TTF 6: Sakit Sa Ulo!

310 16 3
                                    

Liza's POV

Good morning mga tropapips! Hahaha, joke. Kakagising ko pang, leche. Nalate ako ng gising, 7:30 na! E, 8 ang pasok namin. Kaya ayan nauna na si Julia saakin.

Nagbibihis na ako ngayon, sobrang mabilisan. Yung sleeves ko hindi pantay. Tapos yung neck tie ko tabingi. Ay nako bahala na yan. Nagmadali na akong bumaba.

"Bye mother earth!" Sigaw ko tapos pumara na ako ng jeep.

"Bayad pows!" Sigaw ko tapos inabot ang bayad ko.

"Saan ito?" Sabi nung driver.

"Kahit saan, wag lang sa Japan!" Sigaw ko tapos nagtawanan yung mga pasahero. "Joke lang po, sa William State University po." Sabi ko tapos, tapos na.

After 15 minutes nakarating na din ako. Lechugas! 7:59 na, kaya nagdasal ako na sana sapian manlang ako ni Flash. Jusko Lord, I need Flash to be my spirit animal!

"Late ka din pala, Pag-asa." Tss, nandito nanaman siya. Sa dinami dami ba naman ng pwedeng maging late siya pa talaga?

"Tss! Tulungan mo nga akong ipagdasal na sapian ako ni Flash! Puta naman e." Sabi ko.

"Ipagdadasal kita tapos nag mura ka? Sira ka din pala e." Singhal niya saakin.

"Ang epal mo talaga!" Sigaw ko.

"Cutting tayo?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Anong pinagsasasabi mo diyan? Bahala ka na nga." Akmang tatakbo na sana ako pero bigla niya akong binuhat. Yung tipong kidnapp buhat. Basta yun!

"Enrique! Ibaba mo ako! Ayoko mag cutting!" Sigaw ko sa tenga niya.

"Wag kang malikot, baka gusto mong ihulog kita." Sabi niya.

Inikot ko ang mga mata ko kahit hindi niya ako nakikita. "Sakit sa ulo ka talaga, Enrique! Nakakainis ka." Sigaw ko nanaman.

Kath's POV

Break time na namin, nagtataka nga ako kasi si Liza hindi pumasok. Tinawagan ko si Tita sabi pumasok naman daw. Nasan naman kaya yung babaeng yun?

Buti nalang nung tinawagan ko si Tita, kunwari nakita ko siya. Kasi kung hindi nako, papagalitan talaga yung babaeng yun. Pero nakakainis, kanina ko pa siya tinetext pero wala talaga e.

Bigla ko namang nakasalubong si Dj, "Oh ikaw pala, Kath."

Nginitian ko siya, "Practice tayo?" Tanong ko.

"Sige ba."

After nun kinuha na namin yung mga bikes namin. Actually bike ng school ang ginagamit ko, oo may bike ang WSU! Ang sosyal 'no.

Nang makarating na kami dun sa pag prapractice-an namin. Bigla akong hinila ni Dj.

"Kain muna tayo, may dala akong food dito." Ngiti niya saakin.

"Sige, medyo nagugutom na din ako e." Sabi ko sabay kamot ulo.

"Ganun ba? Sige sayo nalang lahat yan. Nakakain namana na ako kanina." Napa kunot noo naman ako.

Binuksan ko yung baunan niya, e puno pa nga! "Talaga lang ha?" Sabi ko.

"Oo nga, bumili kasi ako sa canteen. Ayoko kasi ng ulam ko."

"Okay sabi mo e." Halata namang hindi totoo. Pero kinain ko parin, syempre sayang naman 'no! Pero tinirahan ko siya.

"Oh ayan, sayo na yan." Abot ko sakanya nung baunan niya.

"Sabing sayo na e." Sabi niya saakin.

"E ayaw ko na." Pag sisinungaling ko.

"Bahala ka, basta kapag nagutom ka sabihan mo lang ako." Nakangiting sabi niya, bigla namang tumibok ang puso ko.

Ano bang nangyayari? Sakit sa ulo talaga 'to si Dj! Nako, magprapractice na nga lang kami.

Julia's POV

Naglakad nalang ako papuntang library. I'll review by myself. Ako lang naman ata ang may paki-alam sa School Fair na yun. Whats new? Boys will always be boys. Kahit na gaano pa ka-brainy yan, lalamunin pa rin yan ng pagiging unresponsible nila.

Nung nakarating na ako sa library, it's quiet of course. Medyo madami ang tao, but I'm sure yung mga taong 'to yung mga napili for the School Fair din. And they just don't want to put a shame on their section. Who would even waste their time on the library?

Nagreview nalang ako, ignoring na wala si Iñigo para mangulit na maging magkaibigan kami. It's kinda weird and naiinis ako. Why am I even thinking about him? Dapat magreview ako! Ayokong mapahiya kami.

Basa lang ako ng basa pero hindi ko nga alam kung may naiintindahan ba ako o wala. Tinitingnan ko lang tapos ewan ko na. Di ko naman kasi maintindihan 'tong mga nandito.

Nasaan na ba kasi si Iñigo?

Kailangan ko ng tulong niya. Di ko talaga maintindihan. Oh my god, this is a pain in my beautiful body! Nasaan na ba kasi si Iñigo when you need him?

Aish! Hindi nalang nga ako magrereview. Pagkalabas ko naglakad lakad muna ako. Hanggang sa makarating ako sa may basketball area. Tapos nakita ko yung magalingna Iñigo na nagbabasketball kasama si James.

Hindi ko na napagilang sumigaw, "Hoy Iñigo! Baka nakakalimutan mo na dapat nagrereview tayo ngayon. Hindi nakikipaglampungan ka sa bolang yan."

Sakit sa ulo, ugh I hate him.

Nadine's POV

After kumain, tinawagan ko si Liza pero hindi pa rin siya sumasagot. Nako, nasaan na ba yung loka lokang babaeng yun? Nakakainis na ha!

Sumuko na ako sa pagtatawag sakanya jusko. Naka 37 calls na ata ako pero wala pa rin. Edi wag, basta bahala siya for sure mapapagalitan siya ni Tita. Plus kami!

Habang naglalakad papunta sa room kung saan kami nagpractice ni James kahapon, nakita ko si Kath at Daniel na ang saya saya habang nagprapractice.

Ang gwapo ni, Daniel.

Naglakad nalang ulit ako, ano ba 'tong iniisip ko! Pagka rating ko, syempre of course! Wala si James the ugly dito. Wala yung jock na panget na ugly!

Naghintay ako ng ilang saglit pero mukhang hindi na ata siya dadating. Ano pa nga ba? For sure he's at the basketball court. Kaya minabuti kong pumunta dun.

Pero pagkarating ko, nanlaki ang mata ko ng nakita ko siyang naglalaro kasama si Iñigo. Tss, walang kwentang partner din pala itong si Iñigo for sure, nanggigigil na din si Julia.

Pinili kong umalis nalang, sino ba ako para pigilan siya sa mga gusto niya? Ganyan naman siya lagi. Showing some care, then the next day puro kagaguhan ang gagawin.

Bakit ba kasi umasa pa ako na magiging okay na kami dahil lang sa inasal niya kahapon? Argh, sakit sa ulo.

****

o m g, yes i am finally back! tapos na kasi ang school year, actually kahapon ang recog namin. so it means i'm back na rin here! wooo!

vote.comment.share

THANKYOU!

Tadhana Times Four (KathNiel, JaDine, LizQuen, JulÑigo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon