TTF 14: Unexpected Part 2

246 14 0
                                    

Liza's POV

Pagka tapos kong iwan si Julia kay Iñigo alam kong sasabog sa galit yun pero, matutuwa rin yun. Bibilhan yun ni Iñigo 'no! Edi sila na ang rk.

Tumakbo ako papuntang Fudge Rock, favorite store ko talaga yun. Kung inaakala ni Julia na naattract lang ako hindi talaga! Swear to God, matagal ko nang alam ang Fudge Rock. Online store siya.

At sobrang ganda ng binebenta nila. As in ang ganda talaga kaya gustong gusto kong maglumpasay kanina na makakakita ako ng physical store. Titingin lang naman ako.

Wala kasi akong pera, ansaket lang. Naubos na dahil sa pagkain, kainis naman! Dapat talaga cinontrol ko yun e, di ko naman kasi aakalain na makakakita ako ng Fudge Rock.

Pagdating ko, halos napanganga nalang ako. Totoo nga talaga, nakikita ko na nga talaga yung mga bagay na nakita ko lang sa phone ko. Oh my gosh, hindi ako makapaniwala.

Kaya lumapit ako sa isang lalake kahit na ayaw ko ng lalake kailangan kong gawin ito, at kahit hindi ako nakatingin kung sino siya nagsalita parin ako.

"Kuya papisil naman ako, baka kasi panaginip lang 'to." Iniintay kong pisilin niya ako pero nakaramdam ako ng batok.

Napatingin ako, ay aba!

"Bwiset kang unggoy ka! Bakit ka nandito? Siguro, sinusundan mo ko 'no? Stalker kita 'no? O baka naman admirer? Ha! Umamin ka, ipapapatay kita pag admirer kita." Naka cross arms kong sabi.

"Ay hindi! Bakla ka 'no? Pang babae yung shop na 'to e!" Dagdag ko pa.

"Batukan kita ulit, gusto mo?" At dahil dun binatukan ko siya, kainis e! Daming satsat.

"E ikaw ba't ka nandito? Isa ka na ba sa mga babaeng nahuhumaling sa gwapo kong 'to?" Muntik na akong masuka sa sinabi niya, ako mahumaling? Kay Enrique aka baklang unggoy?

Magyeyelo muna ang impyerno!

"Ulol ka, pakain ko sayo yang sarili mong ego ng mabusog ka." Sabi ko tapos humiwalay na sakanya.

Nagpunta ako sa shirts, gusto ko talaga dito yung nike logo na japanese yung nakasulat. Saka yung may alien sa may chest, ang ganda talaga. Saka gusto ko din bumili ng flannel, at ripped jeans.

Gusto ko din yung bags nila, pati yung phone cases! Lalo na yung grid, ang gaganda talaga! Naiiyak ako, bakit kasi ngayon pa ako naubusan ng pera? Bastos talaga 'tong wallet ko.

Tiningnan ko ulit yung buong store, nakakainis talaga. Eto na yun e, meron na akong chance na makabili nung mga bagay na imposibleng bilhin. Ayaw kasi ni mama ng online store, hassle daw.

Dahan dahan akong lumabas ng store, pero nung lalabas na talaga ako biglang may humawak sa kamay ko kaya napalingon ako. "Psh, ano nanaman ba baklang unggoy?"

"Grab everything you want." Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, ano daw?

"I said, kunin mo lahat ng gusto mo sa store na 'to." Di ko pa rin gets pero di na ako nagdalawang isip na gawin ang gusto niya.

Naramdaman kong nakasunod lang siya saakin. Kinuha ko lahat ng mga nabanggit ko kanina. At humarap sakanya, "So? Ano na?"

"Bibilhin ko yan, in one condition." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Seryoso? Ano yung condition?" Masaya kong sabi, jusko totoo ba 'to?

"Sasamahan mo ako sa lakad ko." Argh, ano pa nga bang magagawa ko? Pumayag na ako at binili na nga talaga namin lahat.

Mastustuck nanaman ako kasama ang baklang unggoy na 'to.

*****

"Si Enrique po ba talaga yan? As in no joke?" Bulong ko sa yaya nila, na kanina pa tawa ng tawa. Ano bang nakakatawa sa tinanong ko? Nako ha.

