Kath's POV
"Hoy, Nadine! Gumising ka na kasi diyan. Gustong gusto mo talagang malate e 'no?" Sabi ko habang yinuyugyog yung katawan niya.
Hays, ayaw talaga niya magising e di hayaan natin siya. Inalog ko uli yung katawan niya pero ayaw talaga kaya lumabas nalangnako ng kwarto namin. Oo, kwarto NAMIN. Lumingon uli ako, pero wala tulog mantika talaga. Pabayaan mo na nga lang siya, ginusto niya yan.
Nagpunta akong dinning area para kausapin muna sila Mama at Papa, bago ako umalis. Sakto naman nandun sila kumakain, si Papa nagbabasa ng dyaryo si Mama mukhang may inaasikaso sa laptop niya. Ang busy talaga nila parati. Buti nalang hindi sila nawawalan ng oras saamin.
"Mama, Papa." Lumingon silang pareho saakin, sabay pa. "Mauna na po ako, ayaw pa po kasi magising ni Nadz e."
Binaba ni Papa yung newspaper na hawak niya at sinarado ni Mama yung laptop niya at sabay silang tumayo. Hilig po nila magsabay.
"Maghintay ka diyan." Sabi ni Mama at sabay silang umakyat, hay tss. For sure gigisingin nila si Nadz.
Umupo nalang muna ako at chineck yung mga pagkain. Dami pa palang food, kumuha ako ng platito ng bigla nalang may nagsalita.
"Ako na po, Lady Kath. Maupo nalang po kayo." Lumingon ako, si Ate Tamara pala. Anak siya nung matagal na naming maid dito, pero hanggang nasasagwaan talaga ako dun sa Lady Kath!
"Ate Tamara, kukuha lang po ako ng platito jusme! Kaya ko na po ito." Tumawa ako at bumalik na sa kinuupuan ko. Si Ate Tamara naman nakatingin lang saakin.
Kumuha na ako ng food at inilagay yun sa platito ko, "Ang bait bait niyo po talaga, sana ganyan din po si Lady Nadz." Natawa naman ako sa sinabi niya, medyo maldita at tamad lang kasi talaga yun si Nadine.
"Ikaw talaga Ate Tamara, ganun lang talaga yun si Nadz. Pero mabait yun, katulad ko. Nahihiya lang." Sumubo uli ako at naririnig ko nang pababa na si Nadz at sila Mama.
Sabi ko na nga ba e, nandyan na siya. Maayos na yung itsura niya, hahaha. Nasermonan 'to nila Mama, sayang wala ako nung nangyari yun! HAHAHA, joke lang. :PP
"Narinig ko pangalan ko." Umupo si Nadz sa tabi ko, ang taray talaga neto kahit kelan.
"Sige po, Lady Kath, Lady Nadz." Nagbow siya tapos umalis na si Nadine naman nagroll lang siya ng eyes at sumubo ng pagkain niya. Sabi sainyo e, may pagkamaldita lang talaga 'to si Nadz pero mabait yan.
"Hay nako, Nadz. Tara na nga. 7:45 na oh, 8 pa pasok na natin." Tumayo ako, at hinila na din siya patayo. Nagpapabigat pa siya.
Kasalanan mo yan, late ka kasi nagigising.
"Sorry na nga diba! Eto nga e, tatayo na." Napalakas ata yung pagkakasabi ko, hahahaha. Hinila niya na ako palabas, ang adik talaga neto. -__-
Pumasok na kami ng kotse, nauna si Nadine kaya nandun siya sa may bintana tapos sumunod naman ako. Si Kuya Orly yung maghahatid samin ngayon, wala daw kasi si Kuya Nestor. Pero okay na din yan, mabait naman si Kuya Orly e.
At kung nagtataka kayo kung bakit ang dami drivers at maids, haist. Mayaman kasi kami, sobrang workaholic kaya ng pamilya namin. Edi ayan naging mayaman tuloy, hahaha. Pero kung tutuusin, mas gusto ko yung di pa kami gaanong mayaman yung bata pa kami ni Nadine. Sobrang saya kasi lagi kaming buo.
BZZT BZZT
Epal lang yung phone ko, nagdradrama pa ako dun e! Chineck ko, nagtext ang pinakamamahal naming best friend ni Nadine. Si Liza.
BINABASA MO ANG
Tadhana Times Four (KathNiel, JaDine, LizQuen, JulÑigo)
FanfictionManiniwala ka pa ba sa tadhana kung mayroon mga problema: 1. Ayaw makasakit kaya piniling wag nalang muna. 2. Mayroon na siyang gustong iba. 3. Ilang beses ng nasaktan kaya wag nalang. 4. Natatakot na maulit ang nangyari sa nakaraan.