July 2014
"ELLA let's go! Male-late na naman tayo nito!" reklamo ni Leanne saka padabog na umupo sa tabi ni Misha, na ngumiti-ngiti habang pasulyap-sulyap sa kuya ni Ella. Bumulong ng pangeenganyo si Misha para sa kaibigang na nasa taas, na magtagal pa ng kaonte.
"Palibahasa nanjan ang crush niyang hinding-hindi siya mapapansin!" naiinis na sabi ni Leanne sabay irap. Sinuway siya ng dalaga at enenganyo siyang mag-instagram na lamang.
Limang minuto ang lumipas at bumaba na rin si Ella galing sa 2nd floor, kung na saan ang kwarto niya.
"Mabuti naman at natapos ka na rin. Late na tayo alam mo ba 'yon?" pagpapaalala ni Leanne kay Ella.
"Yeah yeah whatever. Kuya una na kami. Bye!" pagpapalam ni Ella sa kuya.
Sumakay sila sa itim na sasakyan na pagaari ng pamilya ni Ella at nagpahatid papunta sa kanilang eskwelahan.Pagpasok pa lang nila sa gate ay agad na silang pinagtitinginan. Kasali kasi silang tatlo sa grupo na sikat na magkakaibigan. Marami-rami ang myembro doon, at hindi sila lahat ay pareho ng seksyon.
"Tignan mo Leanne, hindi pa nga tayo late. Advance 10 minutes yang relo mo noh!" suway ni Misha at tumango naman si Ella.
"Una na kayo, restroom muna ako." pagbibigay alam ni Ella tsaka umalis, hindi man lang hinintay ang sagot ng dalawang kaibigan.
Tinulak niya ang main door ng cr at may nakitang bag na nakalagay sa gilid ng sink. Napansin niya din na sarado ang isang cubicle. Nagsusuklay siya ng buhok ng lumabas ang babaeng nasa cubicle.
"What the---" bulong ni Ella sa sarili habang tinitignan ang babae mula sa salamin. Napatigil din sa ere ang kanyang kamay at medyo nakaawang ang bibig. Ngumiti naman ang babae na tila na we-weirduhan kay Ella.
"Yes?" tanong ng babae at natauhan si Ella, agad naman niyang inayos ang sarili. Nahihiyang ngumiti si Ella sa babae. "Sorry, I thought you're someone I knew." Tumango lang ang babae at kinuha ang bag saka umalis. Napatitig na lang si Ella sa pintuang nilabasan ng babae.
Akala niya nakakita siya ng multo mula sa nakaraan. Pamilyar ang mukha ng babae. Pero nasisiguro niyang isa siyang bagong salta, para ding hindi Pilipina napa-ingles tuloy siya kanina.
PAGKAPASOK ni Shane sa loob ng classroom agad siyang lumapit sa kaibigang si Zayn matapos ilagay ang bag sa upuan niya. Masaya siyang nagkwekwento sa binata, ngunit di siya nito kinikibo. Nagpaalam siyang pupunta na sa upuan nito sa harap at tumango lamang ito.
"I see hindi ka na naman niya pinansin. How does it feel? Yung siya na mismo ang bumabalakid?" pangiinis ni Elaine at tumawa na tanging si Shane lang ang nakarinig.
Sikat si Elaine at ang mga kaibigan nito. Kilala din kasi ang grupo nila. Typical High School life mayroong kanya-kanyang circle of friends.
"Hayaan mo na 'yon Shane." bulong ni Gabe. Kaibigan at kabilang siya sa grupo ni Ella. Ngumiti ng pilit ang dalaga at umiwas ng tingin sa lalake. Kahit di naman niya sabihin, iyon naman talaga ang ginagawa niya. Lumapit naman si Gabe kay Zayn at umupo sa tabi nito.
"May transferee. Classmate natin." kaswal na sabi ni Gabe. "Nakita ko siyang palabas ng cr. Nagusap pa nga sila ni Ella, nandun din kasi siya sa cr eh." dagdag niya.
"Noong isang buwan pa nagsimula ang pasukan. Saang eskwelahan ba siya nanggaling?" tanong ni Zayn habang nakatitig sa nakapatay na cellphone.
"Pwede pa namang may lumipat."
"Alam ko."
"Tss. Hindi ko alam kung saan. Pero mukhang galing ibang bansa."
Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Pumasok naman ang kanilang babaeng adviser kasabay ang isang babaeng nakauniporme.
"Okay class. Good morning. Please have a seat." hindi pa nakakabati ang mga estudyante ay pinaupo na niya ito. "As you can see I am with a student. She will be your classmate from this day and onwards. Please introduce yourself."
"Good day, I'm Zarah Alisha Fuentez. Nice meeting you all." pagpapakilala niya sa sarili.
"Okay. Now please sit beside Zayn. The unoccupied chair beside him." tumango si Zarah at tinahak ang daan patungo sa likod. She doesn't mind the location in fact she likes it.
"Do you by chance know the Melendrez family?" biglaang tanong ni Zayn sa babae.
"No. Why?"
Ginalaw nito ang dalawang balikat pataas ng kaonte at agad din binaba "May kamukha ka lang."
"Kung ganun maganda pala siya." and she smiled sweetly at him.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
It took me a lot of time to rewrite this chapter. I even change it again when I was about to post it. >.< Anyways, vote/comment!
x☆x☆
![](https://img.wattpad.com/cover/7921216-288-k32115.jpg)
BINABASA MO ANG
Art Of Death
RandomHinihingal na ako sa kakatakbo, kung ano-anong bagay ang humahampas at naapakan ko pero sa ngayon mas mahalaga ang buhay ko kesa sa mga sugat na'to. Marami sila, iisa lang ako. Nagtago ako sa likod ng isang malaking puno, hinahabol ang hininga at pi...