingin si Zarah sa mga kaibigan na tila napako sa kinatatayuan, pero nagsimula siyang maglakad ng makitang tumakbo si Ella, Misha at Leanne patungo sa cr.
Pilit niyang pinagsiksikan ang sarili, tinutulak niya kung sino man ang nasa harapan niya. Narinig niya ang sigaw ni Leanne at nakita niyang tumakbo si Ella patungo sa nobyo. What could possibly happened? Tanong ni Zarah sa sarili.
Muntikan na siyang mapaupo kung wala lang humawak sa baywang niya at tinayo siya. Napalingon siya sa nagmamayari ng braso---si Zayn. Nakatingin ito sa direksyon ni Aira, his jaw was clenched and his grip at her tightend. Punong-puno ng emosyon ang mga mata nito ngunit nangingibabaw ang galit at isang emosyong hindi niya mapangalanan. He looked at Aira's body like she deserved what happened to her. Wait, what?
She winced at the sight before her. Nakadapa si Aira pero nakatingin siya sa huling cubicle ng cr. Humalo ang dugo nito sa mga putik na nagkalat sa sahig, napapligiran din nito ang isang kutsilyo. May malaking sugat siya likod, nakaporma ito ng numerong tres. Kahit madaming dugo ang likod ng dalaga ay makikita mo pa rin ang numero. Zarah couldn't imagine the pain Aira felt. No, she doesn't deserve what happened to her. Imahenasyon niya lang kung ano man ang naisip niya tungkol kay Zayn.
"We better go back to our table." bulong ni Zayn sa kanya, tumango na lamang siya. Tila hindi niya mahanap ang kanyang boses. Nakahawak pa rin ang binata sa baywang niya at inaalalayan siya pabalik sa kanilang lamesa. The girls we're silently crying except for Shane. Nakatulala lang si Shane sa kanyang plato, her breathing was uneven. Walang nagsalita sa kanilang lahat nanatili silang nakaupo doon hanggang sa dumating ang ambulansya at ang mga pulis.
Ikaapat na araw na ng burol ni Aira ngayon naisipan na pumunta ng buong barkada. Ngayon pa kasi handa ang lahat para pumunta. Dagdagan pang tinanong sila ng mga pulis tungkol sa nangyari. Tinanaw nila si Aira sa loob ng kabaong pero hindi nagtagal si Zarah, she could not bear a sight like that. Pinili na lang niyang obserbahan ang mga kaibigan Ian's arm was wrapped around Ella's hips. Misha, Leanne and the boys simply look down.
Napatingin siya sa may pinto nandoon si Shane at si Peter na tila naguusap ng masinsinan. Tensonado ang tindig ni Peter habang nakakunot ang noo ng dalaga. Umiwas siya ng tingin baka makahalata ang dalawa. Tumabi naman si Misha sa kanya kasama si Leanne. Nagaya ang dalawang dalaga na umupo kaya umupo sila sa sofa malapit sa hagdan.
"Na-trauma ata si Ella sa nangyari. Worried na worried si Ian sa kanya." pagsisimula ni Zarah.
"Sa dugo, maniniwala pa ako." komento ni Misha.
"What do you mean?" tanong ni Zarah.
"Well, lets just say na hindi sila true friends." sagot naman ni Leanne.
Mas lalo lang naguluhan si Zarah sa pinagsasabi ng dalawa. Ang nakakapagtaka ay kahit sino sa kanila ay hindi na umiyak. Seryoso ang kanilang mga mukha ngunit ang tono ng kanilang boses ay walang bahid na awa o kalungkutan. Ang mga salitang lumalabas sa kanilang bibig ay tila may dalawang kahulugan. Tila karapatdapat kay Aira ang nangyari sa kanya. No, she is just thinking too much. Kaylangan na niyang itigil ito kung ano-ano na ang naiisip niya.
Tumayo siya at nagpaalam na pupunta sa kitchen. Pero napatigil siya ng marinig ang usapan ng isang pulis at ng mama ni Aira. She doesn't want to eavesdrop but curiosity got the best of her. Nagsimulang magsalita ang pulis ang tanging fingerprint na nakita sa kutsilyo at sa flowerpot ay kay-
kay-
kay Aira mismo! She gasp, how could that happen? Hindi magagawang sugatan ni Aira ang likod niya!
~~~~~~~~~~~~~~~~
Comment/vote :)x☆x☆

BINABASA MO ANG
Art Of Death
RandomHinihingal na ako sa kakatakbo, kung ano-anong bagay ang humahampas at naapakan ko pero sa ngayon mas mahalaga ang buhay ko kesa sa mga sugat na'to. Marami sila, iisa lang ako. Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno, hinahabol ang hininga at pi...