"Oo nga po, Ma'am." Natatawa niyang sabi, "Pang labing tatlong tanong niyo na po iyan." Aish, naninigurado lang naman kasi ako!

Kasi, si Enrique? As in Enrique the cassanova ay mabait sa babae? As in yung mabait caring ganon, parang nanaginip talaga ako. Kaya nga kanina ko pa kinukulit yung yaya nila.

"Hey, who is she? Kanina pa siya nakatingin saatin. It's creeping me na." Narinig kong sabi nung babae kay Enrique.

Sa ganda kong ito? Natatakot siya saakin! At teka ano daw? Saka sino ba talaga yang babae? Gf ba yan ni Enrique? Saka bakit ko ba iniisip yun, ano bang pake ko?

"Psst, pag-asa!" Rinig kong tawag saakin ni unggoy at tinaasan ko lang siya ng kilay. "Lika dito." Tawag niya pa kaya lumapit nalang ako.

"Beca, this is Ate Liza." Inakbayan niya ako, muntik na akong masuka sa ginawa niya. Seriously? Bakit kailangan niya pa akong akbayan? Ew! Yuck!

"And? Who is she?" Bingi ba 'to? Kakasabi lang e!

"Liza nga," Sabi ko, jusko naman.

Nag iba yung expression nung mukha nung babaeng nakahiga. Yes, nakahiga siya at nasa bahay kami nila ngayon. And parang nasa kwarto kami nung babaeng 'to pero parang nasa hospital.

Basta yun!

"I know, I mean, who are you in Kuya's life?" Kuya? Kapatid niya yung unggoy na 'to? Seriously? May kapatid pala siya. I cannot believe this.

"Girlfriend." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni unggoy. Napatingin ako sakanya at muntik ko na siyang paluin pero nagsalita yung kapatid ni Enrique.

"Really? Omg, hello Ate Liza. I'm Beca, your boyfriend's little sister. I'm so happy na you're dating him." Ngumiti si Beca, at ang genuine lang ng ngiti niya.

Para bang kahit may sakit siya, ang saya saya niya na nalaman niyang may girlfriend ang kuya niya. Kaya ngumiti nalang din ako kahit gusto ko ng sapakin 'tong katabi ko.

"Beca, we will get some food muna ha?" Nakangiting sabi ni Enrique, aba't ang bait bait talaga ng unggoy na 'to! Nakakapanibago ha, parang di siya.

Sinapian ata?

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalabas ng kwarto ni Beca. At ng makalabas na kami agad ko siyang pinalo.

"Hoy ikaw na unggoy ka!" Sigaw ko.

"Keep your voice low, baka marinig ka ni Beca." Casual niyang sabi.

"Ano ba yung pinagsasasabi mo kanina?!" Mahina kong sabi sakanya.

"Just go with it, just for 3 months." Lalong nanlaki ang mata ko at namilog ang bunganga ko.

"ANONG 3 MONTHS?!" Hindi ko napigilang sumigaw kasi naman ang unggoy na ito!

"Shh, Beca will hear you." Sabi nanaman niya at inikutan ko lang siya ng mata. "Just pretend to be my girlfriend for 3 months."

"At bakit? Ha?" Naka cross arms kong sabi sakanya.

"For Beca, as you can see may sakit siya. She's suffering brain cancer. And, she wants me to have someone na with me after 3 months dahil yun nalang ang—" I cut him off. Gets ko na kasi ang sasabihin niya.

"Okay, sige na papayag na ako." Agad na ngumiti si Enrique saakin.

"But, everyday ka dapat nandito saamin." I rolled my eyes, para naman 'to kay Beca e.

And just by the look of her eyes at yung ngiti niya kanina nung nalaman niyang girlfriend ako ni Enrique. I just had to do it.

Kumuha na kami ng pagkain ni Enrique. Bumalik na kami sa kwarto ni Beca, pero nung bubuksan ko na yung pinto, hinawakan niya yung kamay ko.

"Ano nanaman, baklang unggoy?" Sabi ko.

"I'm sorry for dragging you into this. I dragged you again into my messed up life." Nagulat ako sa sinabi niya, nagdrama si Koya.

Ngumiti ako, "Drama mo! Saka wala yun, gusto ko ding tumulong. Gusto ko din makitang masaya si Beca."

Tadhana Times Four (KathNiel, JaDine, LizQuen, JulÑigo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon