II

56 3 0
                                    

2 weeks later

The group occupied two conjoined tables. Masyado silang marami para sa isahang lamesa lang. Aira and Shane went to the counter, as always sila naman parate ang nagoorder para sa grupo.

Nasa ilalim ng lamesa ang kanilang mga pinamili para sa isang project--role play. Hindi man kaparehas ng seksyon ay sama-sama nila itong pinamili.

Habang namimili kanina ay nagkaroon ng kaonting alitan ang ibang babae. Tungkol ito sa suhestiyon ni Zarah na hindi naman pinayagan ni Shane. Naging parte ng grupo si Zarah dahil kinaibigan siya ni Ella at Misha.

Pero hanggang sa hapag kainan hindi pa rin naiitigil ang usapan tungkol sa magkasingtahan natagpuang patay sa loob ng campus. Hindi umabot sa media ang balita dahil hindi ito pinayagan ng eskwelahan pero pinaiimbistigahan na ito sa mga pulis.

Medyo mahirap din alamin kung sino ang may sala, tanging dalawang papel na may numerong isa at dalawa na nakalagay sa noo ng bawat isa ang leading evidences nila.

Nagtaka si Leanne kung bakit alam nila Gabe at Dame ang tungkol dito kaya tinanong niya ang kaibigan. "Nakalimutan mo atang pulis ang ama namin ni Gabe, Leanne." mapagmalaking sagot ni Dame sa babae.

"Pano yung parents ng dalawa? Hindi ba sila magfi-file ng kaso?" tanong ni Leanne kay Carron

"Sino naman ang ipapakulong nila? Ang buong school admins?" natatawang saad ni Kim na agad naman sinita ni Ella, humingi naman ng tawad ang binata sa dalaga.

"Gusto. Pero walang culprit na mahuli. Wala nga silang other clues or hints kung sino ang may gawa." tugon ni Carron

"Bakit ba natin to pinaguusapan? Can't we find something else to talk about?" iritang tanong ni Peter na tinanguan naman ni Zayn.

Ayaw na ayaw ni Peter na makarinig ng tungkol sa mga patayan. May mga bagay na bumabalik sa kanya na pilit niyang ibinabaon sa limot. Mga damdaming pilit kumakawala sa pagkakalibing.

Bumalik sa lamesa ang dalawang babae at ilang minuto ay sinerve din ng waiter ang kanilang order. Nagsimula silang kumain habang nagkwe-kwentuhan ang magkabarkada.

"Aira, ok ka lang?" di mapigilang tanong ni Zarah. Napansin niyang simula ng kumain ito ay di mapakali ang dalaga. Panay ang galaw ng balikat nito at lumilingon-lingon din sa bawat gilid niya. Malalim din ang kanyang paghinga at ang mga mata'y di mapakali sa isang direksyon.

"Ha? Oo, ok lang ako. Don't mind me." tsaka ngumiti ng pilit ang dalaga. No, she isn't fine. She have this weird feeling na para bang may tumitingin sa bawat kilos niya. Nagmamasid kung kelan siya magkakamali, and she did.

"Ouch." she just cut herself with a table knife. Hindi niya alam pano nangyari yon, at masyadong malalim ang sugat niya.

"Girl, kaylangan hugasan mo 'yan." payo ni Misha habang sinusulyapan si Ella na ngayon ay tinatakpan ang mga mata. Ella hates blood at hindi niya alam kung bakit. May mga bagay na hindi ipinapaalam ni Ella sa dalaga kahit silang dalawa ang pinakaclose sa grupo.

Nagboluntaryo si Zarah na samahan sa cr ang dalaga ngunit hindi na siya pumayag. Huhugasan lang naman niya ang sugat madali lang 'yon, at saka wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya sa loob ng cr diba?

Napamura na lang dalaga ng matamaan ng tubig ang sugat. Tatanga-tanga kasi ayan tuloy sugat ang labas! Iritang bulong sa sarili. Inalis niya ang kamay sa ilalim ng faucet at awtomatikong na-off ito.

Kasalukuyan siyang nagpupunas ng kamay ng biglang namatay ang ilaw ngunit agad naman bumalik. She let go of the breath she didn't knew she held. Palabas na siya ng cr ng may narinig siyang humihikbi. Agad nagsitayuan ang mga balhibo niya sa katawan. Dapat tumakbo na siya palabas dahil sa mga movies hindi maganda ang kinalalabasan.

Pero wala siya sa pelikula kaya lumapit siya sa pinakunang cubicle at tinulak ito.

None. No one was there and so was the other two cubicles. Huminga siya ng malalim "Last na 'to" bulong niya sa sarili. She pushed the cubicle's door...


And it didn't opened!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Comment/Vote :*

x☆x☆

Art Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon